公益財団法人 広島平和文化センター国際交流・協力課

Baguhin ang laki ng font
language

Mga klase para sa Nihongo sa loob ng Hiroshima City

Ang sumusunod ay ang mga klase para sa Nihongo na isinasagawa sa mga community hall at iba pang mga lugar sa lungsod. Karaniwan ay libre ang mga ito, ngunit may ilang mga klase na nangangailangan ng bayad para sa mga materyales na pina-photocopy, o iba pa. Mayroon ding mga klase na kailangang mag-obserba muna bago makasali.

Bilang karagdagan, may mga pagkakataong magbabago ang mga nilalaman ng klase kaya magtanong at siguraduhin muna ang mga detalye ng bawat klase bago sumali.

Mula Oktubre 2019

Pagkakahati-hati ng mga lugar

Naka Ward

1 Hiroshima Nihongo Class

Lokasyon
(1) International Conference Center Hiroshima, 3F Kenshu-shitsu (1-5 Nakajima-cho, Naka-ku)
(2) Hiroshima International Center (Crystal Plaza 6F, 8-18 Naka-machi, Naka-ku)

Araw at Oras ng aktibidad
(1) Tuwing Miyerkules 6:30 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi (Beginner)
(2) Tuwing Sabado 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali

Bayad
Libre

Tanggapan
Anumang oras

Makipag-ugnayan sa
Hiroshima Nihongo Class
Email: hiroshima.nihongo@gmail.com

Direksyon
International Conference Center Hiroshima “Hiroshima Kokusai Kaigi-jo” (sa loob ng Peace Memorial Park)

  • Sumakay sa Hiroshima Bus No. 24 na papunta sa Yoshijima Eigyosho (吉島営業所) at bumaba sa “Heiwa Kinen Koen” (平和記念公園). Ito ay 3-minutong lakad mula pagbaba.
  • Ito ay 5-minutong lakad mula sa “Genbaku Dome-mae” (原爆ドーム前) Streetcar Stop.

Hiroshima Kokusai Center (Hiroshima International Center)
Ito ay 5-minutong lakad mula sa “Fukuro-machi” (袋町) Streetcar Stop.

URL http://hiroshimakyoshitsu.wix.com/nihongo/

Facebook: ひろしま日本語教室Hiroshima Japanese Class

2 Nihongo Gakushu Kai

Lokasyon
International Conference Center Hiroshima, 3F Kenshu-shitsu (1-5 Nakajima-cho, Naka-ku)

Araw at Oras ng aktibidad
Tuwing Huwebes 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali

Bayad
100 yen / buwan

Tanggapan
Anumang oras

Tanggapan
Anumang oras
Tel. 082-923-1580
URL: http://nihongo730.blog.fc2.com/blog-entry-2

Direksyon
(1)Sumakay sa Hiroshima Bus No. 24 na papunta sa Yoshijima Eigyosho (吉島営業所) at bumaba sa “Heiwa Kinen Koen” (平和記念公園). Ito ay 3-minutong lakad mula pagbaba.
(2) Ito ay 5-minutong lakad mula sa “Genbaku Dome-mae” (原爆ドーム前) Streetcar Stop.

3 Klase ng mga boluntaryong guro mula sa Hiroshima YMCA

Lokasyon
Hiroshima YMCA College (7-11 Hatchobori, Naka-ku)

Araw at Oras ng aktibidad
Tuwing Sabado 10:00 ng umaga hanggang 11:30 ng tanghali
Mula Abril 2019 hanggang Pebrero 2020

Bayad
100 yen kada sesyon (bayad para sa gagamiting materyales)

Tanggapan
Anumang oras
Makipag-ugnayan sa
Tel. 082-223-1292
Email: hymca.nihongo@gmail.com

Direksyon
(1) Ito ay 3-minutong lakad mula sa “Tate-machi” (立町) Streetcar Stop.
(2) Ito ay 5-minutong lakad mula sa Hiroshima Bus Center

4 Klase ng Nihongo sa Hiroshima City para sa mga nagbabalik mula China (Mas binibigyang pansin ang nagbabalik mula China)

Lokasyon
Central Community Center “Chuo Komin-kan” (24-36 Nishi-hakushima-cho, Naka-ku)

