公益財団法人 広島平和文化センター国際市民交流課

Baguhin ang laki ng font
language

Pangangalagang medikal at Kalusugan

1. Seguro ng Kalusugan (Health Insurance)

2. Seguro para sa Pangmatagalang Pangangalaga (Long-term Care Insurance)

3. Ano nararapat gawin kung may Sakit o Pinsala (Ospital / Klinika)

4. Pangangalagang Medikal

5. Kalusugan at Kapakanan

1. Seguro ng Kalusugan (Health Insurance)

Ang Japan ay mayroong sistema ng seguro (o insurance) na magagamit sa pagpapagamot sa panahon ng pagkakasakit o pagkakaroon ng kapansanan. Ang sistemang ito ay hindi lamang pang-indibdwal, kundi isinaayos para sa kapakanan ng lahat. Maaaring mapasailalim sa isa sa tatlong sistema.

Health Insurance (Seguro na zangkalusugan)

Kung kayo ang nagtatrabaho ng mahigit 20 oras sa isang linggo, kumikita ng mahigit 88,000 yen sa isang buwan, at sumasaloob sa iba pang pamantayan, kayo ay mapapasailalim sa health insurance plan ng inyong pinagtatrabahuhan. Kung ang inyong pamilya ang nakatira din sa Japan, sila din ay maaaring mapapasailalim sa health insurance. Makipag-ugnayan sa employer kung maaaring makatanggap ng health insurance.

Seguro ng Pambansang Kalusugan (National Health Insurance)

Ang mga mamamayan na pinahintulutang manatili sa Japan ng mahigit 3 buwan ay kinakailangang maging miyembro ng Seguro ng Pambansang Kalusugan sa Lungsod ng Hiroshima. Upang maging miyembro, makipag-ugnayan sa local ward oficce, National Insurance and Pension Division o branch office (pahina 34).

Gayunpaman, ang mga napapailalim sa alinman sa mga sumusunod ay hindi maaaring maging miyembro.

1. Mga kabilang sa may mga nakatalagang aktibidades
● pansamantalang naninirahan upang magpagamot o humanap ng lunas ng kanilang karamdaman, pati na ang mga naparito para mag-alaga sa mga kaanak nila
● dumating sa Japan para magbakasyon at maglibang, o asawa o kasama na dumating sa Japan sa parehong layunin ng magbakasyon
※Kung ang inyong katayuan sa paninirahan ay para sa isang “nakatalagang aktibidad”, mangyaring magpakita ng kaukulang impormasyon na nagsasaad sa nakatalagang aktibidad.

2. Mga indibidwal na mayroong seguro sa medikal sa trabaho.                                                   

3. Mga indibidwal na nakatala sa sistemang medikal para sa mga matatanda

4. Mga indibidwal na tumatanggap ng pinansyal na tulong mula sa pamahalan (livelihood protection)

5. Mga tumatanggap ng pampublikong suportang pinansyal para sa mga naulilang Hapon sa bansang Tsina.
6. Mga nakatanggap ng sertipiko ng seguro mula sa pamahalaan ng kanilang pinagmulang bansa na may
 kasunduan sa seguro na kabilang sa medikal ng bansang Hapon.

Planong Seguro Medikal (Medical Insurance Plan) para sa matatanda

Ang mga pumapaloob sa sumusunod ay maaaring gumamit ng Medical Insurance para sa Matatanda (Late-stage Elderly Medical Care system).

1. Mga taong edad 75 pataas.

2. Sa mga edad 65 hanggang 75, na may kapansanan sa nakatakdang antas – makipag-ugnayan tungkol sa pamamaraan para sa pagpapatunay ng pagkakaroon ng kapansanan sa Long Life Office. Makipag-ugnayan sa inyong tinitirahang local ward office, Longevity and Health Services Welfare Division o branch office.

Samantala, ang mga sumusunod ay hindi kuwalipikado sa nabanggit na seguro:
● May permisong manirahan sa bansang Hapon ng hanggang tatlong buwan lamang (liban sa mga taong may balak manirahan dito ng mahigit pa sa tatlong buwan).

● Para sa mga nasa ilalim ng status of residence na “Designated Activities,” mga taong may “aktibidad upang makatanggap ng medikal na pangangalaga” o “aktibidad ng pang-araw-araw na pangangalaga ng taong iyon,” o kaya ay taong may “aktibidad ng pamamasyal, pagpapahinga at iba pang natutulad na aktibidad” o “asawang kasama ng taong ito.”
* Para sa mga taong may status of residence na “Designated Activities,” mangyaring ipakita ang “designation certificate” na nagpapakita ng detalye ng aktibidad.

