Tungkol sa International Relations & Cooperation Division
Sumaryo ng International Relations & Cooperation Division, Hiroshima Peace Culture Foundation
Itinatag noong Abril 1998 ang Hiroshima Peace Culture Foundation upang maisulong ang mga proyekto para sa kapayapaan at sa international exchange at cooperation bilang tugon sa bagong panahon. Ang bagong organisasyong ito ay itinatag kasabay ng operasyon ng organisasyon ng Hiroshima Peace Culture Foundation at Hiroshima Peace Memorial Museum, na pangunahing responsable sa mga proyekto ng Hiroshima City na may kaugnayan sa kapayapaan, at ng pagsama nito sa Hiroshima International Organization.
Ang mga misyon, at proyekto ng nakaraang Hiroshima International Organization ay pinagpatuloy ng International Relations and Cooperation Division ng Hiroshima Peace Culture Foundation. Ang Division na ito ang namamahala sa internasyonal na pakikipag-ugnayan, nagsasagawa ng mga training at event ukol sa international exchange at international cooperation, at nagbibigay ng subsidiya, suporta at impormasyon para sa mga aktibidad ng internasyonal exchange at cooperation, nagsasagawa ng mga event na may kaugnayan sa mga sister city at friendship city ng Hiroshima city, nagbibigay ng konsultasyon para sa mga dayuhang mamamayan at suporta para sa pagpapabuti ng kasanayan sa wikang Hapon.
Impormasyon tungkol sa transportasyon
Mula sa JR Hiroshima Station (South Exit)
(1) Gamit ang bus: Sumakay sa Hiroshima bus na patungo sa Yoshijima (吉島) at bumaba sa “Heiwa Kinen Koen” (平和記念公園)
(2) Gamit ang streetcar: Sakyan ang streetcar patungo sa Hiroshima Port (Ujina (宇品)) na dadaan sa Kamiya-cho (紙屋町) at bumaba sa “Chuden-mae” (中電前)
Sakyan ang streetcar patungo sa Hiroden Nishi-Hiroshima (Koi) (西広島(己斐)) o Eba (江波) o Hiroden Miyajimaguchi (宮島口) at bumaba sa “Genbaku Dome-Mae” (原爆ドーム前)