Araw at Oras ng aktibidad

  • Grupo para sa pang-medikal na Nihongo
    Tuwing ikalawa, ikatlo at ika-apat na Lunes ng buwan 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali
  • Grupo para sa pang-araw-araw na Nihongo
    Tuwing una, ikalawa at ikatlong Miyerkules ng buwan 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali
  • Grupo para sa pag-uusap ng Nihongo
    Tuwing una, ikalawa, ikatlo at ikaapat na Sabado ng buwan 2:00 ng hapon hanggang 4:00 ng hapon

Makipag-ugnayan sa
Central Community Center “Chuo Komin-kan” 
Tel. 082-221-5943

Direksyon
Malapit sa Motomachi High School

(1) Sumakay ng Hiroshima bus na papunta sa Yokogawa (横川) o Daigaku Byoin (大学病院) at bumaba sa “Nishi-hakushima” (西白島). Ito ay 5-minutong lakad mula pagbaba.
(2) Ito ay 5-minutong lakad mula sa Johoku (城北) Station (Astramline)

5 Harukaze Nihongo Volunteer

Lokasyon
(1) Hiroshima Sogofukushi Center (5F at 6F ng Big Front sa harap ng South Exit ng Hiroshima Station)
(2) International Exchange Lounge (International Conference Center Hiroshima, 1F) o mga paaralang pinapasukan ng mga exchange student

Araw at Oras ng aktibidad
(1) Tuwing Sabado 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali
(2) Hindi regular

Bayad
Libre

Makipag-ugnayan sa
Tel. 082-277-8330 (Sato)
Email: harukaze@feel.ocn.ne.jp

Direksyon
(1) Ito ay 3-minutong lakad mula sa South Exit ng JR Hiroshima Station
(2) Sumakay sa Hiroshima Bus No. 24 na papunta sa Yoshijima Eigyosho (吉島営業所) at bumaba sa “Heiwa Kinen Koen” (平和記念公園). Ito ay 3-minutong lakad mula pagbaba. Ito rin ay 5-minutong lakad mula sa “Genbaku Dome-mae” (原爆ドーム前) Streetcar Stop.

Minami Ward

6 Nihongo club tuwing Miyerkules

Lokasyon
Hiroshima City International House “Ryugakusei Kaikan” (1-1 Nishi-Kojin-machi, Minami-ku)

Araw at Oras ng aktibidad
Tuwing Miyerkules 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali

Bayad
Libre

Tanggapan
Anumang oras

Makipag-ugnayan sa
Hiroshima City International House “Ryugakusei Kaikan”   Tel. 082-568-5931

Direksyon
Ito ay isang 5-minutong lakad mula sa JR Hiroshima Station papunta sa silangan, nasa tabi ng Ark Hotel

7 Klase ng Minna no Nihongo

Lokasyon
Hiroshima City International House “Ryugakusei Kaikan” (1-1 Nishi-Kojin-machi, Minami-ku)

Araw at Oras ng aktibidad
Tuwing Sabado 1:30 hanggang 3:30 ng hapon

Bayad
Libre

Tanggapan
Makipag-ugnayan sa
Hiroshima City International House “Ryugakusei Kaikan”   Tel. 082-568-5931

Direksyon
Ito ay isang 5-minutong lakad mula sa JR Hiroshima Station papunta sa silangan, nasa tabi ng Ark Hotel

8 Fureai Nihongo Class

Lokasyon
Aosaki Community Center “Aosaki Komin-kan” (1-12-7 Aosaki, Minami-ku)

Araw at Oras ng aktibidad
Tuwing Sabado 7:00 hanggang 9:00 ng gabi

Bayad
Libre

Tanggapan
Anumang oras

Makipag-ugnayan sa
Aosaki Community Center “Aosaki Komin-kan”   Tel. 082-281-3802

Direksyon
Ito ay 5-minutong lakad mula sa Mukainada (向洋) Station (JR Sanyo Main Line o JR Kure Line)

Higashi Ward

9 Ushita Nihongo Class

Lokasyon
Ushita Community Center “Ushita Komin-kan” (1-8-3 Ushita-shin-machi, Higashi-ku)

