Pensyon
Ang lahat ng residente na may edad na 20 taong gulang hanggang 59 taong gulang ay nararapat nakapasok sa National Pensyon (Kokumin Nenkin). At kung kayo po ay nagtatarabaho sa kumpanya (atbp) kayo po nararapat nakapasok sa Employee Pension Insurance (Kosei Nenkin).
Paano ang pagpasok
Makipag-ugnayan sa inyong local ward office, National Insurance and Pension Division o branch office.
Ang mga kasapi ng Pensyon para sa Empleyado kasama ang kanilang mga asawa na suportado din ng naturang Pension ay kinakailangang magsumite ng aplikasyon sa kani-kanilang employer o sa lugar kung saan nagtatrabaho ang asawa.
Bayarin para sa Pensyon
Ang mga taong nabigyan ng katunayan ng pagkaseguro ay kinakailangang magbayad ng premium. Kung mahirap magbayad ng premium dahil sa kakulangan ng kita, maaaring mag-apply ng partial o total exemption. Makipag-ugnayan sa local ward office, National Insurance and Pension Division o branch office.
Uri ng Bayarin para sa Pensyon
Pensyon para sa Matatanda
Sino ang maaaring makatanggap: Ibibigay sa mga miyembro na may edad 65 at pataas na naging kasapi ng pambublikong pensyon (public pension) ng 10 taon o mas mahaba pa (kasama ang panahong hindi na kinailangang magbayad ng insurance premium ayon sa gobyerno).
Pensyon para sa may kapansanan
Sino ang maaaring makatanggap: Sa mga nagkasakit o na-pinsala habang miyembro ng pensyon.
Pensyon para sa namatayan
Sino ang maaaring makatanggap: Para sa namatay habang miyembro ng pension. Ibibigay sa kanila asawa (kung ang asawa ay dependent at kasalukuyang nag-aalaga ng anak o mga anak) o sa anak o mga anak ng namatay.
Para makakuha ng benepisyo mula sa Pensyon para sa may Kapansanan o Pensyon para sa Namatayan, kinakailangang masunod ang ilang kundisyon ayon sa ibinayad.
Para sa iba pang impormasyon, makipag-ugnayan sa local ward office, National Insurance and Pension Division o branch office.
Paalaala: Ang Ninoshima Branch Office ay hindi tumatanggap ng usapin ukol sa pensyon.
Lump-sum Withdrawal Payment (Pagbabalik ng iyong pension)
Kung titigil bilang miyembro ng National Pension system, maaaring makatanggap ng lump-sum withdrawal payment. (Dattai Ichiji Kin) Ibibigay ang withdrawal payments sa sinuman na makatutupad sa lahat ng mga kundisyon na nakasaad sa ibaba, at nakapagsumite ng aplikasyon ng 2 taon mula sa paglabas ng bansang Hapon.Ang kabuuan na inyo pong matatanggap ay sang ayon sa haba ng inyong pagbabayad ng Insurance premiums.
● Sa mga walang nasyonalidad na Hapon
● Sa mga nakapag bayad ng National Pensions Premium ng 6 na buwan o mahaba pa.
● Walang address sa Japan
● Hindi tumatanggap ng pensyon galing sa Japan (kabilang ang allowance para sa mga may Kapansanan)
【Mahalagang Papeles】
Pag-alis ng Japan, ang mga sumusunod ay nararapat ipadala sa Japan PensionService:
● Request for Lump-Sum Withdrawal Form (Dattai Ichiji Kin Seikyusho), Dokumentong pagpapatunay ng iyong basic pension number (tulad ng iyong pension book, o notice of basic pension number)
● Kopya ng mga pahina ng iyong pasaporte na nagsasaad ng iyong pangalan, date ng iyong kaarawan, nasyonalidad, iyong pirma, at ang visa status (atbp).
● Dokumentong nagpapatunay ang iyong bank account na naroon ang iyong pangalan, pangalan ng banko, numero ng banko (atbp).
Japan Pension Service (日本年金機構)
〒168-8505 3-5-24 Takaido-Nishi, Suginami-ku, Tokyo
Telepono: 0570-05-1165 (domestic calls); +81-3-6700-1165 (international calls)