Upang matulungan sa pamumuhay ang tahanan na mayroong anak “Espesyal benepisyo na suporta sa Pamumuhay ng Sambahayanang nagpapalaki ng Anak (para sa sambahayanan na single parent) ” makatatanggap po
Dahil sa nag diborsiyo o namatay ang asawa. Nag iisang magpalaki ng anak. Makatatanggap ng 50,000yen ang bawat bata. Para matanggap ang benepisyo, mangyaring mag submit ng aplikasyon sa Hiroshima City Offfice.
👉 Hanggang 18 taong gulang na anak, hanggang 19 na taong gulang na anak na may kapansanan ay makatatanggap ng salapi.
👉 Hindi makatatanggap ng salapi ang mag aaplay kung ang kasama sa tirahan ay mayroong malaking kinikita.
👉 Hindi na muling makatatanggap ang nakatanggap na ng “Espesyal benepisyo na suporta sa pamumuhay ng sambahayanang nagpapalaki ng anak”
Matatanggap na salapi
Bawat isang bata 50,000 yen
Makakatanggap na mamamayan
① Taong 2022 ng Abril na nakatanggap na ng allowance sa pagpapalaki ng bata
② Ang nakasulat sa ibaba ay tungkol sa mga pension sa mga sambahayanang hindi nakatanggap ng allowance sa pagpapalaki ng bata sa taong Abril 2022
◍ Basic Pension for the Bereaved (Izoku Nenkin): Ang nakapasok sa national pension at Welfare pension insurance ay yumao, ang naiwang pamilya ay makatatanggap ng salapi.
◍ Kapinsanang pension Ang mamamayan na may kapansanan sa katawan ay makakatanggap ng salapi.
◍ Matatandang pension: Mga 65 taong gulang pataas ay makatatanggap ng salapi
◍ Pensiyon sa aksidente industriya Naaksidente sa trabaho, nagkasakit ay makatatanggap ng salapi.
③ Mga sambahayang hindi nakatanggap ng benepisyo sa bata, mga bumaba ang kita dahil sa covid-19, mga nawalan ng suweldo sa taong 2022.
📌 Allowance para sa bata (Jidō fuyō teate)
Makatatanggap po ng salapi ang mga sambahayang nakadiborsiyo, alinman sa mag asawa ay yumao, at nag iisang palakihin ang anak.
Pag aaplay
① na tao, hindi na kailangang mag aplay。
② na tao at ③ na tao ay nararapat mag aplay para makatanggap ng salapi.
📝 Lugar para mabigyan ng aplikasyon
Application Form ay makukuha sa inyong tinitirahang lugar sa Welfare Division (福祉課 Fukushi Ka) of your local ward office. Maaari nyo pong I print out sa Hiroshima Homepage
📝 Lugar na isumite ang aplikasyon
Ang mga aplikasyon ay maaaring ipadala sa pamamagitan ng Post mail o sariling pagharap
💠 Kung ipadadala sa Post office. Ipadala sa lugar na nakasulat sa ibaba.
〒730-8790 広島市中区国泰寺町1-6-34
(Hiroshima-shi Naka-ku Kokutaiji-machi 1-6-34)
広島市役所 こども未来局 こども・家庭支援課 支援係
(Hiroshima Shiyaku-sho Kodomo Mirai Kyoku Katei Shien Ka Shien Kakari)
💠 Maaari po kayong mag aplay sa welfare section ng ward office sa inyo pong lugar.
Naka-ku | 4-1-1 Ote-machi |
Higashi-ku | 9-34 Higashi-kaniya-cho |
Minami-ku | 1-4-46 Minami-machi |
Nishi-ku | 2-24-1 Fukushima-cho |
Asaminami-ku | 1-38-13 Nakasu |
Asakita-ku | 3-19-22 Kabe |
Aki-ku | 3-2-16 Funakoshi-minami |
Saeki-ku | 1-4-5 Kairoen |
Katapusan ng pag aaplay
Ang katapusan ng pag aaplay ay hanggang 2023 ng Pebrero 28 (Martes). Kung mahuli po kayo ng pag submit, hindi po kayo makatatanggap ng salapi.
👉 Kung ipadadala sa pamamagitan ng Post office. Siguraduhing ihulog ang aplikasyon hanggang Pebrero 28.
👉 Hindi po kayo makatatanggap ng salapi kung kulang at hindi umabot sa palugit na araw at hindi makumpirma ng Hiroshima City ang inyong dokumento.
Lugar na maaari pong Kumunsulta
🙂 Tungkol sa nais pong magkaroon ng tamang kaalaman tungkol sa pag aaplay. Tumawag po sa
Hiroshima City Hall’s Call center “Espesyall Benepisyo na Suporta sa Pamumuhay ng Sambahayanang nagpapalaki ng Anak” *Wikang Hapon lamang po
Phone: 0120-145-577
FAX: 082-504-2727
Oras ng pagtanggap: umaga 8:30 hanggang alas 5:00 ng hapon.
Sarado: Sabado, Linggo, at Piyesta Opisyal, at Bagong Taon (Disyembre 29 – Enero 3)
🙂 Kung kayo po ay hindi gaanong nakakaunawa ng wikang hapon, Kontakin po ang opisina na nasa ibaba.
Hiroshima City & Aki County International Resident Consultation Service
Phone: 082-241-5010
E-Mail: soudan@pcf.city.hiroshima.jp
Pagtanggap ng Oras at Araw: Mula Lunes hanggang Biyernes, mula 9:00 umaga hanggang 4:00 ng hapon.
Sarado: Tuwing Sabado, Linggo, at Piyesta Opisyal, Agosto 6, at Bagong Taon (Disyembre 29-Enero 3).
Handang Mga Wika: Intsik, Portugis, Espanyol, Biyetnamis, Ingles, at Pilipino
(Ang Pilipino ay tuwing Biyernes lamang po)