● Mga individual na tumatanggap ng pinansyal na tulong mula sa pamahalaan (livelihood protection).

● Mga tumatanggap ng pampublikong suportang pinansyal para sa mga naulilang Hapon sa bansang Tsina.

Pagpunta sa ospital

Kapag pumunta sa ospital, ipakita ang medical insurance card. Maaaring gamitin ang My Number Card bilang “medical insurance card” sa mga ospital na mayroong card reader. Para sa mga taong nais gamitin ang My Number Card bilang “medical insurance card,” mangyaring iparehistro ang inyong My Number Card bilang “medical insurance card.”

Kayo ay magbabayad ng 10%-30% ng bayaring medikal (depende sa edad at halaga ng kita). Kung kayo magpapa-confine (in-patient), ang pagbabayad ng pagkain, atbp. ay inyong sagutin.

Panganganak at Pagkamatay

Kung ang nakaseguro ay nanganak o namatay, siya ang makakatanggap ng salapi.
Para sa impormasyon, makipag-ugnayan sa kanya-kanyang Medical insurance office.
Makipag-ugnayan sa local ward office, National Insurance and Pension Division o branch office sa mga katanungan tungkol sa Hiroshima City National Health Insurance. Makipag-ugnayan din sa local ward office, Welfare Division o branch office para sa mga katanungan sa Late-stage Elderly Medical Care system.

📝 Mga Tulong na pang-medikal

Ang mga taong kumuha ng seguro sa kalusugan at napapasailalim ng alinman sa mga sumusunod na kundisyon ay maaaring makatanggap ng lahat o bahagi ng self-pay para sa mga gastos sa medikal. Mangyaring makipag-ugnayan sa bawat Public Welfare Department ng inyong ward.

● Kapag pinalaki ang isang bata mula 0 taong gulang hanggang ika-tatlong baitang ng high school (hanggang sa unang Marso 31 pagkatapos ng araw na umabot ng 15 taong gulang ang bata) Departamento ng Social Welfare
● Nag-iisang magulang na nag papalaki ng bata (hanggang sa ika-31 ng Marso matapos maging 18 taong gulang ang bata) Departamento ng Social Welfare
● Taong mayroong malubhang mental at pisikal na kapansanan o taong may kapansanan sa pag-iisip. Departamento ng Social Welfare
● Kapag napakalaki ng babayaran para sa Mediko. Departamento ng Health Insurance

Bayarin sa Seguro

Ang mga miyembro ng Medical Insurance ay kailangang magbayad ng premium. Ito ay nababatay sa halaga ng kita.

2. Seguro para sa Pangmatagalang Pangangalaga (Long-term Care Insurance)

Katangian ng mga Maaaring Maging Miyembro
Ang mga nangangailangan ng pangangalaga at pang araw-araw na tulong ng dahil sa sakit gaya ng palagiang pagkaratay sa higaan, o pagka-ulyanin ay maaring gumamit ng sistema ng seguro para sa pangmatagalang pangangalaga.

Katibayan ng Pangangailangan ng Pangmatagalang Pangangalaga

Kinakailangan maging kwalipikado sa lahat ng sumusunod sa ibaba upang maging kasapi sa nasabing seguro.

1. Naninirahan sa Lungsod ng Hiroshima

2. Mayroong tamang bisa at may balak manirahan sa bansang Hapon ng higit sa tatlong buwan. Subalit sa mga
 taong may nakatalagang aktibidades ng sumusunod ay hindi makakatanggap:
 ● Ang visa na dala ay tulad ng pagpapagamot o ang mag-alaga sa taong nabanggit
 ● Mamamasyal o maglilibot sa Japan kasama ng kabiyak na pareho ng layunin

3. Ikaw ay nasa 40 taong gulang pataas
 Kung ikaw ay nasa pagitan ng 40 taong gulang at 60 taong gulang nararapat kang pumasok sa Japanese Public
 Medical Insurance.
 Kung ikaw ay nasa 65 taong gulang o pataas, ang siyudad ng Hiroshima ay mag papadala sa iyo ng Long Term
 care Insurance Card.

