公益財団法人 広島平和文化センター国際市民交流課

Baguhin ang laki ng font
language

Mahahalagang Hakbang na Dapat Gawin Bilang Isang Dayuhan

1. Sistema para sa mga Mamamayang Dayuhan

2. Pagpaparehistro ng Tirahan

3. Kapanganakan ng Bata / Kamatayan / Kasal / Diborsyo

1. Sistema para sa mga Mamamayang Dayuhan

Residency Management System  
*Dayuhan na mananatili sa Japan ng sandalian hanggang matagalan (higit sa 3 buwan)

(1) Residence card

Ang residence card ay ipinagkakaloob sa bawa’t isa na pinagkalooban ng pahintulot sa pagpasok at pagtira sa bansa. Naglalaman ito ng pangalan, petsa ng kapanganakan, tirahan, nasyonalidad/rehiyon, katayuan sa paninirahan, at panahon ng paglagi. Kasama rin dito ang larawan ng may-ari ng card. Kung nawala ang card o nasira, mangyaring mag-apply sa Immigration Bureau ng Japan. Maaari kang makakuha ng bagong card.
※Kung nawala ang pasaporte, mangyaring kumuha ng isang “sertipiko ng nawalang pag-aari” mula sa pulisya. Dalhin ang sertipiko at pumunta sa embahada o konsulado ng sariling bansa at muling kumuha ng pasaporte.

(2) Mga pamamaraan na may kaugnayan sa paninirahan
 [Mga Pamamaraan sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan ]

1. Kung may pagbabago sa pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian, nasyonalidad, rehiyon, atbp.
Sa loob ng 14 araw ng petsa ng pagbabago, dalhin ang sumusunod na papeles:
【Mahalagang papeles】pasaporte, larawan, residence card, at dokumento na nagpapakita ng mga katotohanan ng mga pagbabago.

2. Kapag ang aktibidad batay sa katayuan ng tirahan ay binago, at kung kailan muling matatapos ang termino ng paninirahan.
Mangyaring mag-apply para sa pagbabago ng katayuan ng paninirahan o mag-apply para sa pag-renew ng permit sa paninirahan. 【Mahalagang papeles】pasaporte, larawan, residence card, mga dokumentong pagpapatunay

Hiroshima Regional Immigration Bureau
2-31 Kami-hatchobori, Naka-ku, Hiroshima City   TEL 082-221-4412

Sistema para sa Special Permanent Residents Status  
*Ang sistema para sa mga Special Permanent Residents Status ay naiiba sa Residency Management System.

⑴ Paglathala ng Special Permanent Resident Certificate
Ang Special Permanent Resident Certificate ay ibibigay sa mga Special Permanent Residents.
Napapaloob sa special permanent resident ang pangalan, kaarawan, tirahan, nasyonalidad, rehiyon, expiration date nito at ang larawan ng may-ari ng certificate. Ang isang taong wala pang edad na 16 na may residence certificate ay dapat magparehistro ng special permanent resident hanggang sa edad na 16. Kung nawala ang inyong certificate o ito ay nasira, mangyaring mag-apply ng bagong certificate sa tanggapan ng ward.

⑵ Sistema para sa Special Permanent Residents Status【Sumangguni sa inyong munisipyo sa pamamaraan】
1. Kung may pagbabago sa pangalan, araw ng kapanganakan, kasarian, nasyonalisad at rehiyon, ipagbigay-alam sa loob ng 14 na araw pagkatapos ng nasabing pagbabago.
【Mahalagang papeles】Pasaporte (kung may  pasaporte), litrato, Special Resident Certificate, at iba pang angkop na dokumento na magpapatunay sa anumang pagbabago.

2. Kung ang inyong Special Permanent Resident Certificate ay na expired
 Kung ang Special Permanent Resident Certificate ay na expired kailangang ihanda ang mga dokumento.
【Mahalagang papeles】Pasaporte (kung may  pasaporte), litrato at Special Resident Certificate.

Sistema ng Re-Entry

Ayon sa patakaran, ang mga sumusunod ay hindi na kailangan ng re-entry permit:
● Kung ang isang dayuhan na may wastong pasaporte at resident card
    … Sa paglabas ng bansa, idineklara na ang pagbalik ay sa loob ng isang taon.
● Kung ang isang dayuhan na may wastong pasaporte at special resident certicate
    … Kung ang isang dayuhan na may wastong pasaporte at special resident certicate at idineklara na ang
  pagbalik ay sa loob ng dalawang taon

Para sa mga katanungan tungkol sa sistema ng residente at Special Permanent Resident
Immigration Information Center
Bukas mula: Lunes – Biyernes  8:30 – 17:15
Sarado tuwing: Sabado, Linggo, special holidays, at Disyembre 29 – Enero 3.
TEL 0570-013904  (mula sa IP phone o ibang bansa 03-5796-7112)

2. Pagpaparehistro ng Tirahan

Ang mga midterm at long term at mayroong Special Permanent Resident ay dapat magparehistro bilang residente.

