公益財団法人 広島平和文化センター国際市民交流課

Baguhin ang laki ng font
language

Patakaran ng pamumuhay

1. Tamang Pag uugali sa Paninirahan

2. Asosasyon ng mga Magkakapitbahay, Asosasyon ng mga residente

3. Rehistro at Bakuna ng Alagang Aso

4. Panuntunan sa mga Sasakyan

1. Tamang Pag uugali sa Paninirahan

Ang ingay

Tandaan na kapag nakatira sa mga housing complex o apartments, maaring marinig ng kapitbahay ang anumang ingay na nanggagaling sa loob ng bahay. Kaya iwasang gumawa ng malakas na ingay, lalung-lalo na sa dis-oras ng gabi o sa madaling araw, dahil ito ay maaaring makaistorbo sa mga kapitbahay.
(Halimbawa, siguraduhing nasa tamang lakas lamang ang telebisyon, radyo, mga kasangkapan tulad ng vacuum cleaners, washing machines, ingay galing sa shower/banyo, malakas na boses habang nakikipag-usap, malakas na pagbukas at pagsara ng pinto, atbp.)

 Paggamit ng common areas sa mga multi-dwelling housing

Ang mga hallways at hagdanan ay tinuturing na common areas. Huwag iwanan ang sariling gamit sa mga lugar na ito, dahil ang hallway ay maaaring gamitin sa oras ng paglikas tulad ng lindol o sunog.

2. Asosasyon ng mga Magkakapitbahay, Asosasyon ng mga residente

Ang asosasyon ng magkakapitbahay at asosasyon ng mga residente ay nagsisilbing lugar para sa pagtulong at pakikisalamuha sa mga lokal na mamamayan(chonaikai o dili kaya jichikai). Kung kayo ay sumali bilang miyembro, makakakuha ka ng impormasyon tungkol sa lugar na tinitirahan. Makakatulong din ito sa panahon ng sakuna.
Kung nais maging miyembro, makipag-ugnayan sa pinuno ng grupo, chairman, leader, atbp. ng Community Revitalization Division o Asosasyon ng magkakapitbahay/residente ng lugar kung saan nakatira.

3. Rehistro at Bakuna ng Alagang Aso

Pagrehistro (isang beses lamang sa isang aso)

Ang mga mamamayang mayroong alagang aso na lampas sa 91 araw ay kailangang iparehistro.
Nararapat iparehistro sa Sentro ng Kapakanan ng Hayop o sa Veterinary Hospital.
Matapos magparehistro, makakatanggap ng lisensya para sa aso.

Sa mga sumusunod na pangyayari na nasa ibaba mangyaring abisuhan ang Sentro ng Kapakanan ng hayop.
● Kapag nagbago ang may-ari o tirahan
● Kapag namatay ang aso
● Kapag ang aso ay nakakagat ng tao

Bakuna upang maiwasan ang rabies (isang beses sa isang taon)

Kung kayo ay nagmamay-ari ng aso, ito ay dapat pabakunahan ng anti-rabies. Pabakunahan ang inyong aso sa mayroong sabay sabay na pag babakuna o sa pribadong beterinaryo. Ang sabayang bakunahan ay ginagawa sa Siyudad ng Hiroshima sa pagitan ng Abril at Mayo.
Matapos ang bakuna, makakatanggap ng vaccination certificate.
🙂 Ang lisensya ng aso at vaccination certificate ay dapat na nakasuot sa aso.

Makipag ugnayan sa Sentro ng Kapakanan ng Hayop,
11-27 Fujimi-cho, Naka-ku, Hiroshima-City, TEL 082-243-6058

4. Panuntunan sa mga Sasakyan

Sa Japan, ang mga kotse, motorsiklo at bisikleta ay tumatakbo sa kaliwang linya ng kalsada, at ang mga naglalakad ay sa kanang kalsada. Binibigyan ng prayoridad sa daan ang mga tumatawid sa kalsada.

Bisikleta

Kapag sumakay ng bisikleta, siguraduhing sundin ang mga sumusunod
● Kung nakainom ng alak iwasan sumakay sa bisikleta.Iwasan ang dalawahang angkas sa bisikleta.Iwasan ang magkabilaang pag bibisikleta sa mga namimisikleta.
● Panatilihing bukas ang ilaw ng bisikleta sa gabi.
● Sa mga interseksyon, sundin ang mga ilaw ng trapiko, huminto muna, at suriin ang inyong kaligtasan.

📝 Batas sa pag-iwan ng bisikleta at iba pa sa maling lugar  

Iparada ang bisikleta at motorsiklo sa paradahan na itinakda para sa mga ito.
Ang pag-iwan sa mga ito sa daan ay di lamang makasasagabal sa mga naglalakad kundi maaari rin itong maging sanhi ng aksidente sa mga naglalakad at sa trapiko.
Ang mga bisikleta at motorsiklo na naiwan sa lugar kung saan matatagpuan ang kanang larawan ay kukumpiskahin.
Ang bisikleta ay ilalagay sa nakatalagang imbakan ng bisikleta. Mangyaring pumunta sa imbakan upang kuhanin ang bisikleta.

Hiroshima City West Bicycle and Motorcycle Impound Lot  
TEL 082-277-7916
Oras ng Pagbawi: Araw-araw 10:30 umaga – 7:00 gabi (maliban sa mga holidays, at 29 ng Disyembre hanggang ika-3 ng Enero)
Multa: Bisikleta 2,200 yen, gentsuki (<50CC) 4,400 yen, motorsiklo 5,500 yen
Kailangang bagay: Susi, ID (lisensya, school ID, health insurance card o iba pang makapagpapatunay ng pagkakakilanlan)
※Ang pagbawi ay limitado lamang hanggang isang buwan. Ang mga di nabawing sasakyan ay itatapon ng munisipyo.

Mga kotse / Motorsiklo

● Kapag nagmamaneho ng kotse o motorsiklo, kinakailangan ang lisensya sa pagmamaneho. Huwag magmaneho kung walang lisensya (tulad halimbawa, kung nakalimutan ang lisensya sa bahay).

● Ang nagmamaneho at mga pasahero ay dapat gumagamit ng seatbelts.

● Ang mga batang wala pang 6 na taong gulang ay dapat gumamit ng child seat o dili kaya ay car seats.

● Kapag nakasakay sa motorsiklo, dapat magsuot ng helmet.

● Ipinagbabawal na magmaneho habang gumagamit ng cell phone o nasa impluwensa ng alak.

● Malaki ang multa kapag nag maneho ng nakainom. Kaya‘t iwasan ang magmaneho kapag nakainom ng alak.

Bus / tren

Para sa pampublikong transportasyon tulad ng mga bus at tren, mangyaring tandaan ang mga sumusunod na kaugalian.

● Mag hintay sa pila para sa paghihintay ng bus o dli kaya tren, pumila ng maayos. Iwasan ang pagsingit sa pila dahil pumila sila ng matagal kaysa sa iyo.

● Iwasang manigarilyo sa loob pampublikong mga sasakyan.

● Iwasan tumawag at tumanggap ng tawag sa cellphone sa loob ng pampublikong sasakyan

● Hinaan ang pakikinig ng musika.

📝 Memo: Pampublikong sasakyan

Mayroong mga video na naglalaman ng impormasyon para sa pang-araw-araw na pamumuhay, tulad ng kung paano ang pagsakay sa bus o tren.
Simulan sa Hiroshima!  https://www.youtube.com/channel/UCZuk9nZf0COsZyJxHg2YBLA
[Salita]     Hapon
[Subtitle]  Ingles, Intsik, Hangul, Biyetnamis


Top