公益財団法人 広島平和文化センター国際市民交流課

Baguhin ang laki ng font
language

Impormasyon tungkol sa Pang-araw-araw na Pamumuhay

1. Paraan ng Pagtatapon ng Basura

2. Tubig, Kanal na Paagusan, Elektrisidad at Gas

3. Tirahan

4. Tanggapan ng Koreo o Post Office

1. Paraan ng Pagtatapon ng Basura

Paghiwa hiwalay ng mga basura

Itapon ang mga basura mula sa bahay matapos paghiwa hiwalayin sa walong uri:

1. Nasusunog na basura

2. Pet bottle

3. Plastik na maaaring i-recycle (Plastik na pambalot o container)

4. Iba pang uri ng plastic (Maliban sa pambalot o container)

5. Di-nasusunog na basura

6. Maaaring ire cycle na mga basura

7. Basurang mapanganib sa kalusugan

8. Malalaking basura

Nakasulat din ito sa website ng Lungsod ng Hiroshima.  
https://www.city.hiroshima.lg.jp/site/kateigomi/363649.html

🍋 Mga Alituntunin sa Pagtatapon ng mga Basura mula sa Tahanan

I-click lamang para palakihin.

Koleksyon ng basura

Ilabas ang basura sa takdang lugar at araw hanggang alas-8:30 ng umaga Itanong sa kapitbahay o sa Sanitation offices (pahina 35) kung saan ang nararapat na lugar para sa tapunan ng basura.
Ang koleksyon ng basura ay magkakaiba sang ayon sa kategorya at lugar ng tirahan.
Kung nais malaman ang impormasyon ng araw ng koleksyon ng basura sa inyong lugar Mangyaring tingnan sa homepage ng Lungsod ng Hiroshima.
https://www.city.hiroshima.lg.jp/life/1/11/81/

Pagtatapon ng malalaking basura

Ang basurang may sukat na mas malaki sa 30 cm ay tinatawag na malaking basura (may bayad ang pagtatapon). Ang malalaking basura ay hindi kaagad makokolekta. Mag-aplay 3 araw bago ang araw ng koleksyon sa lugar kung saan kayo nakatira.
Kung mag aaplay mula sa website ng Lungsod ng Hiroshima,nararapat na mag aplay lima araw ng maaga bago dumatng ang araw ng pangongolekta .

Paalaala: Magbilang ng araw bago sa araw ng pangongolekta.Kung sarado ang paglilingkod ng sentro hindi kabilang ang 3 o 5 araw na nabanggit sa itaas.

Ang Sentro impormasyon ng Malalaking Basura
Tel. 0570-082530 (wika Hapon lamang)  (Ang numero ng teleponong ito ay hindi saklaw ng flat rate ng mga plano   sa pagtawag ng mga kumpanya ng mobile phone) Tumawag sa 082-544-5300 (wika Hapon lamang)
https://www.city.hiroshima.lg.jp/site/kateigomi/13279.html

Ang pagtatapon ng malalaking basura po ay mayroong bayad.

2. Tubig, Kanal na Paagusan, Elektrisidad at Gas

Linya ng Tubig at Sistema ng Paagusan

1. Simula ng paggamit at paghinto ng linya ng tubig
Makipag-ugnayan ang mga maglilipat sa Customer Center sa tanggapan ng Hiroshima City Water Works Bureau sa loob ng 3-4 na araw bago gumamit/ihinto ang tubig.
TEL 082-511-5959  FAX 082-228-8861

2. Tungkol singil ng tubig at paggamit ng paagusan
Para sa impormasyon tungkol sa singil sa tubig, makipag-ugnayan sa tanggapan ng serbisyo ng tubig sa inyong lugar. Para sa impormasyon tungkol sa mga bayarin sa paggamit ng paagusan, makipag-ugnayan sa Hiroshima City Sewerage Bureau Management Division (TEL 082-241-8258).

Elektrisidad

1. Simula ng paggamit at pagputol ng linya ng elektrisidad.
Chugoku Electric Power (Kung gagamit ng kuryente maliban sa Chugoku Electric Power, makipag-ugnayan sa naturang kumpanya.)

Lugar kung saan kayo nakatira: Naka Ward, Higashi Ward Minami Ward, Nishi Ward (maliban sa Shinjocho), bahagi ng Saeki Ward Minaga
Opisina: Hiroshima Energy Sales Center
TEL: 0120-297-510

Lugar kung saan kayo nakatir: Aki Ward (maliban sa Terayashiki)
Opisina: Hiroshima Energy Sales Center
TEL: 0120-525-079

Lugar kung saan kayo nakatir: Asaminami Ward, Asakita Ward, bahagi ng Nishi-ku (Shinjocho), bahagi ng Higashi-ku (Nukushina, Fukuda), bahagi ng Saeki Ward Yukicho (Shimo)
Opisina: Hiroshima-kita Energy Sales Center
TEL: 0120-516-830

