Numero ng Telepono para sa Emergency
1. Sunog, Medikal na Emergency at Serbisyo ng Pagsaklolo
2. Aksidente sa Trapiko at Insidente (Krimen)
1. Sunog, Medikal na Emergency at Serbisyo ng Pagsaklolo
Kung mayroong sunog, medikal na emergency (biglaang sakit o injury), o para sa serbisyo ng pagsaklolo (kung kailangan ng saklolo sa panahon ng likas ng sakuna atbp.), i-dial ang “119” para tumawag ng ambulansya o fire truck.
Mangyaring sabihin ang mga sumusunod:
1. Kung sunog o emergency
2. Sabihin para madaling maintindihan ang address o lokasyon, at malinaw na sabihin ang destinasyon
3. Pangalan at numero ng telepono ng taong tumawag sa “119”.
Libre ang paggamit ng serbisyo ng ambulansya, ngunit hindi ito maaaring gamitin para sa magaang sakit o injury. Kapag hindi alam kung dapat tumawag ng ambulansya, kung dapat sariling pumunta sa ospital, at kung saang ospital dapat pumunta, mangyaring tumawag sa Emergency Consultation Center (Tel: #7119 o 082-246-2000). Magbibigay ng payo ang mga nurse.
2. Aksidente sa Trapiko at Insidente (Krimen)
Kung nagkaroon ng aksidente sa trapiko o insidente (krimen), i-dial ang “110”.
Mangyaring sabihin ang mga sumusunod:
1. Kung aksidente sa trapiko o insidente
2. Kailan at saan
3. Ano ang nangyari
4. Kung mayroong nasaktan na tao
5. Pangalan at numero ng telepono ng taong tumawag sa “110”.
Kung may taong nagtamo ng injury at tatawag ng ambulansya, i-dial ang “119”.
