Pagpapalaki ng bata / Edukasyon
1. Pag-aalaga ng Bata (Panganganak at Pagpapalaki ng Bata)
2. Edukasyon
1. Pag-aalaga ng Bata (Panganganak at Pagpapalaki ng Bata)
Pagbubuntis at Panganganak
Kung kayo ay nagbubuntis, ipaalam sa local ward office, Mutual Community Support Division. Magpa-health checkup ng para sa mga buntis sa ospital.
Mga hakbang pagkatapos manganak. → Tingnan lamang dito ang mga detalye.
1. Ang Handbook ng pangangalaga ng Ina at Anak
Ang handbook ng pangangalaga ng ina at anak ay paraan upang masubaybayan at mapatnubayan ang kalusugan nila, upang magkaroon ng talaan ng pagbubuntis, panganganak at pag-aalaga ng bata. Ito din ay naglalaman ng mga vouchers ng checkup at bakuna at iba pang serbisyo. Ito ay nakasulat sa Ingles, Intsik, Tagalog, Thai, Korean, Portugis, Espanyol, Indonesian, at Biyetnamis.
2. Suportang Benepisyo para sa Panganganak at Pagpapalaki ng Bata
Ang mga umaasang ina at ang mga nagpapalaki ng mga anak na nag-abiso sa lungsod ng kanilang pagbubuntis o panganganak ay karapat-dapat na makatanggap ng mga benepisyo upang makatulong sa pagbabayad para sa mga bagay na gagamitin para sa panganganak o pag-aalaga ng bata, o sa paggamit ng mga serbisyo ng suporta sa pagiging magulang. Makipag-ugnayan sa Mutual Community Support Division ng Public Welfare Department ng inyong lokal na ward office (tingnan ang mga pahina 41 at 42) para sa karagdagang impormasyon.
3. Check-ups para sa Kalusugan
Siguraduhing dalhin ang inyong anak sa check-up, upang sila ay lumaking malusog at malakas.
🔸 General Health Checkup para sa mga bagong panganak na bata
Kailan: Dalawang beses hanggang sa unang taon na kaarawan ng bata
Saan at Paano:
● Pasilidad na pangmedikal
● Ipakita ang inyong Maternal and Child Health Handbook at Supplemental Information Booklet for
the Maternal and Child Health Handbook
🔸 Pagsusuri para sa 4 na buwan na gulang na bata / Pagsusuri para sa isang taon at 6 na buwan gulang
na bata / Konsultasyon para sa 3 taong gulang na bata
Ang Lungsod ng Hiroshima ay magpapadala sa inyo ng notipikasyon tungkol sa mga check-up na ito.
4. Pinansyal na tulong para sa Medikal na gastusin ng mga
Ang tulong pinansyal para sa medikal na gastusin ng mga bata ay matatanggap hanggang sa 3rd year junior high school o hanggang Marso 31 ng taon matapos ang kanilang 15 anyos na kaarawan. Ang tulong para sa inpatient care ay hanggang 3rd year ng junior high school, at para sa outpatient care ay hanggang 6th grade ng elementary school. Hindi po kaangkop ang mga mamamayan na mayroong malaking kinikita.
5. Child Allowances
Ang mga magulang o guardian na nagpapalaki ng mga bata hanggang 3rd year junior high school o hanggang Marso 31 ng sumunod na tao matapos ang kanilang ika15 anyos na kaarawan ay maaaring makatanggap ng Child allowance. Para sa iba pang impormasyon, makipag-ugnayan sa local ward office Public Welfare Division.
Nursery Schools at Kindergartens
Sa Japan, ang compulsory education ay nagsisimula mula edad na 6. May mga pre-school facilities din para sa mga batang wala pa sa hustong gulang para magpunta sa paaralan kasama ang nursery schools at kindergarten.
1. Nursery Schools,(Hoikuen) atbp.
Ang mga Nursery schools at iba pang pasilidad ay nag-aalaga sa mga bata na ang mga magulang o guardian ay hindi kayang mag-alaga sa bahay dahil sa trabaho, sakit, o iba pang kadahilanan.
Kung nais ninyong ipasok ang inyong anak sa ganitong mga pasilidad, mag-apply sa ika-10 araw ng buwan, isang buwan bago magsimulang pumunta ang bata. Ngunit iba ang patakaran kung ang inyong anak ay ipapasok sa Marso o Abril.
