COVID-19: Mga pagbabago sa suporta ng gobyerno para sa paggamot sa COVID-19 (mula noong 5/8/2023)
Simula noong Mayo 8, 2023, ibinaba ang COVID-19 at na-reclassify bilang Class 5 Infectious Disease sa ilalim ng Infectious Disease Act. Sa ibaba ay makakahanap ka ng impormasyon tungkol sa kung ano ang nagbago pagkatapos ng reclassificationPara sa karagdagang impormasyon, pakibisita ang opisyal na website ng Hiroshima City (▪wikang Hapon ▪Ingles). Pakitandaan na ang sumusunod na impormasyon ay maaaring magbago sa hinaharap.
Mga Tanong: Public Health Promotion Division (Kenkō Suishin Ka) Tel: 082-504-2622
🔹 Mga pagbabago sa bayad sa medikal at pagsusuri
Bagay | Pagkatapos ng Reclassification sa Class 5 (mula 5/8) |
Suporta ng gobyerno para sa mga ayad sa paggamot sa outpatient, mga bayarin sa ospital, mga bayarin sa pagsusuri |
Ang suporta lamang ng gobyerno para sa mga therapeutic na gamot at isang bahagi ng mga bayarin sa ospital ay magpapatuloy hanggang sa katapusan ng Setyembre 2023. Iba pang bayad sa paggamot ay babayaran ng pasyente sa ilalim ng co-pay. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang website ng Hiroshima City |
Suporta ng gobyerno para sa mga bayarin sa pagsusuri sa PCR |
Ang suporta ng gobyerno para sa mga bayarin sa pagsusuri ay magtatapos. |
🔹 Mga pagbabago sa mga serbisyong ibinibigay ng mga institusyong medikal
Bagay | Pagkatapos ng Reclassification sa Class 5 (mula 5/8) |
Pag aayos ng pagpapa ospital | Bilang isang patakaran, ang mga pagsasaayos ay gagawin sa pagitan ng mga institusyong medikal (gagawin sa mga nararapat na batayan) |
Pagpapagaling at panunuluyan (hotel quarantine) | Mawawala na po ang serbisyo na ito. |
🔹 Mga pagbabago sa sistema ng suporta para sa mga nagpapagaling sa tahanan
Bagay | Pagkatapos ng Reclassification sa Class 5 (mula 5/8) |
Ang mga kahilingan sa pananatili sa bahay ay isinasagawa ng gobyerno |
Hindi na magkakabisa ang kahilingan ng gobyerno na manatili sa bahay ang mga infected na taong may COVID-19 at close contact. |
Ang pagsubaybay at pamamahala sa kalusugan ay isinasagawa ng Hiroshima Prefecture. Pagsusubaybay na mga sentro o lokal na health center para sa mga rehistradong pasyente |
Ihihinto na ang serbisyong ito. |
Pagbibigay ng mga home recovery sets at pagpapahiram ng mga pulse oximeter |
Ihihinto na ang serbisyong ito. |
Paghahatid ng pasyente mula sa kanilang tahanan patungo sa mga institusyong medikal |
Ihihinto na ang serbisyong ito. |
Mga Online medical center (Itinaguyod ng Prepektura ng Gobyerno) |
Ihihinto na ang serbisyong ito. |
🔹 Mga pagbabago sa mga tanggapan ng konsultasyon
Bagay | Pagkatapos ng Reclassification sa Class 5 (mula 5/8) |
Medikal na konsultasyon para sa mga may lagnat | Call Center Tel: 082-241-4566 (saltang Hapon) Hours: 24 oras |
Mga konsultasyon para sa mga nagpapagaling sa tahanan |
Consultation Center Para sa mga nagpapagaling sa Tahanan (konsulta sa kalusugan at pangkalahatang konsulta) Tel: 0570-000-510 (salitang Hapon) Hours: 24 oras |
Mga Sertipiko sa Tahanan/Panunuluyan | Para lamang sa mga taong na-diagnose na may COVID-19 sa o bago ang Mayo 7, 2023, ang serbisyong ito ay binalak na ipagpatuloy hanggang sa katapusan ng Hunyo 2023. Bintana ng impormasyon Tel: 0570-090-005 (salitang Hapon) Oras: 8:30 umaga – 5:15 hapon mula Lunes – Biyernes (Sarado ng Fiesta Opisyal) |
Para sa mga hindi sigurado na nararapat kayang tumawag ng ambulansya |
Hiroshima Regional Urban Area Emergency Consultation Center Tel: #7119 or 082-246-2000 (salitang Hapon) |
💠 Kung nahihirapan po kayo sa salitang hapon, tumawag po sa tanggapang ito na nasa ibaba.
Hiroshima City & Aki County International Resident Consultation Service
Tel: 082-241-5010 // Fax: 082-242-7452
Email: soudan@pcf.city.hiroshima.jp
Oras ng serbisyo: Mula Lunes-Biyernes mula 9 umaga-4 ng hapon
Sarado: Tuwing Sabado, Linggo at Fiesta Opisyal, Agosto 6, Disyembre 29 hanggang Enero 3
Mga Wika: Hapon , Ingles, Espanyol, Portugis, Biyetnamis at Pilipino,
※ Ang wikang Pilipino ay nagbibigay ng serbisyo Tuwing Biyernes at una at ika-atlong Huwebes.