Book Corner
Patnubay sa paggamit
Lokasyon: International Conference Center Hiroshima 1F (Nasa loob ng Peace Memorial Park)
Oras ng pagbukas: 9:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi (Abril 1 – Setyembre 30)
9:00 ng umaga hanggang 6:00 ng hapon (Oktubre 1 – Marso 31)
Araw na sarado: Disyembre 29 hanggang Enero 3
Telepono: (082) 247-9715
FAX:(082) 242-7452
E-mail: golounge@pcf.city.hiroshima.jp
Paghiram
Maaaring humiram ng hanggang 3 libro nang sabay-sabay sa loob ng 2 linggo. Mga naninirahan, nagtatrabaho or nag-aaral lamang sa Hiroshima city ang maaaring humiram. Sa unang pagkakataon na humiram ng libro, mangyaring magpakita ng dokumentong magpapatunay ng inyong tirahan at tagal ng pananatili sa Japan (tulad ng driver’s license, student ID, pasaporte, residence card, atbp). Mag-iisyu kami ng user card.
Banyagang Libro
Mga nobela, mga travelogue, mga guidebook, mga librong nagpapakilala ng kulturang Hapon, mga textbook para sa pag-aaral ng wikang Hapon, mga komiks, atbp.
Hapon na Libro
May kinalaman sa International Exchange / Cooperation, mga travelogue, mga guidebook, impormasyon sa pag-aaral sa ibang bansa, mga diksiyonaryo, mga textbook para sa pag-aaral ng ibang wika, mga textbook para sa pag-aaral ng wikang Hapon, mga komiks, atbp.
Paghahanap gamit ang Internet
Maaaring gamitin ang Internet sa paghahanap sa koleksyon ng libro ng library. Mangyaring maghanap ayon sa “Pamagat”, “May-akda”, “Publisher”, atbp. ⇒ Paghahanap ng koleksyon ng library gamit ang internet