Kung nais mong gamitin ang Long Term care

Una, nararapat magparehistro bilang isang nangangailangan ng long term care sa inyong local na lugar sa Welfare Divisio o branch office.
Ang mga taong nakatanggap ng sertipikasyon para sa pangmatagalang pangangalaga o suporta ay maaaring gumamit ng pangmatagalang serbisyo ng seguro sa pangangalaga.
Gayunpaman, ang ilang mga serbisyo ay maaaring hindi magagamit depende sa antas ng pangangalaga. Kapag ginamit ang serbisyo, ayon sa batas, kayo ay kinakailangang magbayad ng 10%-30% (depende sa halaga ng kita) ng gastos.
Ang mga taong hindi nakatanggap ng sertipiko ng pangmatagalang pangangalaga ay maaaring gumamit ng serbisyo. Para sa maraming kaalaman, makipag ugnayan sa inyong local ward tanggapan sa Welfare Division o branch office.

Bayad sa Seguro (Insurance Payments)

Kung kayo po ay nakapasok sa Long Term Health Insurance, kayo po ay nararapat magbayad ng seguro. Para sa may edad 65 taong gulang pataas, ang hulog ay nakabatay sa halaga ng kita ng nakaseguro. Para sa mga miyembro na may edad na mahigit 40 taong gulang at hindi hihigit sa 65, ang bayad ay kukuwentahin bilang bahagi ng kanilang bayad para sa segurong pang medikal kung saan sila rin ay nakapasok .

3. Ano nararapat gawin kung may Sakit o Pinsala (Ospital / Klinika)

Kung kayo ay magkasakit o magkapinsala, dalhin ang insurance card (hokensho) at magdala ng kaunting halaga, at magpunta sa ospital o klinika. Alamin ang oras ng bukas ng outpatient ng ospital o klinika, at kung magagamot ang inyong sintomas.
Ang ilang ospital at clinic staff ay nakakasalita lamang ng Hapon, mas makabubuti na magsama ng nakakapagsalita ng Nihongo.

Departamentong Medikal Serbisyong Medikal
Internal Medicine Kapag masama ang pakiramdam ng katawan tulad ng lagnat, ubo at
sipon atbp.
Surgery Kapag kailangang maoperahan upang gumaling mula sa sakit o sugat
Pediatrics Kapag may sakit ang sanggol o bata
Orthopedics Kapag masakit ang buto, kasukasuan, muskulo atbp.
Otorhinolaryngology Kapag may sakit sa tainga, ilong, o lalamunan
Ophthalmology Kapag may sakit sa mata
Dermatology Kapag may sakit sa balat
Dentistry Kapag masakit ang ngipin
Obstetrics and Gynecology Kapag buntis, manganganak atbp.

📝 Magkaroon ng doktor ng pamilya

Ang doktor ng pamilya ay doktor sa malapit na klinika (ospital, klinika atbp.) na maaaring konsultahin sa pang-araw-araw tungkol sa kalusugan at kung saan maaaring magpatingin kapag nagkasakit o nagkasugat. May mga kaso kung saan maaari ring magpatingin kahit tuwing holiday o sa gabi kung kaya’t ugaliing magkaroon ng doktor ng pamilya.

📝 AMDA Medical Information Center (NPO)Ang doktor ng pamilya ay doktor sa malapit na klinika (ospital, klinika atbp.) na maaaring konsultahin sa pang-araw-araw tungkol sa kalusugan at kung saan maaaring magpatingin kapag nagkasakit o nagkasugat. May mga kaso kung saan maaari ring magpatingin kahit tuwing holiday o sa gabi kung kaya’t ugaliing magkaroon ng doktor ng pamilya.

Ang NPO AMDA Medical Information Center ay nagbibigay ng tulong konsultasyon sa iba’t-ibang wika tungkol sa pagbisita sa hospital. (https://www.amdamedicalcenter.com
TEL 03-6233-9266

📝 Emergency Medical Care Net Hiroshima
  (Hiroshima Prefecture Emergency Medical Information Network)

Ang website ng Emergency Medical Care Net Hiroshima ay nagbibigay ng impormasyon sa English tulad ng on-duty doctors tuwing national holidays at di-pangkaraniwang oras ng trabaho.
Sa English site, maaaring maghanap ng ospital at klinika na may serbisyo sa iba-ibang wika.
(https://www.qq.pref.hiroshima.jp)

📝 Mga Pangunahing Panukala sa Pag-iwas Laban sa Covid-19

Simula noong Mayo 8, 2023, ang Covid-19 ay inuri bilang Class 5 Infectious Disease, ang parehong kategorya ng mga sakit tulad ng trangkaso. Dahil dito, nakasalalay na ngayon sa indibidwal na pagpipilian kung magpapatuloy sa mga pangunahing hakbang sa pag-iwas sa Covid-19 sa iyong pang-araw-araw na buhay.

