公益財団法人 広島平和文化センター国際市民交流課

Baguhin ang laki ng font
language
  • ホーム
  • Ang City Hall ay sarado mula Disyembre 27 hanggang Enero 4

Ang City Hall ay sarado mula Disyembre 27 hanggang Enero 4

Ang City Hall ay sarado mula Disyembre 27 (Sabado) hanggang Enero 4 (Linggo), ngunit may ilang pampublikong serbisyo na mananatiling bukas o maaaring magamit sa panahon ng holidays.

1. Mga dokumento tungkol sa Household Registry (Koseki)

2Serbisyong medikal sa panahon ng holidays (12/27–1/4)

3. Emergency helpline para sa kalusugan ng bata

4. Pagkolekta ng basurang pangkabahayan at pagkolekta ng dumi mula sa poso negro

5. Pag-ayos ng sirang tubo ng tubig

1. Mga dokumento tungkol sa Household Registry (Koseki)

Mula Disyembre 27 hanggang Enero 4, kahit sarado ang Hiroshima City Hall, ang mga pagpaparehistro sa civil registry (tulad ng kasal, kapanganakan, o kamatayan) ay tinatanggap pa rin sa inyong lokal na ward office.

2. Serbisyong Medikal sa Bagong Taon (Disyembre 27 – Enero 4)

🔸 Pakiusap: Dahil kakaunti lamang ang mga medical center na bukas sa katapusan ng taon, maaaring maging abala o puno ang mga ito.

🔸 Makipag-ugnayan nang maaga sa inyong doktor kung may regular na check-up o pang-matagalang kondisyon. Iwasan ang pagpunta sa klinika para lamang humingi ng reseta sa panahong ito. Kung pakiramdam ninyo ay hindi maganda ang kalusugan, subukang magpatingin bago magsimula ang holiday break.

🔸 Iwasan din ang pagpunta sa mga medical center para kumuha lamang ng dokumento, sertipiko, o iba pang papeles.

🔸 Kapag bumibisita sa klinika, mag-ingat sa paradahan upang hindi makasagabal sa ibang tao o magdulot ng abala.

🔸 Kung hindi sigurado kung dapat bang tumawag ng ambulansya, kumonsulta sa Kyūkyū Sōdan Sentā  (Medical Services Consultation Center) at/o sa Kodomo no Kyūkyū Denwa Sōdan (Children’s Emergency Medical Helpline). 
* Tandaan: Ang mga serbisyong ito ay nasa wikang Hapon.

🔸Kapag pupunta sa ospital, hindi lamang ang pasyente kundi pati ang kasama nito ay kailangan magsuot ng mask.

🔸 Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga klinikang bukas sa Bagong Taon, bisitahin ang opisyal na website ng Lungsod ng Hiroshima o tumawag sa Kyūkyū Sōdan Sentā (Medical Services Consultation Center).

▣ Opisyal na Website ng Lungsod ng Hiroshima (wikang Hapon) 
   https://www.city.hiroshima.lg.jp/living/emergency/1003131.html

▣ Kyūkyū Sōdan Sentā  (Medical services consultation center) 
     Tel. #7119 or 082-246-2000
  * Tandaan: Ang mga serbisyong ito ay nasa wikang Hapon.
  * Bukas ang linya 24 oras bawat araw.
  * Makikita ang impormasyon ng kontak para sa Kodomo no Kyūkyū Denwa Sōdan sa ibaba.

Para sa katanungan: Opisina ng Kalusugan Tel. 082-504-2178

🚑 Ang impormasyon tungkol sa mga pangunahing ospital na bukas sa holidays ay makikita rin sa website ng Hiroshima Peace Culture Foundation, City Diversity & Inclusion Division.
https://h-ircd.jp/phi/guide/iryo-kenko-phi.html#four

3. Children’s emergency medical helpline (☎ #8000 or 082-555-8870)

Mga nurse ang magbibigay ng payo kung dapat bang dalhin ang bata sa doktor (sa wikang Hapon lamang).