Araw at Oras ng aktibidad
Tuwing Miyerkules 1:30 hanggang 3:30 ng hapon

Sarado
Tuwing Pista ng Bagong Taon, dulong bahagi ng Hulyo hanggang katapusan ng Agosto at sa mga araw na sarado ang center

Bayad
Libre

Tanggapan
Anumang oras

Makipag-ugnayan sa
Ushita Community Center “Ushita Komin-kan”   Tel. 082-227-0706

Direksyon
Ito ay 5-minutong lakad mula sa Ushita (牛田) Station (Astramline). Nasa tabi ng Higashi Ward Sports Center

Nishi Ward

10 Minami-kanon Nihongo Volunteer Group

Lokasyon
Minami-kanon Community Center “Minami-kanon Komin-kan” (2-16-46 Kanon-shin-machi, Nishi-ku)

Araw at Oras ng aktibidad
Tuwing Sabado 6:00 hanggang 9:00 ng gabi

Bayad
Libre

Tanggapan
Anumang oras

Makipag-ugnayan sa
Minami-kanon Community Center “Minami-kanon Komin-kan”   Tel. 082-293-1220

Direksyon
Sumakay sa Hiroden bus No. 3 na papuntang Hiroshima Heliport o Marina Hop at bumaba sa Kanon-shin-machi 3 cho-me (観音新町3丁目). Ito ay 5-minutong lakad mula pagbaba

11 Nihongo Class “Momiji”

Lokasyon
Furuta Community Center “Furuta Komin-kan” (19-15 Furue-nishi-machi, Nishi-ku)

Araw at Oras ng aktibidad
Tuwing Biyernes 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali

Bayad
100 yen / buwan

Tanggapan
Anumang oras

Makipag-ugnayan sa
Furuta Community Center “Furuta Komin-kan”   Tel. 082-272-9001 

Direksyon
Ito ay 5-minutong lakad mula sa “Furue” (古江) Streetcar Stop (Hiroden Miyajima Line).

12 Kusatsu Nihongo Class

Lokasyon
Kusatsu Community Center “Kusatsu Komin-kan” (2-20-7 Kusatsu-higashi, Nishi-ku)
*Gaganapin sa Furuta Community Center “Furuta Komin-kan” simula Enero 2020 hanggang Abril 2020.
(Pakikipag-ugnayan sa Furuta Community Center “Furuta Komin-kan” (Tel. 082-272-9001))

Araw at Oras ng aktibidad
Tuwing Miyerkules 9:30 ng umaga hanggang 12:30 ng tanghali
Tuwing Sabado 1:30 hanggang 4:00 ng hapon

Bayad
Libre

Tanggapan
Anumang oras

Makipag-ugnayan sa
Kusatsu Community Center “Kusatsu Komin-kan”   Tel. 082-271-2576

Direksyon
Ito ay 2-minutong lakad mula sa Kusatsu (草津) Streetcar Stop (Hiroden Miyajima Line)
*Papuntang Furuta Community Center: Ito ay 5-minutong lakad mula sa Furue (古江) Streetcar Stop (Hiroden Miyajima Line)

Asaminami Ward

13 Gion Nihongo Class

Lokasyon
Gion Community Center “Gion Komin-kan” (1-13-26 Nishihara, Asaminami-ku)
*Gaganapin sa Gion Catholic Church malapit sa Gion Community Center hanggang Marso 2020.

Araw at Oras ng aktibidad
Tuwing Biyernes 10:30 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon
Maaring magbago ang mga araw ng bakasyon sa spring, summer at winter.

Bayad
Libre

Tanggapan
Anumang oras

Makipag-ugnayan sa
Gion Community Center “Gion Komin-kan”   Tel. 082-874-5181

Direksyon
(1) Ito ay 10-minutong lakad mula Shimo-gion (下祇園) Station (JR Kabe Line)
(2) Ito ay 15-minutong lakad mula Gion Shin-bashi-kita (祇園新橋北) Station (Astramline)
(3) Ito ay 5-minutong lakad mula sa NHK Housousyo-mae bus stop *Papuntang Gion Catholic Church: 6-minutong lakad mula Shimo-gion (下祇園) Station (JR Kabe Line)
*Papuntang Gion Catholic Church: 6-minutong lakad mula Shimo-gion (下祇園) Station (JR Kabe Line)

14 Yasu-Higashi Nihongo Class

Lokasyon
Yasu-higashi Community Center “Yasu-higashi Komin-kan” (2-16-42 Yasu-higashi, Asaminami-ku)

Araw at Oras ng aktibidad
Tuwing Biyernes 6:00 hanggang 7:30 ng gabi
Dahil ang mga klase ay ginaganap kada semestre, maaaring may pagkakataong hindi magkaroon ng klase.