Bago manirahan sa Japan (para sa mga midterm at long term na residente)

Matapos makumpirma ang lugar na titirahan, ipagpaalam sa ward office (pahina 34) sa loob ng 14 na araw dala ang inyong residence card. Kung walang residence card, dalhin ang pasaporte.

Paglipat ng Tirahan

1. Paglipat mula sa Lungsod ng Hiroshima papunta sa ibang lungsod, ward o town
Magsumite sa inyong local ward office ng Tenshutsu Todoke. Bibigyan kayo ng Tenshutsu Shōmeisho, na kailangang pakaingatan na hindi mawala.
Sa loob ng 14 na araw, magsumite ng Tennyū Todoke sa inyong bagong lungsod, ward o town na inyong nilipatan.
【Mahalagang Papeles】 Residence card, special residence certificate ng lahat ng  kasambahay at Tenshutsu Shōmeisho

2. Paglipat sa loob ng Lungsod ng Hiroshima
Sa loob ng 14 na arw, magsumite sa inyong ward office ng Tenshutsu Todoke
【Mahalagang Papeles】Residence card, special residence certificate ng lahat ng kasambahay

Residence Certificate

Kapag kayo po ay nakarehistro bilang resident, ang local ward office o branch office ay magbibigay ng Residence Certificate.
Ang mga mamamayan nangangailangan ng kopya ng Residence Certificate, maaaring mag-apply sa local ward office.
Ang kopya ng Residence Certificate ay maaaring makuha sa kahit saang local ward office o branch sa lungsod ng Hiroshima.

My Number

Lahat ng mayroong Residence Certificate ay mayroon ding “My Number” (12-digit na personal na number). Kung nakapagrehistro bilang residente, kayo ay padadalhan ng My Number, na naglalaman ng litrato.
Magtanong sa local ward oficce o branch para sa iba pang impormasyon.

Child Allowances

Mayroong child allowance na ibinibigay sa mga magulang na nagpapalaki ng mga bata hanggang 3rd year junior high school (hanggang March 31 matapos ang 15 anyos). Sa mga hindi pa nakakatanggap o mga lumipat ng tirahan mula sa labas ng lungsod ng Hiroshima, mag-sumite lamang ng aplikasyon. Para sa detalye, magtanong sa local ward office Public Welfare Division.

3. Kapanganakan ng Bata / Kamatayan / Kasal / Diborsyo

Kinakailangan na ipagpaalam sa inyong bansa kung may batang isinilang, may namatay, ikinasal o nag-diborsyo.  Makipag-ugnayan sa embahada, konsulado ng inyong bansa na nasa loob ng bansang Hapon.
Ipaalam din sa inyong ward o branch office, gayundin sa Immigration Services Agency ng Bansang hapon.

Kapanganakan ng Bata

🔸 Pag abiso ng kapanganakan (Shussho Todoke)
● Sino ang kailangang mag pasa: Lahat
● Kailan ipapasa: Sa loob ng 14 na araw kasama ang araw ng kapanganakan
● Saan ipapasa: Local ward oficce, Citizens Affairs Division o branch office, o sa local ward/branch office kung
        saan ipinanganak ang bata

🔸 Pagkuha ng Pamantayan ng Residency
● Sino ang kailangang mag pasa: Mula Mid at long term na residence
● Kailan ipapasa: Sa loob ng 30 na araw
● Saan ipapasa: Hiroshima Regional Immigration Bureau

🔸 Pahintulot na may kaugnayan sa Permanent residency
● Sino ang kailangang mag pasa: Special Permanent Residents
● Kailan ipapasa: Sa loob ng 60 na araw ng pagkapanganak
● Saan ipapasa: Local ward office, Citizens Affairs Division o branch office

🔸 Ulat ng kapanganakan (Shussho Renraku Hyo)
● Sino ang kailangang mag pasa: Lahat
● Kailan ipapasa: Hanggat maaari po ay maaga
● Saan ipapasa: Local ward office, Welfare Division o branch office

🔸 Aplikasyon para sa Child Allowance (Jido Teate)
● Sino ang kailangang mag pasa: Makipag-ugnayan sa local ward oficce na nasa kanan
● Kailan ipapasa: Sa loob ng 15 na araw buhat ng kapanganakan
● Saan ipapasa: Local ward office, Mutual Community Support Division or branch office (maliban sa Ninoshima)

🔸 Aplikasyon para sa tulong na salapi sa mediko para sa mga bata
 ※Ang mga mayroong sapat na sahod ay hindi kabilang sa mga pagtulong sa salapi sa mediko
  para sa mga bata
● Saan ipapasa: Local ward office, Welfare Division o branch office

🔸 Pag papatala sa National Health Insurance
● Sino ang kailangang mag pasa: Mga taong may National Health Insurance
● Kailan ipapasa: Sa loob ng 14 na araw
● Saan ipapasa: Local ward office, National Insurance and Pension Division o branch office

※Kahit na ang bata ay ipinanganak sa Japan, at ang ama at ina ay dayuhan, ang bata ay hindi bibigyan ng Japanese citizenship. Makipag-ugnayan sa embahada ng inyong bansa o konsulado upang ipaalam ang kapanganakan ng bata.