Lugar kung saan kayo nakatir: Saeki Ward (maliban sa ilang bahagi)
Opisina: Hatsukaichi Energy Sales Center
TEL: 0120-517-270

2. Black-out
Chugoku Electric Power Transmission and Distribution Center

Lugar kung saan kayo nakatir: Naka Ward, Higashi Ward, Minami Ward, Nishi Ward (maliban sa Shinjocho), bahagi ng Saeki Ward Minaga
Opisina: Hiroshima Network Center
TEL: 0120-748-510

Bairro onde mora: Aki Ward (maliban sa Terayashiki)
Opisina: Yano Network Center
TEL: 0120-525-089

Lugar kung saan kayo nakatir: Asaminami Ward, Asakita Ward bahagi ng Nishi-ku (Shinjocho), bahagi ng Higashi-ku (Nukushina, Fukuda), bahagi ng Saeki Ward Yukicho (Shimo)
Nome: Hiroshima-kita Network Center
TEL: 0120-516-850

Lugar kung saan kayo nakatir: Saeki Ward (maliban sa ilang bahagi)
Opisina: Hatsukaichi Network Center
TEL: 0120-517-370

Gas

Sa simula ng paggamit/paghinto ng gas o may sira ang gas appliance
Hiroshima gas Customer Center (Kung gagamit ng gas maliban sa Hiroshima gas, makipag-ugnayan sa naturang kumpanya.)
TEL 0570-002-888 dili po 082-251-2176

Kapag nag leak ang Gas
Tumawag po sa Hiroshima Gas Security Center 
TEL 082-251-3219
※Ang Hiroshima Gas ay mayroon pong tagapagsalin sentro at sa pamamagitan ng terminal na mobile at mayroong mga wikang ingles, Intsik, Korean Koreano, Portugal, Espanyol, Biyetnamis, at wikang Thai.

Para sa propane gas, makipag-ugnayan sa  bawat lugar sa tindahang nag benta. (Tel: 082-821-3634)

3. Tirahan

Paghahanap ng tirahan

Sa paghahanap ng matitirahan, karaniwan ang pakikipag-ugnayan sa isang Real Estate Agent. Sa mga dayuhang estudyante na nasa unibersidad, ang paaralan ay nagbibigay rin ng mga impormasyon tungkol dito.
Tungkol sa pag-upa ng bahay, kinakailangang mag pirma sa kontrata sa pag upa. Karaniwan ay kailangang pumirma sa kontrata ang hoshonin o guarantor. Karaniwang kasama sa kontrata ang reikin (key money) at shikikin (deposito sa pag-upa) na siyang ipinatutupad na sistema sa Japan. Para sa mga detalye, magtanong lamang sa Real Estate Agent o sa inyong unibersidad.

Kapag napagpasyahan na ang tirahan, magparehistro bilang isang residente.

🏠 Pribadong Paupahang Bahay na sumusuporta para sa mga Mamamayang Dayuhan 

Mula sa Safety Net Living Housing Information, ang mga dayuhan ay maaaring maghanap dito.
https://www.safetynet-jutaku.jp/guest/index.php (wika Hapon lamang)

🏠 Pampublikong paupahang bahay 
Ang mga sumusunod ay maaaring mag-apply para pampublikong paupahang bahay:
Mga residente na nakatala sa lungsod ng Hiroshima at mga kasalukuyang nakatira sa lungsod ng Hiroshima at nakapasa sa mga kailangan papeles kabilang ang miyembro ng pamilya, halaga ng kita, atbp.
Mga nagtatrabaho sa siyudad ng Hiroshima, matapos makapasa sa mga kinakailangang  dokumento na magpapatunay na miyembro ng mga kasama sa bahay, halaga ng kita, at iba pa, ay maaaring mag-apply para sa pabahay ng munisipyo (apat na beses sa isang taon, tuwing Pebrero, Mayo, Agosto at Nobyembre).

Para sa detalye, makipag-ugnayan sa Architecture Division sa opisina ng inyong local ward.

4. Tanggapan ng Koreo o Post Office

Sa Tanggapan ng Koreo, bukod sa koreo, ito ay nagbibigay din ng serbisyo sa pag-iimpok, may kaugnayan sa negosyo at insurance. Kung lumipat ng tirahan, pumunta sa Post Office at ipasa ang ten-kyotodoke. Ang lahat ng sulat na naka-address sa lumang tirahan ay ipadadala sa bagong tirahan.

Customer Center
TEL 0120-23-2886 o 0570-046-666 Ingles TEL 0570-046-111
Mula Lunes – Biyernes  8:00 umaga hanggang alas 9:00 gabi
Sabado, Linggo at Holidays: 9:00 umaga hanggang alas 9:00 gabi
※ Homepage ng post office sa Ingles: https://www.post.japanpost.jp/index_en.html

Top