Bayad
Libre

Tanggapan
Anumang oras sa loob ng isang semestre. Makipag-ugnayan sa Community Center para sa mga detalye.

Makipag-ugnayan sa
Yasu-higashi Community Center “Yasu-higashi Komin-kan”   Tel. 082-878-7683

Direksyon
Ito ay 5-minutong lakad mula Yasu-higashi (安東) Station (Astramline)

15 Sato Nihongo Class

Lokasyon
Sato Community Center “Sato Komin-kan” (6-29-25 Midorii, Asaminami-ku)

Araw at Oras ng aktibidad
Tuwing Miyerkules 9:30 ng umaga hanggang 12:30 ng tanghali

Bayad
Libre

Tanggapan
Anumang oras

Makipag-ugnayan sa
Sato Community Center “Sato Komin-kan”   Tel. 082-877-5200

Direksyon
Ito ay 3-minutong lakad mula Shichiken-jaya (七軒茶屋) Station (JR Kabe Line)

16 Numata Nihongo Class Volunteer Group

Lokasyon
Numata Community Center “Numata Komin-kan” (7-64-8 Tomohigashi, Asaminami-ku)

Araw at Oras ng aktibidad
Tuwing Sabado 1:00 hanggang 4:00 ng hapon

Bayad
Libre

Tanggapan
Anumang oras        Mag-obserba muna sa klase bago sumali

Makipag-ugnayan sa
Numata Community Center “Numata Komin-kan”   Tel. 082-848-0242

Direksyon
Ito ay 5-minutong lakad mula Oobara (大原) station (Astramline)

Asakita Ward

17 Magame Nihongo Class

Lokasyon
Magame Community Center “Magame Komin-kan” (1-3-27 Magame, Asakita-ku)

Araw at Oras ng aktibidad
Tuwing Linggo 10:00 hanggang 11:30 ng umaga
Walang klase tuwing Pista ng Bagong Taon

Bayad
Libre

Tanggapan
Anumang oras

Makipag-ugnayan sa
Magame Community Center “Magame Komin-kan”   Tel. 082-842-8223

Direksyon
Sumakay ng Hiroko bus na patungo sa Obayashi Shako (大林車庫) (dadaan ng Koyo A Danchi (高陽A団地)). Bumaba sa Terasako Koen (寺迫公園). Ito ay 1-minutong lakad mula pagbaba.

18 Kameyama Community Center   Nihongo Class Amigos

Lokasyon
Kameyama Community Center “Kameyama Komin-kan” (3-16-16 Kameyama-minami, Asakita-ku)

Araw at Oras ng aktibidad
Tuwing Linggo 10:00 ng umaga hanggang 12:30 ng tanghali

Bayad
Libre

Tanggapan
Anumang oras

Makipag-ugnayan sa
Kameyama Community Center “Kameyama Komin-kan”   Tel. 082-815-1830

Direksyon
Sumakay ng Hiroko bus na patungo sa Katsuki (勝木) (dadaan ng Nijiyama Danchi (虹山団地)). Bumaba sa Nijiyama Danchi-shita (虹山団地下). Ito ay 5-minutong lakad mula pagbaba.

Aki Ward

19 Nihongo Club

Lokasyon
Funakoshi Community Center “Funakoshi Komin-kan” (5-22-23 Funakoshi, Aki-ku)

Araw at Oras ng aktibidad
Tuwing Sabado 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali

Bayad
Libre

Tanggapan
Anumang oras

Makipag-ugnayan sa
Funakoshi Community Center “Funakoshi Komin-kan”   Tel. 082-823-4261

Direksyon
Ito ay 7-minutong lakad mula sa Kaita-ichi (海田市) Station (JR Sanyo Main Line)