Mga Madalas na Katanungan
*Narito ang ilan sa mga bagay na madalas na tinatanong. Karamihan sa mga lugar na maaring pagtanungan ay naka-Nihongo lamang, kaya kung hindi ka marunong nito ay mangyaring komunsulta sa Tanggapan ng konsultasyon ukol sa pamumuhay para sa mga dayuhang residente ng Hiroshima City. May ilang mga institusyon na may mga kawaning nakakapagsalita ng wikang banyaga.
[Kaugnay ng konsultasyon]
Q Lumipat ako sa Hiroshima City. Naghahanap ako ng isang lugar kung saan ako maaaring kumunsulta sa wikang banyaga.
A Ang Tanggapan ng konsultasyon ukol sa pamumuhay para sa mga dayuhang residente ng Hiroshima City ay may mga kawaning nagsasalin sa ibang wika para sa mga dayuhang residente (Intsik, Portuges, Espanyol at Vietnamese). I-click ito para sa mga detalye ng Tanggapan ng konsultasyon ukol sa pamumuhay para sa mga dayuhang residente ng Hiroshima City.
Nagbibigay din ang Hiroshima International Center ng konsultasyon tungkol sa mga karaniwang bagay, at sa mga teknilal na bagay (pambatas, karapatang pantao, kondisyon ng pagtatrabaho, social security, atbp.). I-click ito para sa araw at oras at mga suportadong wika.
Q Mayroon akong problemang pinansyal (dahil sa utang, hindi makatrabaho dahil sa sakit, atbp.).
A Mayroong mga consultant na mga lisensyadong espesyalista ng social welfare ang Sentro ng Suportang Pangkabuhayan ng Hiroshima City na maaring makapagbigay ng suporta.
[Mga klase para sa wikang Hapon (Nihongo)]
Q Nais kong mag-aral ng Nihongo. Ano ang mga klase para sa Nihongo na maaring salihan sa Hiroshima City?
A Mayroong 25 na mga klase ng Nihongo na pinamamahalaan ng mga boluntaryo sa Hiroshima City. I-click ito para sa mga detalye ng araw at oras ng bawat klase at direktang makipag-ugnay sa mga namamahala nito.
[Impormasyon tungkol sa pamumuhay sa Hiroshima City]
Q Nais kong malaman kung aling mga ospital ang pwedeng gamitan ng wikang banyaga.
A Mayroong website na tinatawag na “Emergency Medical Care Net Hiroshima“. Maaring maghanap dito ng mga medikal na institusyon batay sa larangan ng medisina o sa mga wikang suportado nito.
Q Nagpapakilala ba kayo ng trabaho?
Mangyaring magtanong sa HelloWork Hiroshima.
Ang Tanggapan para sa konsultasyon ukol sa kondisyon sa pagtatrabaho ng mga dayuhang manggagawa ng Hiroshima na nasa Inspection Division ng Hiroshima Labor Bureau ay may mga kawani na marunong magsalita ng wikang Portuges, Espanyol at Instik. Mayroon ding kawaning marunong magsalita ng Vietnamese sa Tanggapan para sa konsultasyon ukol sa kondisyon sa pagtatrabaho ng mga dayuhang manggagawa ng Hiroshima Central sa opisina ng Hiroshima Central Labor Standards Inspection. Kumpirmahin ang araw at oras sa kani-kanilang website.
Q Ako ay nagbubuntis. Ano ang dapat kong gawin?
A Una, mangyaring magbigay abiso sa Health Services and Welfare Division ng iyong ward (Longevity and Health Services Division para sa Higashi Ward). Makakatanggap ka ng Maternal and Child Health Handbook para i-tala ang iyong kalusugan at ng iyong anak mula sa iyong pagbubuntis hanggang sa oras na pumasok ang iyong anak sa elementarya. Mangyaring magtanong din ukol sa mga check-up, pagbabakuna, allowance sa pag-aalaga ng bata (Jido Teate), atbp.
[Mga Kalamidad]
Q Nag-aalala ako tungkol sa lindol. Paano ko malalaman kung saan-saan maaaring lumikas?
A May portal site ng Hiroshima City Disaster Prevention na parte ng Hiroshima City Emergency Disaster Information Site. Nakasulat dito ang mga impormasyon tungkol sa mga lugar ng paglilikasan. I-click ito para tingnan. Maliban sa paglindol, makikita rin dito ang impormasyon tungkol sa paglikas at impormasyon tungkol sa panahon na inisyu sa lungsod.
[Interpretasyon]
Q Nais kong pumunta ng ospital. Maari ba kayong magpakilala ng interpreter?
A Hindi kami nagpapakilala ng mga pang-medikal na interpreter. Mangyaring makipag-ugnayan sa Hiroshima International Center, na siyang nagbibigay ng mga boluntaryong pang-medikal na interpreter. Maaari ring humingi ng tulong sa inyong mga kamag-anak na marunong mag-Nihongo.
Q Mayroong parent-teacher conference sa paaralan. Nais ko sanang humingi ng interpreter. Anong dapat kong gawin?
A May rehistro ang International Relations and Cooperation Division ng Hiroshima Peace Culture Foundation ng mga boluntaryong interpreter na marunong magsalita ng Nihongo at wikang banyaga na siyang ipinapadala sila kung may humingi ng kanilang serbisyo. Libre ang serbisyong ito. Kailangan ng request mula sa paaralan upang makapagpadala ng interpreter. Mangyaring pakiusapan ang homeroom teacher ng inyong anak o magtanong sa Tanggapan ng konsultasyon ukol sa pamumuhay para sa mga dayuhang residente ng Hiroshima City.
Q Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng staff ng tindahan. Nagbibigay ba ng interpreter para dito ang Tanggapan ng konsultasyon ukol sa pamumuhay para sa mga dayuhang residente ng Hiroshima City?
A Bilang pangkalahatang alituntunin, ang Tanggapan ng konsultasyon ukol sa pamumuhay para sa mga dayuhang residente ng Hiroshima City ay nagbibigay lamang ng interpreter para sa mga konsultasyong may kinalaman sa mga serbisyo ng gobyerno kaya hindi maaring makapagbigay interpretasyon para sa mga ganitong kaso.
[Mga Pagproseso]
Q Nais kong magpalit ng residency status. Ano ang dapat kong gawin? Nais kong i-extend ang tagal ng aking residency status. Ano ang dapat kong gawin?
A Ang pagproseso ay ginagawa sa Immigration Bureau. Mangyaring magtanong sa Immigration Information Center. Mayroon ding mga kawani mula sa Hiroshima Regional Immigration Bureau na pupunta sa Tanggapan ng konsultasyon ukol sa pamumuhay para sa mga residente ng Hiroshima City tuwing ikalawang Biyernes ng buwan upang magbigay ng konsultasyon tungkol sa residency status.
Q Miyembro ako ng pension system ng Japan (National Pension, Employee’s Pension Insurance, mutual-benefit association), ngunit nais kong tumiwalag sapagkat aalis na ako ng bansa. Makakatanggap ba ako ng lump-sum na refund matapos ang pagtiwalag? Ano ang mga kinakailangang proseso?
A May mga kondisyon bago makatanggap nito. Kailangan ding i-claim ito sa loob ng 2 taon matapos ang iyong pag-alis sa Japan. Mangyaring tingnan ang page na ito para sa mga kondisyon at kung paano mag-apply ng claim.