Patakaran ng pamumuhay
1. Tamang Pag uugali sa Paninirahan
2. Asosasyon ng mga Magkakapitbahay, Asosasyon ng mga residente
1. Tamang Pag uugali sa Paninirahan
Ang ingay
Tandaan na kapag nakatira sa mga housing complex o apartment, ang ingay na ginagawa mo sa iyong bahay o apartment ay maaaring marinig ng iyong kapitbahay, na posibleng magresulta sa mga isyu.Mangyaring bawasan ang ingay, lalo na sa gabi at madaling araw, dahil maaaring mainis ang iyong mga kapitbahay.
(Siguraduhing nasa tamang lakas lamang ang telebisyon, radyo, mga kasangkapan tulad ng vacuum cleaners, washing machines, ingay galing sa shower/banyo, malakas na boses habang nakikipag-usap, malakas na pagbukas at pagsara ng pinto, atbp.)
Paggamit ng common areas sa mga multi-dwelling housing
Ang mga hallways at hagdanan ay tinuturing na common areas. Huwag iwanan ang sariling gamit sa mga lugar na ito, dahil ang hallway ay maaaring gamitin sa oras ng paglikas tulad ng lindol o sunog.
2. Asosasyon ng mga Magkakapitbahay, Asosasyon ng mga residente
Ang asosasyon ng magkakapitbahay at asosasyon ng mga residente ay nagsisilbing lugar para sa pagtulong at pakikisalamuha sa mga lokal na mamamayan (chonaikai o dili kaya jichikai). Kung kayo ay sumali bilang miyembro, makakakuha ka ng impormasyon tungkol sa lugar na tinitirahan. Isa pa naglalaan sila ng tulong sa panahon ng emergency tulad ng mga kalamidad at iba pa.
Kung nais maging miyembro, makipag-ugnayan sa pinuno ng grupo, chairman, leader, atbp. ng Community Revitalization Division o Asosasyon ng magkakapitbahay/residente ng lugar kung saan nakatira.
3. Pag aalaga ng mga hayop
Pagpaparehistro (isang beses lamang sa isang aso)
Ang mga mamamayang mayroong alagang aso na lampas sa 91 araw ay kailangang iparehistro.
Nararapat iparehistro sa Sentro ng Kapakanan ng Hayop o sa Veterinary Hospital.
Matapos magparehistro, makakatanggap ng lisensya para sa aso.
Sa mga sumusunod na pangyayari na nasa ibaba mangyaring abisuhan ang Sentro ng Kapakanan ng hayop.
● Kapag nagbago ang may-ari o tirahan
● Kapag namatay ang aso
● Kapag ang aso ay nakakagat ng tao
Bakuna upang maiwasan ang rabies (isang beses sa isang taon)
Kung kayo ay nagmamay-ari ng aso, ito ay dapat pabakunahan ng anti-rabies. Pabakunahan ang inyong aso sa mayroong sabay sabay na pag babakuna o sa pribadong beterinaryo. Ang sabayang bakunahan ay ginagawa sa Siyudad ng Hiroshima sa pagitan ng Abril at Mayo.
Matapos ang bakuna, makakatanggap ng vaccination certificate.
🙂 Ang lisensya ng aso at vaccination certificate ay dapat na nakasuot sa aso.
Microchipping ng aso at pusa
Simula Hunyo 1,2022, ang mga aso at pusa na ibinebenta sa mga tindahan ng alagang hayop at mga breeder ay kinakailangang ma-microchip. Sa madaling salita, ang iyong bagong alagang hayop ay magiging microchip na sa oras ng pagbili, at kakailanganin mong irehistro ang iyong mga detalye at i-update ang impormasyon sa microchip.
Makipag ugnayan sa Sentro ng Kapakanan ng Hayop,
11-27 Fujimi-cho, Naka-ku, Hiroshima-City, TEL 082-243-6058
4. Panuntunan sa mga Sasakyan
Sa Japan, ang mga kotse, motorsiklo at bisikleta ay tumatakbo sa kaliwang linya ng kalsada, at ang mga naglalakad ay sa kanang kalsada. Binibigyan ng prayoridad sa daan ang mga tumatawid sa kalsada.
Bisikleta
Bisikleta
● Kapag nagbibisikleta, mangyaring sundin ang limang panuntunang pangkaligtasan:
1. Sa prinsipyo, manatili sa kalsada at manatili sa kaliwa. Sumakay lamang sa mga bangketa kapag pinahihintulutan at magbigay daan sa mga tumatawid
2. Sundin ang mga signal ng trapiko at mga stop sign sa mga intersection at tingnan kung ligtas na magpatuloy.
3. Buksan ang mga ilaw ng iyong bisikleta kapag nagbibisikleta sa gabi.
4. Huwag kailanman sumakay sa ilalim ng impluwensya ng alcohol
5. Magsuot ng helmet
Tandaan: Simula Abril 2023, obligado ang lahat ng gumagamit ng bisikleta na magsikap na magsuot ng helmet ng bisikleta habang nakasakay. Gayundin, kapag nakasakay sa isang pang-adultong bisikleta na may naka-install na upuan para sa bata, obligado ang mga gumagamit ng bisikleta na magsikap upang matiyak na ang nakasakay na bata ay nakakabit ng kanilang seatbelt at nagsusuot ng helmet. Ang panuntunang ito ay nagkabisa simula Oktubre 6, 2022 at nalalapat sa mga batang wala pang elementarya.
