公益財団法人 広島平和文化センター国際市民交流課

Baguhin ang laki ng font
language

International Exchange Lounge

Nagbibigay ang International Exchange Lounge ng mga lugar at impormasyon para sa pakikipag-ugnayan ng mga Hapon at mga dayuhan. Huwag mag-atubiling gamitin ito.

Patnubay sa paggamit

Lokasyon: International Conference Center Hiroshima 1F (Nasa loob ng Peace Memorial Park)


Oras ng pagbukas: 9:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi (Abril 1 – Setyembre 30)
                             9:00 ng umaga hanggang 6:00 ng hapon (Oktubre 1 – Marso 31)

Araw na sarado: Disyembre 29 hanggang Enero 3

Telepono: (082) 247-9715

FAX: (082) 242-7452

E-mail: golounge@pcf.city.hiroshima.jp

Introduksyon ng mga Serbisyo

Information counter

Nagbibigay ng impormasyon sa wikang Hapon at Ingles ukol sa international exchange at cooperation, impormasyon sa turismo, at impormasyon sa pang-araw-araw na pamumuhay para sa dayuhang mamayan. Para sa mga wika bukod sa Ingles, maaaring makakuha ng impormasyon gamit ang three-way telephone service (Triophone).

Meeting corner

Maaring magsagawa ng maliliit na pagpupulong para sa international exchange. (Isang kwarto. Kailangan ng reserbasyon)

Dyaryo / Magasin

Malayang makapagbasa ng mga dyaryo at magazine na mula sa iba’t ibang bansa.

Leaflet Corner

Namamahagi ng mga leaflet tungkol sa mga event na may kaugnayan sa international exchange at cooperation. Maaaring gamiting ito ng mga grupo upang magpahayag ng mga aktibidad.

Impormasyon sa pang-araw-araw na pamumuhay 

Namamahagi ng impormasyong makatutulong sa pamumuhay para sa mga dayuhang mamayang nakatira sa Hiroshima. May mga impormasyon na nasa wikang Ingles, Portuges, Espanyol, Intsik, atbp.

Bulletin Board

Naka-post dito ang mga event ng international exchange at cooperation, at impormasyon tungkol sa pamumuhay at kultura.

Message Board

Maaring mag-post ng mga mensahe tulad ng paghahanap ng language partner. (Tagal ng pag-post: 1 buwan)

International Cooperation Corner

Nagpapakilala sa mga aktibidad ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at iba pang International Cooperation Organization.

Study corner

May apat na mga pang-isahang lamesa para sa pag-aaral. Maaaring gamitin ito bilang lugar para sa pag-aaral.

Sister and Friendship Cities Corner

Makikita ang impormasyon tungkol sa anim na international sister at friendship city ng Hiroshima City.

Volunteer Corner para sa “Pagtulong sa International Cooperation”

Maaring makilahok sa aktibidad na ayusin ang mga gamit na stamp na nakolekta mula sa mga aktibidad ng “Pagtulong sa International Cooperation”.

I-click ito para sa mga detalye.

“Pagtulong sa International Cooperation”

Internet Corner

Libreng makagagamit ng mga computer na may internet access upang makatulong sa pagkolekta ng impormasyon sa international exchange at cooperation. Maaaring gumamit ang isang tao sa loob ng 30 minuto kada araw. Maaari ring magamit ang Free Wi-Fi ng Hiroshima City. (Hindi maaring gumamit ng saksakan ng kuryente)

Tanggapan ng konsultasyon ukol sa pamumuhay para sa dayuhang residente.

May mga dayuhang counselor (Intsik, Espanyol, Portuges, Vietnamese) na maaring pagkonsultahan ang mga dayuhang mamamayan na may problema o may pag-aalala sa pang-araw-araw na pamumuhay. (Pananatilihing kumpidensyal ang usapan). Libre ang konsultasyon.
I-click ito para sa mga detalye.

Mga proyekto ng International Exchange Lounge

“Pagtulong sa International Cooperation”
*Pagkolekta ng gamit na stamp at plastic na takip ng bote para makakatulong sa Internatonal Cooperation
I-click para sa detalye

Home Visit (Pagrehistro ng mga host family at tagapamagitan sa mga aplikante)
I-click para sa detalye

Libreng pamamahagi ng nakaraang banyagang dyaryo at magazine
I-click para sa detalye

Libreng pamamahagi ng mga libro
I-click para sa detalye

“Have a Natter!” kasama ang Coordinator para sa International Relations (CIR) (Araw ng konsultasyon) *Kailangan ng reserbasyon
I-click para sa detalye

Top