公益財団法人 広島平和文化センター国際市民交流課

Baguhin ang laki ng font
language

Paghahanda para sa Sakuna

1. Laging Paghahanda para sa Kalamidad ng kalikasan

2. Pamamahagi ng Medical at Emergency Card

1. Laging Paghahanda para sa Kalamidad ng kalikasan

Sa Japan, mula Hunyo hanggang Oktubre ang panahon ng malakas na pag-ulan at bagyo, at dahil sa ulan at hangin umaapaw ang tubig mula sa ilog, at  maaaring mapinsala sa pagguho ng lupa, pagtaas ng alon, at iba pa. At sa buong mundo, bansa ang Japan kung saan maraming lindol ang nagaganap. Mangyaring ugaliin ang paghahanda nang husto.

Paghahanda para sa malakas na ulan at bagyo

Kung and malakas na ulan o bagyo ay papalapit.,nararapat maghanda sa mga sumusunod na alituntunin.
Bilang paghahanda sa malakas na ulan o bagyo, mangyaring bigyan ng pansin ang mga sumusunod na bagay.

1. Alamin antimano kung saan ang mapanganib na area at emergency evacuation site gamit ang hazard map o ang Hiroshima City Disaster Prevention Portal (https://www.bousai.city.hiroshima.lg.jp/tl/), at iba pa.
😊 Hindi kailangang lumikas ang taong nasa ligtas na lugar.
Mangyaring i-download ang “Pumunta sa Evacuation Center!” upang makakuha ng impormasyon tungkol sa paglikas.

2. Pakinggan nang mabuti ang impormasyon tungkol sa panahon sa radyo, TV, atbp.

3. Ihanda ang mga bagay na dadalhin sa emergency tulad ng pagkain, tubig, gamot at mahahalagang pag-aari (pera, bankbook, ATM card, pasaporte, atbp.) para sa paglikas. Para maiwasan ang nakakahawang sakit, maghanda rin ng mask, disinfectant wipes, thermometer, at iba pa. At bilang paghahanda kapag naputulan ng kuryente, gas, at iba pa, magtabi sa bahay ng pagkain at tubig at iba pang kailangan sa pamumuhay para sa 3 araw man lamang, o kung maaari para sa 1 linggo.

4. Maghanda ng flashlight at radyo para sa panahon na mawalan ng kuryente.

5. Ipasok sa loob ng bahay, o ipirmi ang mga paso, sampayan at iba pang bagay na may panganib na liparin ng hangin. 6.          Aktibong makilahok sa pagsasanay para sa pag-iwas sa sakuna na isinasagawa ng komunidad.

Tungkol sa Impormasyon sa Paglikas (Alert Level)

Mayroong limang antas (level) ng pagpapahayag ng posibilidad na mangyari ang sakuna dahil sa malakas na ulan o pagbaha, at ng timing ng paglikas (pagtakas). Kung Alert Level 4,  dapat “lumikas ang lahatng taong nakatira sa mapanganib na area o taong nakakaramdam ng panganib.

* Mangyaring tiyakin ang kalagayan ng sariling tirahan atbp. sa mga Landslide and Flood Hazard Map na inilabas ng Lungsod ng Hiroshima sa publiko, at iba pa.

Alert Level 1
Impormasyon ng maagang babala

Mangyaring bigyang pansin ang impormasyon ukol sa panahon at maging handa

Alert Level 2
Babala sa pagbaha, babala sa malakas na pag-ulan
Mangyaring tiyakin ang evacuation site at daang gagamitin sa paglikas

Alert Level 3
Paglikas ng matatanda atbp.
Mangyaring simulang lumikas ng matatanda at taong matatagalan sa paglikas.

Alert Level 4
Utos na dapat lumikas
Lumikas ang lahat
Mangyaring pumunta kaagad sa evacuation site ang mga nakatira sa mapanganib na area, o kapag nakaramdam ng panganib. 
🏃 Kung mapanganib ang pumunta sa evacuation site, pumunta sa malapit na ligtaas na lugar

🚨Siguraduhing lumikas kapag umabot na sa alert level 4! 🚨

Alert Level 5
Madaliang pagsiguro ng kaligtasan
May naganap na sakuna Nasa panganib ang buhay
Nagkaroon ng sakuna, at mahirap ang lumikas nang ligtas.
Kumilos upang mapangalagaan ang buhay tulad ng pagpunta sa mas ligtas na lugar kahit kaunti.

Paghahanda para sa Lindol

Hindi natin alam kung kailan magkakalindol. Mangyaring bigyan ng pansin ang mga sumusunod na bagay mula sa karaniwan.

1. Ipirmi ang mga kagamitan sa bahay para hindi matumba ang mga ito.

2. Huwag maglagay ng bagay na madaling masunog sa paligid ng kalan at iba pa.

3. Makipag-usap sa pamilya at iba pa tungkol sa paglilikasan at paraan ng komunikasyon (tulad ng Disaster Emergency Message Dial 171 atbp.).

4 Ihanda ang mga bagay na dadalhin sa panahon ng emergency, tulad ng pagkain, tubig, gamot at mahahalagang pag-aari (pera, bankbook, ATM card, pasaporte, atbp.) para sa paglikas. Para maiwasan ang nakakahawang sakit, maghanda rin ng mask, disinfectant wipes, thermometer, at iba pa.
At bilang paghahanda kapag naputulan ng kuryente, gas, at iba pa, magtabi sa bahay ng pagkain at tubig at iba pang kailangan sa pamumuhay para sa 3 araw man lamang, o kung maaari para sa 1 linggo.

