公益財団法人 広島平和文化センター国際市民交流課

Baguhin ang laki ng font
language

Numero ng Telepono sa Panahon ng Emergency

1. Sunog, Biglaang Pagkakasakit at Pinsala

2. Aksidente sa Daan at Krimen

1. Sunog, Biglaang Pagkakasakit at Pinsala

Kung mayroong sunog, emergency (biglaang sakit o pinsala), saklolo (serbisyo sa pagsagip at sa oras ng paglikas sa kalamidad na nangangailangan ng) atbp maaaring tumawag sa ambulansya o fire truck sa numerong “119”.

Mangyaring sabihin ang mga sumusunod:

1. Sunog o emergency

2. Sabihin ng malinaw ang address, lokasyon at dahilan ng pagtawag

3. Pangalan at numero ng telepono ng taong tumawag sa “119”

Ang ambulansya ay libre, ngunit hindi ito maaaring gamitin kung mayroon magaan na sakit o pinsala.
Kung hindi po kayo nakasisiguro kung dapat tumawag ng ambulansya,o pumunta sa ospital,o kung saan ospital pupunta.Tumawag sa Hiroshima Region Urban Area Emergency Consultation Center para makausap ang mga nurse o ibang sinanay na mga propesyonal na tao na may kaalaman sa mediko.
Hiroshima Region Urban Area Emergency Consultation Center  TEL : # 7119 o (082-246-2000). Magbibigay ng payo ang mga nurse.

2. Aksidente sa Daan at Krimen

Kung mayroong aksidente sa daan o krimen, tumawag ng “110”.

Mangyaring sabihin ang mga sumusunod.

1. Kung mayroong aksidente ng mga sasakyan o krimen 

2. Kailan at saan

3. Ano ang nangyari

4. Kung mayroong nasaktan na tao

5. Pangalan at numero ng telepono ng taong tumawag sa “110”
 Kung kayo ay nasugatan at nais na gumamit ng ambulansya, tumawag sa “119”.

Top