Kung nais magtanong tungkol sa proseso ng aplikasyon at ang mga bayarin sa pagpasok ng bata sa nursery school, magtanong lamang sa dibisyon ng Public Welfare Division na kinabibilangan ng nursery school at iba pa kung saan ninyo nais ipasok ang bata.
🔸 Nursery schools (Hoikuen)
Edad ng bata: Batang may edad mula o taong gulang hanggang bago pumasok ng elementary
Paliwanag: Pasilidad na mayroong 20 o mahigit na mga bata
🔸 Certified Child Care Centers (Nintei-Kodomo-en)
Edad ng bata: Batang may edad mula o taong gulang hanggang bago pumasok ng elementary
Paliwanag: Pasilidad na mayroong nursery school at kindergarten
🔸 Small day-care services (bata na may edad 0 – 2)
Edad ng bata: Edad ng bata mula 0 hanggang 2taon gulang
Paliwanag: Pasilidad na mayroong 6 – 19 na mga bata
🔸 Daycare facilities na itinatag sa loob ng opisina
Edad ng bata: Edad ng bata mula 0 hanggang 2taon gulang
Paliwanag: Pasilidad na inihahanda ng mga kumpanya para alagaan ang mga bata (daycare) para sa kanilang
mga trabahador. Pasilidad ay tumatanggap din ng mga bata sa komunidad.
2. Kindergarten
Ang kindergarten ay pasilidad bago pumasok sa elementary school. May dalawang uri ng kindergarten: municipal at private.
Ang Municipal kindergartens ay para sa mga batang may edad na 4 hanggang lima (Ang Moto-machi, Ochiai, at Funakoshi Kindergartens ay tumatanngap din ng 3 taong gulang). Ang mga aplikasyon ng mga batang 3-4 taong gular ay tinanggap sa Oktubre para sa susunod na taon. Subalit kung ang kindergarten ay may bakante, maaaring mag-apply kahit kailan. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa municipal kindergarten, makipag-ugnayan sa Teacher Supervisory Division I ng Board of Education (TEL 082-504-2784).
Ang mga pribadong kindergarten ay tumanggap ng mga bata ng may edad na 3 hanggang 5 taong gulang. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa kindergarten kung saan nais ninyong ipasok ang inyong anak.
2. Edukasyon
Ang compulsory education sa Japan ay binubuo ng elementary school (6-12 taong gulang) at junior high school (12-15 taong gulang). Sa mga nais pang magpatuloy sa pag-aaral ay kailangang makapasa ng pagsusulit, na binubuo ng senior high school (3 taon), unibersidad (4 taon) at junior college (2 taon).
Sa lahat ng paaralan, the pasukan ay nagsisimula ng Abril at natatapos ng Marso ng sumunod na taon.
May mga pambansang paaralan, pampublikong paaralan (prepektura, at munisipyo) at pribadong paaralan.
Elementarya, Junior High School, Natatanging Pang-suportang Eskwelahan
Ang mga estudyante ay maaaring pumasok sa municipal elementary, junior high school, at special needs schools na walang kinalaman ang abilidad sa Nihongo. Subalit ang lahat ng klase ay ibinibigay sa Nihongo. Ang paaralan kung saan papasok ang estudyante ay nakatalaga ayon sa tirahan ng estudyante.
Ang paaralan ay walang tuition fee, ngunit kaunting bahagi ng pagkain at ilang materyales ng pag aaral ay kaiangang bayaran.
🔸 Elementary at Junior High Schools: Local ward office, Citizens Affairs Bureau, o sa School Affairs Division, Hiroshima Municipal Board of Education (TEL 082-504-2469)
🔸 Special Needs Schools: Youth Consultation Center (TEL 082-504-2197)
📝 Mamamayan na nahihirapan sa bayarin sa paaralan
Ang Lungsod ng Hiroshima ay nagbibigay ng tulog sa bayarin sa paaralan sa mga pamilyang nahihirapan ipasok sa paaralan ang mga bata dahil sa problemang pinansyal. Makipag-ugnayan paaralan o kaya sa School Affairs Division, Hiroshima Municipal Board of Education (TEL 082-504-2469).
📝 Pagkatapos ng Pag aaral ng mga elementarya. Mamamayan na hindi matitingnan ang mga bata
Ang mga school clubs ay para sa estudyante sa elementary na hindi maasikaso ng mga magulang pagkatapos ng oras ng klase dahil sa trabaho o iba pang kadahilanan. Para sa impormasyon, makipag-ugnayan sa club kung saan nais ninyong ipasok ang inyong anak.