5. Alamin ang kondisyon sa paligid kung saan nakatayo ang mga gusali.

6. Tiyakin ang evacuation site at daang gagamitin sa paglikas.

7. Aktibong makilahok sa pagsasanay para sa pag-iwas sa sakuna na isinasagawa ng komunidad.

Kapag nagkaroon ng lindol

Mangyaring bigyan ng pansin ang mga sumusunod, at kumilos nang mahinahon.

1. Magkubli sa ilalim ng mesa.

2. Patayin ang apoy kapag humupa o tumigil ang pagyanig dulot ng lindol.

3. Buksan ang pintuan para makasiguro ng labasan.

4. Patayin kaagad kapag magkaroon ng sunog.

5. Mag-ingat sa mga bubog sa loob ng bahay.

6. Huwag tumakbo palabas dahil sa panic.

7. Huwag lumapit sa tarangkahan at pader.

8. Makipagbatian sa mga kapitbahay.

9. Magtulungan para magbigay ng first aid. 10. Alamin ang tamang impormasyon mula sa TV o radyo.

📝 App na Mapapakinabangan sa Panahon ng Sakuna

Pumunta saEvacuation Center!
Libreng app ito na mapapakinabangan sa paglikas bago mangyari ang sakuna. Malalaman dito ang emergency na impormasyon tulad ng utos ng paglikas at iba pa, at kung gaano kapanganib ang kasalukuyang lugar na kinaroroonan. Matitiyak din dito ang ruta patungo sa malapit na evacuation site.
Sinusuportahan ang 8 wika: Ingles, Intsik (tradisyonal / pinasimple), Koreano, Nihongo, Espanyol, Portuguese,  Filipino, at Vietnamese.

Safety Tips!
Libreng app ito na nagbibigay ng notipikasyon sa emergency earthquake alert, tsunami warning, alert ukol sa pagputok ng bulkan, warning ukol sa panahon, impormasyon ukol sa bagyo, impormasyon ukol sa heatstroke, impormasyon ukol sa proteksyon ng mga mamamayan, impormasyon sa paglikas atbp. Mayroong iba’t ibang function na mapapakinabangan sa panahon ng sakuna. Sinusuportahan ang 15 wika, kasama ang Ingles, Intsik (tradisyonal / pinasimple), Koreano, Nihongo, Espanyol, Portuguese, Vietnamese, Tagalog, at iba pa.

Mga Evacuation Site

Kapag nagkaroon ng abiso kaugnay sa paglikas mula sa ward office, pulis, bombero, komunidad atbp., o kapag nasira ang bahay o may panganib na magkasunog, mangyaring lumikas sa isang ligtas na lugar ayon sa sitwasyon.

1. Itinalagang Emergency Evacuation Site
Mga pasilidad o lugar para agarang makalikas mula sa panganib ng nalalapit na sakuna, itinatalaga ang mga ito ayon sa uri ng sakuna. Pagguho ng lupa, pagbaha, pagtaas ng alon, lindol, tsunami at malawakang sunog ang mga uri ng sakuna.

2. Itinalagang Evacuation Center
Mga pasilidad ito na maaaring gamitin para matuluyan o tirahan nang panandalian ng mga biktimang nawalan ng lugar para sa pamumuhay dahil nagiba, nasunog ang bahay, o iba pa.
Mahalagang tiyakin antimano ang mga evacuation site na ito sa pamamagitan ng pagtatanong sa ward office, fire station, at iba pa. Mangyaring suriin antimano ang ruta papunta sa mga evacuation site, at i-check kung saan ang mapanganib na lugar.

Maaaring tiyakin ang mga public evacuation site, impormasyon sa pag-iwas sa sakuna, at iba pa sa
– Disaster Information Website (https://www.city.hiroshima.lg.jp/site/saigaiinfo/) o sa
– Hiroshima Prefecture Disaster Prevention Web (https://www.bousai.pref.hiroshima.lg.jp/data).
Hindi pambublikong evacuation area lamang ang mapaglilikasan. Mangyaring magkonsulta mula sa karaniwan tungkol sa ligtas na mapaglilikasan tulad ng bahay ng kamag-anak o kakilala, at iba pa.

Mga dapat tandaan sa paglikas

1. Bago lumikas, tiyakin ulit kung nakapatay ang pagmumulan ng apoy (Isara ang valve ng gas, at i-off ang circuit breaker).

2. Huwag kalimutan ang memo para sa komunikasyon tulad ng paglilikasan, impormasyon ukol sa kaligtasan, at iba pa.

3. Magsuot ng damit na madaling makakilos at huwag kalimutan ang proteksyon sa ulo.

4. Kargahin ang mga gamit na dadalhin sa oras ng emergency sa backpack o katulad na bag sa panahon ng paglikas.

5. Kung mapanganib ang pagpunta sa lugar ng evacuation site, lumikas sa mataas na lugar sa matibay na gusali.

6. Kapag lilikas, iwasan ang masikip na daan, tabi ng bakod, tabing-ilog at iba pa.

2. Pamamahagi ng Medical at Emergency Card

Upang makatulong kapag nakaranas ng likas na sakuna, insidente, aksidente o iba pa ang dayuhang residente at hindi niya maipaliwanag nang mabuti ang sarili dahil hindi sanay sa wikang Hapon, nilikha ang “Medical at Emergency Card para sa Dayuhang Residente”.
 Maaari rin itong i-download mula sa website ng Lungsod ng Hiroshima.

Top