公益財団法人 広島平和文化センター国際市民交流課

Baguhin ang laki ng font
language

Tungkol sa Pangangasiwa ng Personal na Impormasyon

Isasagawa ng City Diversity and Inclusion Division ng Hiroshima Peace Culture Foundation ang nararapat at mahigpit na pangangasiwa ng personal na impormasyon ayon sa sumusunod.

Pagsunod sa mga Nauugnay na Batas

Simula sa “Batas kaugnay sa Proteksyon ng Personal na Impormasyon” (Tatawaging “Batas” mula rito.), susundan ng dibisyong ito ang iba’t ibang mga nauugnay na batas hinggil sa personal na impormasyon at ang sarili nitong ibinalangkas na “Mga Patakaran at Regulasyon sa Proteksyon ng Personal na Impormasyon ng Hiroshima Peace Culture Foundation,” at iba pang mga pamantayan.

Pagkolekta at Paggamit ng Personal na Impormasyon

Kaugnay sa pagkolekta ng personal na impormasyon, malinaw na ipapahayag ng dibisyong ito ang layunin ng paggamit, at hindi gagamitin ang personal na impormasyon liban sa layuning iyon.

Pagbibigay ng Personal na Impormasyon sa Ibang Partido

Liban sa kasong pinahihintulutan ayon sa mga batas, hindi ibibigay ng dibisyong ito ang personal na impormasyon sa ibang partido nang walang pag-apruba ng mismong tao.

Top