Sa Siyudad ng Hiroshima Lupon ng edukasyon, seksyon ng mga hakbang pagkatapos ng Paaralan TEL 082-242-2014, o dili kaya. Sa Ward office Promotion Dibisyon
📝 Muling Pag aaral ng elementarya o junior high school
Kung hindi nakatapos ng elementarya o junior high school, o hindi nakamit ang mga markang itinakda, mayroong panggabing paaralan (evening classes) para sa may edad na 15 anyos pataas para sa gusto muling mag-aral. Ang Hiroshima Municipal Futaba Junior High School at Hiroshima Municipal Kan-on Junior High School ay nagbibigay ng junior high school na pag aaral. Kung nais pumasok sa panggabing paaralan, makipag-ugnayanpo sa School Affairs Division, Hiroshima Municipal Board of Education (TEL 082-504-2469).
Senior High School
Higit sa 98% ng estudyanteng Hapon ay nagpapatuloy ng kanilang pag-aaral sa Senior High Schools.
Kailangang pumasa sa isang eksaminasyon bago makapasok sa high school. Mayroon ding mga high school na tumatanggap ng mga estudyante base sa espesyal na rekomendasyon. (Halimbawa, kahit hindi nakatapos sa Junior High School, kung malaman base sa isang eksaminasyon na ang talino ng bata ay katumbas ng talino ng mga batang nakatapos sa Junior High School, maaaring tanggapin pa rin ang bata upang kumuha ng entrance exam ng high school.)
Ang mga high school ay natatangi bilang nasyonal, prepektural, panglungsod o pribado. Ang nilalaman ng curriculum ay natatangi sa regular o espesyal na kurso (Engineering, Manufacturing, Agriculture, atbp.), general na kurso, o di kaya mga kursong natatangi depende sa oras (full time, part time [pang-umaga o pang-hapon], o sa pamamagitan ng sulat at koreo (correspondence course).
Para sa impormasyon ukol sa Municipal Senior High Schools, tawagan ang Teacher Supervisory Division II ng Hiroshima Municipal Board of Education (TEL 082-504-2704). Para sa karagdagang impormasyon ukol sa iba pang Municipal High Schools, tawagan ang sumusunod na mga lugar.
● Pambansang Paaralan:
Mataas na Paaralan ng Pamantasang Hiroshima TEL 082-251-0192
● Pang-Prepektural Paaralan:
Hiroshima Prefectural Board of Education, Senior High School Guidance Division TEL 082-513-4992
● Pribadong Paaralan:
Association of Hiroshima Prefecture Private Schools TEL 082-241-2805
Junior College, Kolehiyo, at Vocational School
Upang makapasok sa mga Junior College, Kolehiyo, o Vocational School, kinakailangang makapasa ng entrance exam tulad ng sa high school. (Kung sakaling hindi naman nakapagtapos ng pag-aral sa isang Junior High School o high school sa Japan, maaari pa ring kumuha ng entrance exam ang bata kung napagpasyahan na ang kanyang kaalaman ay katumbas sa mga nakapagtapos dito sa Japan.)
Kung nais makapasok sa unibersidad, mangyaring makipag-ugnayan sa eskuwela na nais pasukan.
Mga paaralan para sa mga dayuhan o foreigners (international schools)
Sa siyudad ng Hiroshima, may mga paaralan para sa mga dayuhan o foreigners tulad ng Hiroshima International School na nagsasagawa ng mga klase sa wikang Ingles, at ang Hiroshima Korean School na nagsasagawa naman ng klase sa wikang Korean. Ang mga paaralan para sa mga dayuhan ay nasasakop sa kategorya ng Miscellaneous Schools.
Ang mga paaralan para sa mga dayuhan sa Hiroshima ay nagbibigay ng curriculum na katumbas sa Japanese Kindergarten, Elementary, Junior at Senior High School curriculum at ang mga mag-aaral na nagtatapos mula sa mga kurso sa Senior High School level ay maaring magpatuloy ng kanilang pag-aaral sa mga Japanese College o University. Para sa karagdagang impormasyon, tawagan ng direkta ang bawat paaralan.
● Hiroshima International School TEL 082-843-4111
● Hiroshima Korean School TEL 082-261-0028