Pagsuot ng face mask
Sariling kusa ang pagsusuot o hindi ng face mask. Sa pangkalahatan, ang paggamit ng face mask ay ayon sa kanya kanyang pagpapasya.

Paghuhugas ng kamay at sirkulasyon ng hangin
Batay sa mga katangian ng mga impeksyon sa Covid-19, ang wastong paghuhugas at pagtiyak ng magandang bentilasyon ay patuloy na magiging epektibo bilang pangunahing mga hakbang sa pag-iwas sa Covid-19.

Iwasan ang “3Cs” (closed space, crowded places, close contact settings), maglagay ng distansya sa ibang tao
Ang pag-iwas sa mga lugar na hindi maganda ang bentilasyon, mga mataong lugar na may hindi natukoy na bilang ng mga tao, at malapit na pakikipag-ugnayan (magsuot ng mask kung hindi ito maiiwasan) ay isang epektibong paraan para sa mga grupong may mataas na peligro, tulad ng mga matatanda, upang maiwasan ang pagkahawa ng Covid-19 sa panahon ng epidemya.

4. Pangangalagang Medikal

Regular na doctor

Ang regular na doctor ay ang inyong doctor na palagian ninyong kinukonsulta at pamilyar sa inyong pisikal na kundisyon. Maaaring may doctor na tumingin sa inyo sa di pangkaniwang oras, ngunit mas makakabuti kung mgay regular na doktor.

Hanapin ang 当番医 (tōban-i)

Ang mga klinik na bukas tuwing Linggo at holiday ay maaaring makita sa dyaryo at sa Hiroshima website.
9 am – 5:30 pm

Emergency Hospital sa Oras na Di-Pangkaraniwan

Biglaang Pangangala tungkol sa medikal tuwing holiday o dili kaya afterhours:
Ang mga mga lugar na ito ay para sa mga talagang nangangailangan ng medikal na kaso lamang. Bago pumunta sa mga ito, pag-isipan mabuti kung makapaghihintay sa oras ng bukas ng ospital o klinika.

※Ang oras ay oras ng konsultasyon
Hiroshima Citizens Hospital
7-33 Moto-machi, Naka-ku    Tel: 082-221-2291     Fax: 082-223-5514

Espesyalisasyon: Internal medicine, atbp.
Lunes to Biyernes: 5 pm –  8:30 am magdamag
Sabado: 8:30 am – 8:30 am magdamag
Linggo: 8:30 am – 8:30 am magdamag
Holidays: 8:30 am – 8:30 am magdamag

Funairi Citizens Hospital
14-11 Funairi-saiwai-cho, Naka-ku Tel: 082-232-6195  Fax: 082-232-6156

Espesyalisasyon: Pediatrics (Pambata)
Lunes to Biyernes: 5 pm –  8:30 am magdamag
Sabado: 8:30 am – 8:30 am magdamag
Linggo: 8:30 am – 8:30 am magdamag
Holidays: 8:30 am – 8:30 am magdamag

North Medical Center Asa Citizens Hospital
(Sarado: Agosto 6, Disyembre 29 – Enero 3)
1-2-1 Kameyama-minami, Asakita-ku Tel: 082-815-5211 Fax: 082-814-1791

Espesyalisasyon: Pediatrics (Pambata)
Linggo: 6 pm – 10 pm
Holidays: Sarado

Aki Citizens Hospital (Managed by the Hiroshima City Medical Association)
(Sarado: Agosto 6, Disyembre 29 – Enero 3)
2-14-1 Hataka, Aki-ku    Tel: 082-827-0121     Fax: 082-827-0561

Espesyalisasyon: Internal medicine at surgery
Sabado: 8:30 am – 3:30 pm, 6 pm – 11 pm
Linggo: 6 pm – 11 pm
Holidays: 6 pm – 11 pm

Hiroshima City Medical Association Senda-machi Nighttime Emergency Medical Center
(Sarado: Disyembre 31 – Enero 3)
3-8-6 Senda-machi, Naka-ku  Tel: 082-504-9990     Fax: 082-504-9991

