“Hiroshima NOW” na newsletter sa iba’t ibang wika ng Lungsod ng Hiroshima
Informational Newsletter (2025.07)

Ang mga artikulo mula sa “Hiroshima NOW” ay mga sipi mula sa “Hiroshima Shimin to Shisei,” isang libreng publikasyon na inilalathala ng Lungsod ng Hiroshima.
Maaaring mabasa ang “Hiroshima Shimin to Shisei“ sa website ng Lungsod ng Hiroshima. Maaari ring basahin ang “Hiroshima Shimin to Shisei” sa iba’t ibang wika (Biyetnamis, Espanyol, Filipino, Ingles, Intsik, Koreano, Portugis) sa pamamagitan ng awtomatikong pagsasalin.
Inilalathala ito sa simula ng bawat buwan sa simpleng Nihongo, Biyetnamis, Espanyol, Ingles, Intsik, at Portugis. Ipinamamahagi rin ito sa mga pampublikong pasilidad sa loob ng lungsod at iba pa.
🐳
Mga Nilalaman
1.Tulong sa Gastusin sa Pagpapagamot para sa mga Pamilyang May iisang Magulang
3.Muling Surin ang mga Panuntunan sa Paggamit ng Bisikleta
1. Tulong Sa Gastusin sa Pagpapagamot para sa mga Pamilyang May iisang Magulang
⛋ Sino ang Maaaring Tumanggap ng Tulong
Ang maaaring makatanggap ay yaong mga naninirahan sa lungsod ng Hiroshima na nakarehistro sa pampublikong health insurance at pasok sa alinman sa mga sumusunod:
① Mga batang kabilang sa mga pamilyang may iisang magulang (ina o ama lamang) — hanggang sa Marso 31 ng taon kung kailan sila magiging 18 taong gulang — at ang ina o ama na sumusuporta sa kanila.
② Mga batang walang magulang at kasalukuyang inaalagaan ng isang taong walang asawa (walang kasamang asawa o partner).
③ Iba pang mga kaso na katulad ng mga nasa kondisyon sa ① o ②.
※ May limitasyon ayon sa kita ng aplikante. Para sa detalye, mangyaring makipag-ugnayan sa Hiroshima City Hall.
⛋ Mga gastusing maaaring tumbasan ng tulong-pinansyal
Bayad sa gamutang sakop ng insurance, pero hindi kasama ang gastos sa pagkain at tuluyan sa opital.
⛋ Paano mag aplay
Dalhin ang inyong health insurance card, atiba pa sa inyong lokal na tanggapan ng welfare sa opisina.
📞 Para sa mga Katanungan:
Makipag-ugnayan sa Lokal na Tanggapan ng Welfare ng inyong lugar
Distrito | Tel. | Distrito | Tel. |
Naka-ku | 082-504-2569 | Asaminami-ku | 082-831-4945 |
Higashi-ku | 082-568-7733 | Asakita-ku | 082-819-0605 |
Minami-ku | 082-250-4131 | Aki-ku | 082-821-2813 |
Nishi-ku | 082-294-6342 | Saeki-ku | 082-943-9732 |
2. Pansamantalang hindi Pagbabayad sa National Pension para sa mga Estudyanteng 20 Taong Gulang Pataas
Lahat ng naninirahan sa Japan na may edad 20 hanggang 59 ay kailangang mag-enrol sa National Pension at o magbayad ng kontribyusyon sa pension, kabilang ang mga estudyante.
🔸Para sa mga estudyanteng edad 20 pataas na nahihirapang magbayad ng kontribusyon sa National Pension dahil sa kakulangan sa pinansyal, maaari nilang ipagpaliban ang pagbabayad ng hulog habang nag-aaral, at bayaran ito pagkatapos makapagtapos at makapagtrabaho.
※ Kailangan pong mag-apply taon-taon upang magamit ang sistemang ito.
🎓 Sino ang Maaaring Mag-apply
Mga estudyante sa:
Unibersidad (undergraduate)
Graduate school
Junior college
Senior high school
Technical college
Paalaala at ang taunang kita noong nakaraang taon ay hindi lalampas sa itinakdang halaga, kung walang dependents o sinusuportahan, ang limit ay nasa 1.28 milyong yen pababa.