● Protektahan ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagkuha ng insurance sa bisikleta
Alinsunod sa Hiroshima Prefectural Ordinance, ipinag-uutos para sa mga gumagamit ng bisikleta (hindi kasama ang mga menor de edad) na bumili ng insurance sa bisikleta simula sa Abril 2023.
● Mapanganib na pag-uugali sa pagbibisikleta na dapat iwasan
1. Bawal magbisikleta nang may nakasuot na earphone o headphone at habang nakikinig sa musika sa malakas na volume.
2. Bawal magbisikleta nang may kausap sa telepono.
3. Sa pangkalahatang patakaran, bawal sumakay ang dalawang tao sa iisang bisikleta.
4. Bawal magbisikleta nang magkatabi.
🙂 Magsagawa ng regular na inspeksyon at maintenance ng bisikleta, at laging isaisip ang ligtas na pagbibisikleta.
📝 Batas sa pag-iwan ng bisikleta at iba pa sa maling lugar
Iparada ang bisikleta at motorsiklo sa paradahan na itinakda para sa mga ito.
Ang pag-iwan sa mga ito sa daan ay di lamang makasasagabal sa mga naglalakad kundi maaari rin itong maging sanhi ng aksidente sa mga naglalakad at sa trapiko.
Ang mga bisikleta at motorsiklo na naiwan sa lugar kung saan matatagpuan ang kanang larawan ay kukumpiskahin.
Ang bisikleta ay ilalagay sa nakatalagang imbakan ng bisikleta. Mangyaring pumunta sa imbakan upang kuhanin ang bisikleta.
Hiroshima City West Bicycle and Motorcycle Impound Lot
TEL 082-277-7916
Oras ng Pagbawi: Araw-araw 10:30 umaga – 7:00 gabi (maliban sa mga holidays, at 29 ng Disyembre hanggang ika-3 ng Enero)
Multa: Bisikleta 2,200 yen, gentsuki (<50CC) 4,400 yen, motorsiklo 5,500 yen
Kailangang bagay: Susi, ID (lisensya, school ID, health insurance card o iba pang makapagpapatunay ng pagkakakilanlan)
※Ang pagbawi ay limitado lamang hanggang isang buwan. Ang mga di nabawing sasakyan ay itatapon ng munisipyo.
Mga kotse / Motorsiklo
● Upang magpatakbo ng kotse o motorsiklo sa Japan, kailangan mong magkaroon ng alinman sa mga sumusunod na dokumento:
1. Lisensya ng pagmamaneho ng Japan
2. Internasyonal na lisensya ng pagmamaneho batay sa Kompensyon sa Daang Trapiko (Geneva Convention)
3.Lisensya ng pagmamaneho na inisyu ng bansa o rehiyon na nagbibigay permiso na magmaneho sa Japan, at dokumentong nakasalin sa wikang Hapon mula sa embahada o konsulado (sa kasalukuyan, saklaw nito ang Switzerland, Germany, France, Belgium, Monaco, at Taiwan).
● Kapag nagmamaneho ng kotse o motorsiklo, kinakailangan ang lisensya sa pagmamaneho. Huwag magmaneho kung walang lisensya (tulad halimbawa, kung nakalimutan ang lisensya sa bahay).
● Ang nagmamaneho at mga pasahero ay dapat gumagamit ng seatbelts.
● Ang mga batang wala pang 6 na taong gulang ay dapat gumamit ng child seat o dili kaya ay car seats.
● Kapag nakasakay sa motorsiklo, dapat magsuot ng helmet.
● Ipinagbabawal na magmaneho habang gumagamit ng cell phone o nasa impluwensa ng alak.
● Malaki ang multa kapag nag maneho ng nakainom. Kaya‘t iwasan ang magmaneho kapag nakainom ng alak.
Bus / tren
Para sa pampublikong transportasyon tulad ng mga bus at tren, mangyaring tandaan ang mga sumusunod na kaugalian.
● Mag hintay sa pila para sa paghihintay ng bus o dli kaya tren, pumila ng maayos. Iwasan ang pagsingit sa pila dahil pumila sila ng matagal kaysa sa iyo.
● Iwasang manigarilyo sa loob pampublikong mga sasakyan.
● Iwasan tumawag at tumanggap ng tawag sa cellphone sa loob ng pampublikong sasakyan
● Hinaan ang pakikinig ng musika.
📝 Memo: Pampublikong sasakyan
Mayroong mga video na naglalaman ng impormasyon para sa pang-araw-araw na pamumuhay, tulad ng kung paano ang pagsakay sa bus o tren.
Simulan sa Hiroshima! https://www.youtube.com/channel/UCZuk9nZf0COsZyJxHg2YBLA
[Salita] Hapon
[Subtitle] Ingles, Intsik, Hangul, Biyetnamis