公益財団法人 広島平和文化センター国際市民交流課

Baguhin ang laki ng font
language
  • ホーム
  • Mula sa Lungsod ng Hiroshima: Pambiglaang tulong na pananalapi dahilan sa tumataas na  mga gastos pangkabuhayan

Mula sa Lungsod ng Hiroshima: Pambiglaang tulong na pananalapi dahilan sa tumataas na  mga gastos pangkabuhayan

Bilang isang pangkalahatang hakbang upang tumulong sa gastos ng pamumuhay, ang Lungsod ng Hiroshima ay magbibigay ng 30,000 yen bawat sambahayan para sa mga sambahayan na mababa ang kita (mga hindi kasama sa buwis sa mga residente, atbp.) na partikular na naapektuhan ng pagtaas ng pasanin sa pananalapi dahil sa pagtaas gastos sa kuryente, gas at pagkain, atbp.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa stipend, kabilang ang kung sino ang karapat-dapat na tumanggap nito at kung paano mag-apply, mangyaring bisitahin ang website ng Hiroshima City: https://www.city.hiroshima.lg.jp/site/english/308467.html

1. Halaga ng allowance

30,000 yen bawat sambahayan

2. Huling araw ng aplikasyon

Setyembre 29, 2023 (kailangang mamarkahan ng koreo sa petsang ito)

3. Pagiging karapat-dapat at kung paano mag-aplay

(1) Kung nasa ilalim ka ng alinmang kategorya ① o ②, mangyaring sundin ang mga tagubilin sa ibaba:

Mga Kategorya

Mga sambahayan kung saan lahat ng miyembro ay walang bayad sa buwis ng mga residente noong FY 2022 sa petsa ng sanggunian (Marso 31, 2023)

Mga sambahayan kung saan lahat ng miyembro ay walang bayad sa buwis ng mga residente noong FY 2023 sa petsa ng sanggunian (Hunyo 1, 2023)

Ang Buwis sa mga residente para sa FY 2023 ay isang buwis na binabayaran ng mga may rehistradong Japanese address noong Enero 1, 2023 at nakakuha ng
kita noong nakaraang taon

Paano po mag aplay:

Ang Lungsod ng Hiroshima ay nagpadala ng mga application form sa mga sambahayan na nasa ilalim ng alinman sa Kategorya ① o ② na binanggit sa itaas. Mangyaring punan ang kinakailangang impormasyon at ipadala ang mga ito pabalik sa Tanggapan ng Lungsod ng Hiroshima sa kalakip na sobre kasama ang mga sumusunod na dokumento:

Mga dokumento na dapat isabmit:

– Mga form ng aplikasyon na may nararapat na impormasyon

– Isang kopya ng ID, tulad ng lisensya sa pagmamaneho, My Number Card, Residence Card, pasaporte, atbp.

– Isang kopya ng bank account kung saan idedeposito ang stipend

🖐 Ang Lungsod ng Hiroshima ay nagpadala ng mga abiso sa mga nakatanggap ng emergency cash benefit para sa fiscal year 2022 (FY 2022; 50,000 yen bawat sambahayan). Idedeposito ng Lungsod ng Hiroshima ang stipend sa bank account kung saan mo natanggap ang stipend para sa FY 2022.

(2) Kung nasa ilalim ka ng alinmang kategorya ①, ② o ③, mangyaring sundin ang mga alituntunin na nasa ibaba:

Mga Kategorya

Mula nang lumipat ka sa Hiroshima City noong o pagkatapos ng Enero 2, 2022, hindi pa kinikilala ng Lungsod ng Hiroshima na ikaw ay liban sa FY 2022 na buwis sa mga residente.

Mula noong lumipat ka sa Hiroshima City noong o pagkatapos ng Enero 2, 2023, hindi pa kinikilala ng Lungsod ng Hiroshima na ikaw ay liban sa FY 2023 na buwis sa mga residente..

Mga sambahayan na ang kita ay bumaba sa pagitan ng Enero 2023 at Agosto 2023 dahil sa tumataas na halaga ng pamumuhay (mga gastos sa pagkain, atbp.) at ang kita ay nasa parehong antas o mas mababa kaysa sa mga kwalipikado para sa pagliban mula sa buwis ng mga residente.

※Kung kayo po ay nasa ilalim ng kategorya ③, nararapat po na ireport ninyo ang inyong kita.

Paano po mag aplay

Mangyaring i-print ang application form mula sa website ng Lungsod ng Hiroshima, punan ang kinakailangang impormasyon, at ipadala ito sa sumusunod na tanggapan:

Address: PO Box 100, Hiroshima Central Post Office, 730-8712

To: Processing Office for the Hiroshima City Emergency Cash Benefit to Help with Rising Living Costs

Mga dokumento na dapat isabmit

– Mga Application forms na may mga sapat na impormasyon.

– Isang kopya ng ID, tulad ng lisensya sa pagmamaneho, My Number Card, Residence Card, pasaporte, atbp.

– Isang kopya ng bank account kung saan idedeposito ang stipend

4. Mga sumusuportang sentro

Para sa higit na impormasyon tungkol sa aplikasyon, tumawag po lamang sa mga sumusunod na numero.
 Pambiglaang tulong na pananalapi dahilan sa tumataas na mga gastos pangkabuhayan

 Tel: 082-569-4504

 Oras ng Paglilingkod: 9 am-5:15 pm

 Sarado: Tuwing Sabado, Linggo,Fiesta Opisyal, Disyembre 29 hanggang Enero 3

 Mga handang Wika: Hapon Ingles, Intsik, Koreyano, Espanyol, Portugis, Biyetnamis.

Kung kayo po ay walang gaanong konpidensiya sa wikang Hapon, tumawag lang po sa opisina sa ibaba.
 Hiroshima City & Aki County International Resident Consultation Service

 Tel: 082-241-5010

 Oras at Araw ng Paglilingkod: Mula Lunes hanggang Biyernes alas 9 umaga hanggang alas 4 ng hapon

 Sarado: Tuwing Sabado, Linggo, Fiesta Opisyal, Disyembre 29 hanggang Enero 3

 Mga handang Wika: Hapon Ingles, Intsik, Koreyano, Espanyol, Portugis, Biyetnamis, Pilipino
          ※ Ang wikang Pilipino ay naglilingkod po tuwing Biyernes, at una at pangatlong Huwebes

Top