Pagtulong sa International Cooperation
Tungkol sa Pagtulong sa International Cooperation
Sa pamamagitan ng “Pagtulong sa International Cooperation”, nangongolekta ang International Exchange Lounge ng mga gamit na stamp at mga takip ng PET bottle bilang pagtulog sa mga aktibidad ng International Cooperation.
Ang gamit na mga stamp ay ipinapadala sa Japan Overseas Christian Medical Cooperation Service (JOCS), isang international cooperation organization nakabase sa Tokyo.
Matapos paghiwalayin ayon sa uri at ayusin ang mga gamit na stamp na ipinadala sa JOCS ay binibili ito ng mga indibidwal na nangongolekta ng stamp sa Japan at nagiging pera. Ang halaga ng palitan ay halos 1,800 yen kada 1 kilo. Ang kitang nalikom mula sa pagpapalit ng stamp ay ginagamit upang makatulong sa mga aktibidad ng medikal cooperation ng JOCS.
Bilang karagdagan sa pagkolekta ng mga gamit na stamp, nangongolekta din ng mga takip ng PET bottle. Sa pamamagitan ng programang “Eco-cap Action” ng Hiroshima Roudou Kaikan, ang mga nakolektang takip ng PET bottle ay ipinapadala sa Japan Committee, Vaccines for the World’s Children (JCV), isang sertipikadong nonprofit organization (NPO), upang makatulong sa programang nitong pagpapadala ng mga bakuna sa mga bata sa mga developing na bansa.
Paunawa: Tungkol sa pagtatapos ng pangongolekta ng gamit na prepaid card
Ang pangongolekta ng mga gamit na prepaid card sa International Exchange Lounge na sinimulan kasabay ng “Pagtulong sa International Cooperation”, ay nagtapos noong Marso 31, 2017. Taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyong suporta at pakikipagtulungan sa loob ng mahabang panahon.
Ang nonprofit organization na SHAPLA NEER = Citizens’ Committee in Japan for Overseas Support (tatawaging Shapla Neer mula ngayon) ay nangongolekta ng mga hindi nagamit na telephone card at nagsasagawa ng mga programa para sa international cooperation.
Kung mayroon kayong hindi nagamit na telephone card sa inyong mga bahay at nais ninyong magbigay tulong sa international cooperation, mangyaring makipag-ugnay nang diretso sa Shapla Neer.
SHAPLA NEER = Citizens’ Committee in Japan for Overseas Support
Waseda Hoshien 2-3-1 Nishi Waseda, Shinjuku-ku, Tokyo 169-8611
Tel. 03-3202-7863 Fax. 03-3202-4593
E-mail: info@shaplaneer.org
http://www.shaplaneer .org/
Paano ito nakakatulong?
Gamit na mga stamp
Matapos paghiwalayin ayon sa uri at ayusin ang mga gamit na stamp na ipinadala sa Japan Overseas Christian Medical Cooperation Service (JOCS), binibili ito ng mga indibidwal na nangongolekta ng stamp sa Japan at nagiging pera. Ang halaga ng palitan ay halos 1,800 yen kada 1 kilo. Ang kitang nalikom mula sa pagpapalit ng stamp ay ginagamit upang makatulong sa mga aktibidad ng medikal cooperation ng JOCS.
Ang medical cooperation ay tumutukoy sa pagpapadala ng mga manggagawang medikal na kinuha ng JOCS tulad ng mga doktor, mga nars, at mga public health na nars sa mga lugar sa ibang bansa kung saan hindi maganda ang kondisyon ng medikal na pangangalagang medikal. Kasama din dito ang pagbibigay ng scholarship sa mga lokal na manggagawang medikal. Ang mga gamit na stamp ay ginagamit ng JOCS kasama ng pera nakuha mula sa mga aktibidad ng fund-raising at mga membership fee, upang pondohan ang mga aktibidad ng medical cooperation. (Tingnan ang website ng JOCS para sa mga detalye.)
