Nag sisimula na po ang mga aplikasyon para po sa Espesyal Benepisyo para sa Kabuhayan sa mga Nagpapalaki ng mga Bata (Kosodate-setai Seikatsu Shien Tokubetsu Kyūfukin)
Mga sambahayan na mayroong anak na mababa sa 18 taong gulang (o dili po 19 na taong gulang na may kapansanan) ay makatatanggap po ng 50,000 yen bawat bata. Upang makatanggap po ng benepisyo kinakailangang mag sumite po ng aplikasyon sa City Hall.
👉 Hindi makatatanggap ang kung sinuman sa mag asawa na ang suweldo ay mataas sa nararapat na antas upang makatanggap ng benepisyo.
👉 Wala na pong ulit ang pagtanggap ng mga nakatanggap na ng benepisyo. Mga sambahayan na nakatanggap na ng benepisyo para sa single na sambahayan, kabayaran para sa mga nagpapalaki ng bata na mababa sa 18 taong gulang (o dili kaya 19 na taong gulang na may kapansanan)dahil sa nag diborsiyo o yumao ang asawa ay hindi na makatatanggap ng benepisyo.
Matatanggap na salapi
50,000 yen/bawat bata
Makatatanggap
Kung kayo po ay nasa ilalim ng kategorya na ito. ①, ②, ③ or ④, maaari po kayong mag aplay
① Bawat isa na nakatanggap na o tatanggap pa lamang tungkol sa pagtanggap ng allowance ng bata (Jidō teate) o dili po espesyal na allowance sa pagpapalaki ng bata (Tokubetsu jidō fuyō teate) kahit kailan po sa pag-itan ng Abril 2022 at marso 2023 at ang exempt sa pagbabayad ng tax para sa FY 2022.
② Bawat isa na nagpapalaki ng bata na ipinanganak sa pag-itan ng Abril 2,2004 at Abril 1,2007 at ang exempt sa pagbabayad ng residents tax para sa FY 2022.
③ Bawat isa na nagpapalaki ng bata na wala pang17 taong gulang (o dili kaya 19 na taong gulang na mayroong kapanasanan) mula Marso 31,2022 at ang suweldo ay bumaba bago o pagkatapos ng Enero 1,2022 dahil sa COVID-19.
④ Bawat isa na nagpapalaki ng bata na ipinanganak sa pag-itan ng Abril 1,2022 at Pebrero 28,2023 at ang sinuman na bumaba ang suweldo bago o pagkatapos ng Enero 1.2022 dahil sa COVID-19.
📌 Allowances sa mga Bata (Jidō teate), ibabayad sa mga nagpapalaki ng mga bata na nasa 3rd year junior high school o dili kaya hanggang Marso 31, kasunod ang ika 15 taong gulang na kaarawan ng bata.
📌Espesyal Allowance para sa mga nagpapalaki ng Bata (Tokubetsu jidō fuyō teate), ay ibabayad sa mga nagpapalaki ng mga bata na wala pang 19 na taong gulang at may mga kapansanan.
📌Residents Tax for FY 2022, ito po ay tax na binabayaran ng mga mamamayan na nakarehistro ang tirahan sa bansang hapon mula Enero 1,2022 at ang kinita ng nakaraang taon.
Paano po mag aplay
Mga mamamayan na nasa kategoryang ito ① hindi na po dapat mag aplay.
Mga mamamayan na nasa kategorya na ito ②, ③ & ④ nararapat mag aplay.
📝 Saan po kukuha ng Application Form
Makatatanggap po kayo ng Application Form sa Welfare Division(福祉課 Fukushi Ka) sa inyo pong local ward office. At maaari ninyo pong I download sa City’s official website.
Listahan ng Welfare Divisions at local ward offices
Naka-ku | 4-1-1 Ote-machi |
Higashi-ku | 9-34 Higashi-kaniya-cho |
Minami-ku | 1-4-46 Minami-machi |
Nishi-ku | 2-24-1 Fukushima-cho |
Asaminami-ku | 1-38-13 Nakasu |
Asakita-ku | 3-19-22 Kabe |
Aki-ku | 3-2-16 Funakoshi-minami |
Saeki-ku | 1-4-5 Kairoen |
📝 Saan isabmit ang mga aplikasyon
Paki padala lamang po ang mga aplikasyon sa mga sumusunod.
〒730-8691 広島中央郵便局私書箱 第5号
(Hiroshima Chuō Yubinkyoku Shishobako Dai 5 gō)
広島市子育て世帯生活支援特別給付金(ひとり親世帯以外分)事務処理センター
(Kosodate-setai Seikatsu Shien Tokubetsu Kyūfukin Jimu Shori Sentā (Hitori-oya Setai Igaibun)
Katapusan ng Aplikasyon: Pebrero 28, 2023
Nararapat pong mag aplay para sa benepisyo ng Pebrero 28, 2023 (Martes).
👉Kung ipadadala sa pamamagitan ng Post office. Siguraduhing ihulog ang aplikasyon Pebrero 28, 2023.
👉 Kapag ang kinakailangang dokumento ay hindi sapat,kapag ang Hiroshima City hall ay hindi nakumpirma ang inyong dokumento, hindi po kayo makatatanggap ng benepisyo.
Support centers
🙂 Para po sa higit na kaalaman tungkol sa aplikasyon,paki tawagan ang mga numerong ito:
Hiroshima City Hall’s Call Center Para sa benepisyo
(Kosodate-setai Seikatsu Shien Tokubetsu Kyūfukin) *wikang hapon lamang po
Phone: 0120-145-577 (Toll free)
Fax: 082-504-2727
Oras ng Pagtanggap: 8:30 umaga hanggang 5:00 ng hapon
Sarado: Tuwing Sabado, Linggo, at Piyesta Opisyal, Bagong Taon (Disyembre 29 – Enero 3.)
🙂 Kung kayo po ay hindi gaanong nakakaunawa ng wikang hapon, Kontakin po ang opisina na nasa ibaba.
Hiroshima City & Aki County International Resident Consultation Service
Phone: 082-241-5010
E-Mail: soudan@pcf.city.hiroshima.jp
Pagtanggap ng Oras at Araw: Mula Lunes hanggang Biyernes, mula 9:00 umaga hanggang 4:00 ng hapon.
Sarado: Tuwing Sabado, Linggo, at Piyesta Opisyal, Agosto 6, at Bagong Taon (Disyembre 29 – Enero 3).
Handang Mga Wika: Intsik, Portugis, Espanyol, Biyetnamis, Ingles, at Pilipino
(Ang Pilipino ay tuwing Biyernes lamang po).