Espesyalisasyon: Internal medicine (mula 15 anyos pataasr), ophthalmology, orthopedics, surgery (para sa mga injuries)
Lunes to Biyernes:
7:30 pm –  10:30 pm
Sabado: 
7:30 pm –  10:30 pm
Linggo: 
7:30 pm –  10:30 pm
Holidays
7:30 pm –  10:30 pm

Asa Medical Association Kabe Nighttime Emergency Medical Center
(Sarado: Disyembre 31 – Enero 3)
2-1-38 Kabe Minami, Asakita-ku  (dating Asa Citizens Hospital, North Wing) Tel: 082-814-9910     Fax: 082-814-9909

Espesyalisasyon: Internal medicine (15 anyos pataas)
Lunes to Biyernes: 7 pm – 10:30 pm
Sabado: 7 pm – 10:30 pm
Linggo: Sarado
Holidays: Sarado

Hiroshima Oral Health Center
3-2-4 Futabanosato, Higashi-ku Tel: 082-262-2672     Fax: 082-262-2556

Espesyalisasyon: Dentistry
Lunes to Biyernes: Sarado
Sabado: Sarado
Linggo: 9 am – 3 pm
Holidays: 9 am – 3 pm

5. Kalusugan at Kapakana

Ang bawat seksyon ng local ward office ng Public Health Departments ay nagbibigay ng mga serbisyo para sa kalusugan at kapakanan ng bawat isa.

Mutual Community Support Division
● General Consultations: Pagkonsulta sa Hygiene Medical at welfare, pagpasok sa tahanan na para sa mga
  matatanda, atbp.

● Konsultasyon tungkol sa kalusugan at medical exam ng mga matatanda: Konsultasyon sa kalusugan para
  high blood pressure, sobrang katabaan o obesity, iba pa.; Pagkonsulta sa ngipin; pagsusuri sa AIDS at
 konsultasyon; Pagsusuri para sa tuberculosis, cancer, iba pa.

● Konsultasyon para sa buntis, sanggol at pangangalaga ng sanggol: Maternity passbook, pagsusuri sa
 kalusugan ng sanggol, paaralan para sa sanggol at iba pa

● Konsulta para sa bata: Relasyon ng magulang at anak: Hindi pumapasok sa paaralan, delikwente,
 naglalakwatsa, pag aalaala sa pag iisip, sa panahon ng paglaki at pag-abuso, atbp.

● Konsultasyon sa bakuna: Bakuna para sa mga bata, bakuna laban sa trangkaso para sa mga may edad, atbp.

● Konsultasyon para sa pangagalaga ng may kapansanan sa isip: Kaisipang pangkalusugan

Welfare Division
● Konsultasyon sa Medical Care ng mga matatanda at Welfare: Healthcare para sa mga senior citizens,
 pagpasok sa tahanan na para sa mga matatanda

● Konsultasyon tungkol sa nursing care insurance: Mga pamantayan upang makatanggap ng nursing care,
  premiums na dapat bayaran at iba pa

● Konsultasyon sa pangangalaga ng mga kabataan: Pagpasok sa nursery school atbp, tulong sa gastos medikal
 ng sanggol at iba pa, sustento para sa mga mga bata, suporta sa magulang sa pagpapalaki ng kanilang anak
 at iba pa)

● Konsultasyon para sa mga single parent: Tulong sa gastos medikal ng single parent, allowance sa
 pagpapalaki ng anak, at iba pa

● Konsultasyon para sa mga taong may kapansanan sa isip at katawan: Booklet na nagsasaad ng
 pagkakakilanlan ng may kapansanan, tulong sa gastos medical ng mga may mabibigat na kapansanan
 sa isip at katawan, daanan sa mga pasilidad, paraan ng pagtrato, (gabay o pagdalaw sa lugar ng may
 kapansanan at medical welfare at child welfare) nursing allowance

Family and Health Services Division
● Konsultasyon para sa May paghihirap sa kabuhayan sa pera: Welfare at iba pang mga bagay ukol ditto

National Insurance and Pension Division
● Mga konsultasyon tungkol sa mga isyung nauugnay sa Pambansang Dibisyon ng Seguro at Pensiyon:
 Pambansang Seguro sa Pangkalusugan, mga gastusing medikal, mataas na gastusin sa pagpapagamot,
 Pambansang Pensiyon, atbp.

Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa naturang division.
Kung nahihirapan sa Hapon, makipag-ugnayan sa Consultation Counter para sa mga Dayuhan ng Lungsod ng Hiroshima at Aki-gun. (TEL 082-241-5010).

Top