📝 Paraan ng Pag-apply
Pumunta sa Insurance and Pension Division (Hoken Nenkin-ka) ng ward office kung saan ka nakatira, o sa kanilang branch office (shucchōjo), at dalhin ang mga sumusunod:
▸Pension handbook (nenkin techō) o notification card ng Basic Pension Number,
▸Student ID o anumang dokumentong nagpapatunay na ikaw ay kasalukuyang nag-aaral
Makipag-ugnayan sa: Insurance and Pension Division ng inyong Distrito
Distrito | Tel. | Distrito | Tel. |
Naka-ku | 082-504-2556 | Asaminami-ku | 082-831-4931 |
Higashi-ku | 082-568-7712 | Asakita-ku | 082-819-3910 |
Minami-ku | 082-250-8944 | Aki-ku | 082-821-4910 |
Nishi-ku | 082-532-0935 | Saeki-ku | 082-943-9713 |
Oras: Mula Lunes – Biyernes 8:30 am – 5:15 pm ng hapon
Sarado: Nasyonal holidays, Agosto 6, Disyembre 29 – Enero 3
3. Muling Suriin ang mga Panuntunan sa Paggamit ng Bisikleta
🔶 “Ang Bisikleta ay Isa sa mga Sasakyan”
Ayon sa Road Traffic Law, ang bisikleta ay itinuturing na “light vehicle” (軽車両 – kei sharyō), kaya’t obligado itong gamitin sa kalsada (車道 – shadō) bilang pangunahing alituntunin. Kapag nagbibisikleta, sundin ang mga batas-trapiko at asal sa kalsada, at siguraduhing ligtas ang iyong pagmamaneho.
🔶 Limang Panuntunan para sa Ligtas na Pagbibisileta
① Ang bisikleta ay karaniwang dapat gamitin sa kaliwang bahagi ng kalsada. Ang pagbibisikleta sa bangketa ay hindi karaniwan at dapat lamang gawin kung ito ay pinahihintulutan.
② Huminto nang maayos sa mga traffic light, at tiyaking ligtas bago tumawid o magpatuloy.
③ Maglagay ng ilaw sa iyong bisikleta at gamitin ito kapag nagbibisikleta sa gabi.
④ Huwag magbisikleta kung ikaw ay nakainom o nasa ilalim ng impluwensya ng alak o droga.
⑤ Mag suot ng helmet.
👆 Simula Nobyembre 1, 2024, mahigpit na batas para sa mga nag bibisikletang lalabag sa batas.
✅ Paggamit ng cellphone habang nagbibisikleta
➡ Maaaring makulong nang hanggang 1 taon o multang hanggang 300,000 yen
✅ Pagbibisikleta habang nakainom ng alak
➡ Maaaring makulong nang hanggang 3 taon o multang hanggang 500,000 yen
Bukod dito, mapaparusahan ang mga taong alam na nakainom ang isang tao, subalit pinilit na mag magbisikleta pa rin, nakipag ugnayan sa pamimisikleta, nagpahiram ng bisikleta sa nakainom na tao.
🔶 Kapag Nagbibisikleta, Magsuot ng Helmet!
🔸 Mahalaga ang Pagsusuot ng Helmet
Upang mabawasan ang pinsala sa mga aksidente sa bisikleta, napakahalaga ng pagprotekta sa ulo. Sa mga namatay dahil sa aksidente sa bisikleta, humigit-kumulang 60% ay nagtamo ng malubhang pinsala sa ulo. Ayon sa datos, ang mga hindi nagsusuot ng helmet ay may 2.4 beses na mas mataas na posibilidad na mamatay sa aksidente kaysa sa mga nagsusuot nito.
🔸 Paano Pumili ng Tamang Helmet
Pumili ng helmet na may mga sumusunod na katangian:
・May marka ng kaligtasan tulad ng SG mark
・Ayon sa sukat ng iyong ulo
🔸 Mga Paalala sa Pagsusuot ng Helmet
・Higpitan nang maayos ang strap sa ilalim ng baba (a-gohimo)
・Siguraduhing hindi gumagalaw ang helmet kahit igalaw ang ulo
Para sa Katanungan:
Makipag-ugnayan sa Kagawaran para sa Pagsusulong ng Lungsod sa Maginhawang Pagbibisikleta (自転車都市づくり推進課 – Jitensha Toshi-zukuri Suishin-ka)
📞 Telepono: 082-504-2349