Bukas ito ng: 365 araw at gabi:
 Lunes hanggang Biyernes ⇒ 7 pm- hanggang 8 am
 Sabado, Linggo, holidays, Disyembre 29 hanggang Enero 3 ⇒ 5 pm- hanggang 8 am

4. Pagkolekta ng Basura at Pagkolekta ng Dumi mula sa Poso Negro

Household waste

🔹Walang koleksyon mula Disyembre 31 (Miyerkules) hanggang Enero 4 (Linggo). Magsisimula muli ang pangongolekta ng basura sa Enero 5 (Lunes).

🔹Maaaring mag-iba ang schedule depende sa inyong lugar → tingnan ang Hiroshima City Garbage Disposal Guidelines  (Katei Gomi Shūshū Nittei Hyō, 家庭ごみ収集日程表).


Malalaking basura (Large waste)
Kung ang araw ng koleksyon ng malalaking basura sa inyong lugar ay Enero 5 (Lunes) o Enero 6 (Miyerkules), pakibigay-pansin ang deadline ng reservation sa ibaba. Para mag-reserve, kontakin ang Large Waste Information Center.

Petsa ng Koleksyon Deadline ng Pagpapareserba
(kung tatawag sa telepono)
Enero 5 (Lunes) Disyembre 24 (Miyerkules)
Enero 6 (Martes) Disyembre 25 (Huwebes)

Large Waste Information Center   Tel. 0570-082530 or 082-544-5300

Para sa Mga Katanungan: Operations Division 1 (Gyōmu Dai-ichi Ka)    Tel. 082-504-2220  


Pagkolekta ng Dumi mula sa Poso Negro

🔹Walang koleksyon ng dumi mula Disyembre 27 (Sabado) hanggang Enero 4 (Linggo).

🔹Kung may emergency, makipag-ugnayan sa Security Office ng Hiroshima City Hall.
  City Hall Security (Shiyakusho Keibi Shitsu)     Tel. 082-504-2423  
  * Paalala: Hapones lamang ang wikang gamit dito.

🔹Kung nakatira kayo sa Fukuda, Umaki, Nukushina, Kami-nukushina sa Higashi-ku o sa Aki-ku, makipag-ugnayan sa Aki Clean Center.
   Aki Clean Center (Aki Kurīn Sentā)  Tel. 082-886-3327 
  * Paalala: Hapones lamang ang wikang gamit dito.

Mga Katanungan: Operations Division 2 (Gyōmu Dai-ni Ka)    Tel. 082-504-2222  

5. Pag-aayos ng Sirang Tubo ng Tubig

Kung may tagas ng tubig sa loob ng iyong bahay o sa bakuran, mangyaring humingi ngtulong sa sa taong nag-aayos ng tubig na itinalaga ng Hiroshima City Waterworks Bureau. Para sa impormasyon tungkol sa mga taong nag-aayos ng tubig, maaari mong tingnan ang website ng Waterworks Bureau.
https://www.water.city.hiroshima.lg.jp/

Kung may tagas ng tubig sa kalsada o ibang pampublikong lugar, para sa pag-aayos o konstruksyon, mangyaring tumawag sa responsableng opisina sa ward kung saan ka nakatira. 

* Paalala: Hapones lamang ang wikang gamit dito.
* Kapag tatawag sa gabi o holiday, awtomatikong ililipat ang tawag sa Water Pipe Repair Center (Suidō Shūri Sentā).

Naka-ku & Minami-ku Tel. 082-221-7222

Higashi-ku & Aki-ku Tel. 082-223-6611

Nishi-ku & Saeki-ku Tel. 082-923-4122

Asaminami-ku & Asakita-ku Tel. 082-843-9220

                                         

Hiroshima City & Aki County Konsultasyon Servisyo Para sa Mga Dayuhan: Sarado mula Disyembre 27 hanggang Enero 4

Ang Hiroshima City & Aki County International Resident Consultation Services ay sarado mula Disyembre 27 (Sabado), 2025 hanggang Enero 4 (Linggo), 2026. Muling magbubukas sa Lunes, Enero 5, 2026.

🎍 Maligayang Bagong Taon sa lahat! 🎍

Hiroshima City & Aki County Konsultasyon Servisyo Para sa Mga Dayuhan

Disyembre 2025

Top