Kamatayan

🔸 Pag abiso ng Kamatayan (Shibo Todoke)
● Sino ang kailangang mag pasa: Lahat
● Kailan ipapasa: Sa loob ng 7 araw matapos malaman ang pagkamatay
● Saan ipapasa: Local ward office, Citizens Affairs Division o branch office, o kaya sa ward o branch office kung
        saan namatay

🔸 Pag abiso ng Kamatayan para sa National Health Insurance
● Sino ang kailangang mag pasa: Kung ang namatay ay may National Health Insurance
● Kailan ipapasa: Sa loob ng 14 na araw ng pagkamatay
● Saan ipapasa: Local ward office, National Insurance and Pension Division o branch office

🔸 Pagbabago sa Long-Term Care Insurance (Kaigo Hoken)
● Sino ang kailangang mag pasa: Kung ang namatay ay may Long-term care insurance
● Kailan ipapasa: Sa loob ng 14 na araw ng pagkamatay
● Saan ipapasa: Local ward office, Longevity and Health Services Division o Local ward Welfare Division or
        branch office

Kasal

🔸 Abiso ng kasal
● Kailan ipapasa: Walang deadline ng pag aabiso ng Abiso ng Kasal (Magiging legal na mag-asawa matapos
        magsubmit ng Notification of Marriage)
● Saan ipapasa: Local ward office, Citizens Affairs Division
       ※ Ang mga papeles na kailangan at pamamaraan ay  depende sa inyong nasyonalidad

🔸 Pagbabago sa National Health Insurance
● Sino ang kailangang mag pasa: Sa mga mayroong National Health Insurance
● Kailan ipapasa: Sa loob ng 14 na araw matapos ikasal
● Saan ipapasa: Local ward office, National Insurance at Pension Division o branch office

🔸 Pagbabago sa Long-Term Care Insurance (Kaigo Hoken)
● Sino ang kailangang mag pasa / Kailan ipapasa:
 Sa loob ng 14 na araw kung may pagbabago sa pangalan o tirahan ng mga taong may insurance
● Saan ipapasa: Local ward office, Welfare Division o branch office

Kailan ipapasa

🔸 Abiso ng Diborsyo
● Kailan ipapasa: Ayon sa mutual agreement, walang deadline ng pag abiso (Ang pamamaraan ng diborsyo ay
        maisasagawa, matapos iabiso ang Abiso ng Diborsyo)
        Sa iba pang dokumento, 10 araw matapos ang diborsyo
● Saan ipapasa: Local ward office, Citizens Affairs Division
       ※ Ang mga papeles na kailangan at pamamaraan ay  depende sa inyong nasyonalidad

🔸 Pagbabago sa National Health Insurance
● Sino ang kailangang mag pasa: Sa mga nagrehistro ng National Health Insurance
● Kailan ipapasa: Sa loob ng 14 na araw matapos ang diborsyo
● Saan ipapasa: Local ward office, National Insurance at Pension Division o branch office

🔸 Pagbabago sa Long-Term Care Insurance (Kaigo Hoken)
● Sino ang kailangang mag pasa / Kailan ipapasa:
 Sa loob ng 14 na araw kung may pagbabago sa pangalan o tirahan ng mga taong may insurance
● Saan ipapasa: Local ward office, Welfare Division o branch office

Pagrehistro ng Inkan

Sa Japan, ang inkan/hanko kung saan nakaukit ang inyong pangalan ay ginagamit bilang pirma. Ang mga nakarehistrong inkan ay tinatawan na jitsuin. Ang paggamit ng rehistradong inkan kasama ang Certificate of Registration ay magiging legal na kumpirmasyon ng may-ari.
Para mairehistro dalhin ang inkan at Residence Card o Special Permanent Resident Certificate sa local ward office sa Citizens Affairs Division o branch office. Ang ilang hanko ay hindi maaaring irehistro. Makipag-ugnayan sa local ward office, Affairs Division o branch office para sa detalye.

Sistema ng Panunumpa ng Nagsasama ng Siyudad ng Hiroshima

A

Ang Siyudad ng Hiroshima ay nagpapahintulot sa mga mag-asawang sekswal na minorya na magsumite ng nakasulat na panunumpa at magkatuwang na ipahayag na kinikilala nila ang isa’t isa bilang kanilang mga makakasama sa buhay, ang batas ay ipinagkaloob sa taong Enero 2021.

Hindi tulad ng marriage certificate, ang partnership certificate/card ay walang anumang legal na epekto. Sa kabila nito, maa-access pa rin ng mga mag-asawa ang isang hanay ng mga serbisyo sa munisipyo sa pamamagitan ng kanilang Partnerships certificate/cards.Para pa Sa ninanais na kaalaman makipag ugnayan sa Human Rights Education Division. Telepono: 082-504-2165
https://www.city.hiroshima.lg.jp/site/yasashii/199977.html

Top