Pansamantalang Espesyal na Benepisyo para sa mamamayan na maliban sa buwis mamamayan
Dahilan sa patuloy na pagkalat ng COVID 19 sa paligid ng bansa, marami sa mga pamilya ay humaharap sa iba’t ibang pagsubok tungkol sa kabuhayan at trabaho. Dahil sa ganitong kalagayan upang mabilis na mapunan ang mga pangangailangan at matulungan na makaahon ang mga pamilya, Nagsagawa ang gobyerno ng espesyal na pagtulong para sa mga sambahayan na maliban sa pagbabayad sa buwis residente, mula FY 2021.
Tanungan
Pakitawagan po ang mga sumusunod
Hiroshima na merong sentro sa Pansamantalang Espesyal na Benepisyo para sa mga mamamayan na maliban sa Pagbabayad ng Buwis Residente
(Mga impormasyon tungkol sa bumaba ang kinita na pinamumunuan ng Siyudad ng Hiroshima)
Telephone | 082-236-7229 ★ Kilatisin mabuti na tama ang numero na tinatawagan bago tumawag |
Araw ng Pagtanggap | Pebrero 1, 2022 (Martes.) – Nobyembre 30, 2022 (Miyerkules) |
Oras | 9 umaga – 5:15 hapon (Sarado, Sabado, Linggo at Fiesta opisyal) |
Paki saliksik po ang website ng Siyudad ng Hiroshima Para po sa maraming detalye tungkol sa benepisyo kasama ang konsiderasyon aplikasyon:
Site po ng Ingles 👉 https://www.city.hiroshima.lg.jp/site/english/277618.html
Site po ng Hapon 👉 https://www.city.hiroshima.lg.jp/site/korona/256517.html
🔷🔶🔹🔸Para po sa kaalaman tungkol sa Pansamantalang Espesyal benepisyo para sa mga mamamayan na kung saan ang taunang kita ay bumaba pagkatapos ng Enero 1, 2021. At upang makuwalipika para maliban sa pagbabayad ng katayuan sa buwis. Paki klik po dito.
Ang nararapat na halaga,at ang karapat dapat na mamamayan
Halaga | 100,000yen bawat isang sambahayan |
Panahon ng Pag aaplay | Nararapat na maihatid ang aplikasyon ng Setyembre 30, 2022. |
Pagiging Karapat dapat | Para maging karapat dapat,nararapat na mapunan ng mamamayan ang mga kinakailangan na nakalista sa ibaba. Ang muling pagtanggap ay hindi na po maaari. Ang mga mamamayan na nakapag aplay na para sa espesyal na benepisyo na ang taunang kita ay bumaba pagkatapos ng Enero 1, 2021, ay hindi na po makapag aaplay. [Kuwalipikasyon] Lahat ng mga sambahayan ay maliliban sa buwis residente na nasa taong 2021. Sang ayon sa panahong ng Disyembre 10, 2021. (flat rate) |
Paano po mag aplay
(1) Lahat ng miyembro na maagang nanirahan o naninirahan na mula ng Enero1, 2021
Direktang Pinadalhan ng siyudad ng mga papeles ang mga karapat dapat na mamamayan. Ikumpirmang mabuti ang nilalaman, sulatan ang mga dapat sulatan bago ipadala pabalik.
Paalaala:
Ang siyudad ay nagpadala ng mga papeles para sa mga karapat na mamamayan. Subalit kung alam po ninyo na kuwalipikado kayo sa mga kondisyon na para maging karapat dapat,at hindi ninyo natatanggap ang mga papeles, tawagan po ang call center, minsan ay merong aksidente na bumabalik ang mga papeles na ipinadala sa mga mamamayan.
(2) Para sa mga miyembro ng sambahayan na kung saan ang isa o higit sa isa na miyembro ng sambahayan ay lumipat sa siyudad ng Hiroshima bago o pagkatapos ng Enero 2, 2021
Kinakailangan pong mag aplay ang bawa’t isa. Para po makapag download ng mga papeles, paki gamit po ang Link sa ibaba ..At kapag nasulatan na po ninyo ang mga dapat sulatan at naihanda na ang mga hinihiling na mga dokumento,paki padala sa pamamagitan ng koreo. (Tumatanggap po ngayon ng mga aplikasyon.)
📪 Saan ipapadala ang aplikasyon:
Hiroshima City Provisional Special Benefit for Residents Tax-Exempt Households Center
Health and Welfare Planning Division
Health and Welfare Bureau
The City of Hiroshima
Hiroshima Central Post Office PO Box 100 730-8712
Support Center
🔵 Hiroshima City & Aki County International Resident Consultation Service
Para sa mga mamamayan nangangailangan ng pagtulong sa wika,paki tawagan po kami.
Address | 1-5 Nakajima-cho, Naka-ku, Hiroshima |
Araw at Oras ng Bukas | Lunes hanggang Biyernes 9 umaga – 4 hapon (Sarado ng Fiesta Opisyales) |
Telephone | 082-241-5010 |
Mga Wika | Intsik, Ingles, Espanyol, Portugis, Biyetnamis at Filipino. *Filipino ay tuwing Biyernes lamang po. |
soudan@pcf.city.hiroshima.jp |