Takip ng PET bottle
Ang mga nakolektang takip ng PET bottle sa International Exchange Lounge ay ginagamit sa programang “Eco-cap Action” ng Hiroshima Roudou Kaikan. Ang mga takip ng PET bottle ay pinapadala sa mga recycling centers para i-recycle. Ang kikitain mula sa pagre-recycle ay ibibigay sa Japan Committee, Vaccines for the World’s Children (JCV), isang sertipikadong nonprofit organization (NPO), upang ang mga bakuna ay maihahatid sa mga bata sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ang 430 pirasong takip ay papalitan ng 10 yen. Sa halagang 20 yen (860 pirasong takip), makakapagpadala na ng bakuna ng polio para sa isang tao.
(Para sa mga detalye, tingnan ang website ng Hiroshima Roudou Kaikan o ng Japan Committee, Vaccines for the World’s Children (JCV).)
Tungkol sa mga nakolektang bagay
Gamit na mga stamp
Tinatanggap ang kahit anong klase ng stamp. May mga nangongolekta din ng mga ordinaryong stamp kaya hindi kailangang special issue stamp ang ibigay. Mayroon ding mga nangongolekta ng mga banyagang stamp kaya ang mga ito ay malugod ding tinatanggap.
Gayunpaman, ang mga sticker na kinakabit kapag nagbayad sa post office (meter stamp) at ang mga stamp ng naka-print sa mga post card tulad ng New Year’s post card, ordinaryong post card, post card para sa simpleng registered mail, o sobre ay hindi maaring magamit.
(Tingnan ang website ng JOCS para sa mga detalye.)
Takip ng PET bottle
Tanging mga takip ng PET bottle ng mga soft drink at mineral water lamang ang maaring tanggapin. Hindi kasama ang mga hindi takip ng PET bottle ng soft drink tulad ng takip ng mga pampalasa (toyo, atbp.) o alak.
Pakiusap sa pagbibigay ng donasyon
Gamit na mga stamp
- Mag-iwan ng mga 1cm sa paligid ng stamp bago gupitin ito. Maaaring lumagpas sa 1cm kung sa tingin ninyo ay may sasamang tatak.
- Kung gugupitin ang stamp, mag-ingat na hindi magupit ang mga perforation (baku-bakong parte).
- Hindi kailangang pilasin ang mga stamp sa sobre (backing paper). Kung sakaling mapilas ito, mangyaring ihiwalay sa mga stamp na may backing paper.
- Hangga’t maari, mangyaring paghiwalayin ang Japanese at banyagang stamp. Hindi kailangan paghiwalayin ang special issue at ordinaryong stamp.
- Hindi kailangang bilangin kung ilan ang stamp.
Takip ng PET bottle
May mga pagkakataong hindi na mare-recycle ang mga takip o naging sanhi ito ng pagkasira ng crushing machine kaya siguraduhing gawin ang mga sumusunod kapag nangongolekta.
- Hugasan ang takip.
- Kung may natirang seal sa takip, alisin ito.
- Siguraduhing tanggalin ang lahat ng hindi mga takip ng soft drink at mineral water, tulad ng metal (aluminyo, bakal, atbp.) na takip, pull-top, lata, bote, at mismong PET bottle.
Nangongolekta din ng mga post card na may maling nakasulat
Ipagpapalit sa stamp ng mga post card na may maling nakasulat o mga post card na hindi nagamit (halimbawa, New Year’s post card, atbp.) sa post office, at gagamitin sa pagpadala sa JOCS ng mga nakolektang mga gamit na stamp.
Kung may mga nakakalat lang na maling nasulatang post card o mga New Year’s post card na hindi nagamit sa inyong bahay, mangyaring ibigay na lang sa amin ito.
Naghahanap kami ng mga boluntaryong mag-aayos ng mga nakolektang stamp
Naghahanap kami ng mga boluntaryong mag-aayos ng mga nakolektang stamp tulad ng paggupit sa gilid upang pantayin, paghiwalyin ayon sa uri, atbp., bago ipadala sa JOCS.
Kung ikaw ay nasa International Exchange Lounge sa oras na bukas ito, huwag mag-atubiling tumulong. Maraming salamat sa inyong kooperasyon.