Ito ay mahalagang impormasyon para sa mga nagpapalaki ng mga sariling anak “Mangyaring mag-apply para sa Mga Espesyal na Benepisyo para sa Pag-aalaga ng Bata na Suporta sa Buhay ng Sambahayan” (para sa mga sambahayan na nag-iisang magulang).
Magbibigay ng benepisyo ang Siyudad ng Hiroshima ng 50,000 yen upang suportahan ang buhay ng mga sambahayan na dahil sa diborsiyado o pumanaw ang kabiyak, nagpapalaki ng mga bata na may edad na 18 pababa (o batang 19 ang edad na may kapansanan) na bumaba ang kita naapektuhan ng pagtaas ng mga presyo tulad ng mga gastos sa pagkain. Dapat isumite ang mga aplikasyon sa City Hall para makatanggap.
★ Ang mga nakakatugon sa alinman sa mga sumusunod na kondisyon ay hindi kailangang mag-aplay. Idedeposito ng Hiroshima City Hall ang pera sa inyong bank account na kung saan ipinadadala para sa Child Rearing Allowance.
● Mga mamamayan na nakatanggap ng Child Rearing Allowance para sa Marso 2023
● Mga mamamayan na nakatanggap ng Child Rearing Allowance simula ng Abril 2023
※ Ang allowance sa Pagpapalaki ng Bata: Ito po ay ipinagkakaloob sa mga nagpapalaki ng mga bata na may edad na 18 taon pababa (o dili kaya 19 na taong gulang na bata na mayroong kapansanan), dahil sa paghihiwalay ng mag asawa o yumaong asawa.
★ Para sa mga detalye sa mga benepisyo, tingnan ang website ng Hiroshima City Hall (wikang Hapon).
1. Pera na matatanggap
50,000 yen sa mga karapat dapat na bata
2. Mga taong kailangang mag-aplay para sa mga benepisyo
Ang mga indibidwal na asawa na mula noon ay nagdiborsyo, kasalukuyang sumasailalim sa diborsyo, o ngayon ay nakatira nang hiwalay sa kanilang kapareha. Ang mga nakakatugon sa isa sa mga sumusunod na pamantayan ay dapat magpadala ng kanilang aplikasyon sa City Hall upang matanggap ang stipend
① Mga indibidwal na hindi nakatanggap ng child rearing allowance (Jido fuyo teate) para sa Marso 2023, at tumatanggap ng isa sa mga sumusunod
● Basic Pension for the Bereaved (Izoku Nenkin), na babayaran sa mga pamilya ng namatay na naka-enroll sa isang national basic pension at/o pension insurance ng mga empleyado.
● Basic pension para sa May Kapansanan (Shogai Nenkin), na babayaran sa mga may partikular na antas ng pisikal o iba pang kapansanan.
● Basic Pension for the Elderly (Rorei Nenkin), na babayaran sa mga may edad 65 pataas.
● Kompensasyon ng Manggagawa para sa pinsala at mga Sakit (Rosai Nenkin), na babayaran sa mga nasugatan o nagkasakit dahil sa mga sanhi ng trabaho.
Pakitandaan na ang stipend na ito ay may limitasyon sa kita. Tanging ang mga may kita na mas mababa, sa halaga na magiging kwalipikado na makatanggap ng allowance sa pagpapalaki ng bata ang karapat-dapat na mag-aplay para sa stipend.
② Mga indibidwal na hindi tumatanggap ng allowance sa pagpapalaki ng bata (Jido fuyo teate) at naapektuhan ng pagtaas ng pasanin sa pananalapi dahil sa tumataas na gastos sa pagkain, atbp., at ang kita ay katumbas o mas mababa sa halaga na magiging kwalipikado sa kanila para sa exemption mula sa buwis ng mga residente.
🖐 Hindi posibleng makatanggap ng maraming bayad. Ang mga tatanggap o nakatanggap ng Espesyal na Stipend para sa Pagsuporta sa mga Sambahayan na may mga Anak (Maliban sa Single-Parent Households), na babayaran sa mga nagpapalaki ng mga batang wala pang 18 taong gulang (19 taong gulang kung may kapansanan), ay hindi karapat-dapat na tumanggap ng stipend.
3. Paraan para mag-apply sa mga benepisyo
Saan kukuha ng application form
Mangyaring i-download ang application form mula sa website ng Hiroshima City. Bilang kahalili, maaari kang makakuha ng isa sa Welfare Division ng iyong ward office.
Kung saan magsumite ng aplikasyon
Ipadala ang application form sa pamamagitan ng koreo o dalhin ito sa ward office ng ward kung saan nakatira ang aplikante.
▨ Pakipadala ang mga aplikasyon sa pamamagitan ng koreo sa mga sumusunod na opisina:
〒730-8586 広島市中区国泰寺1-6-34
広島市役所こども未来局こども・家庭支援課支援係
(1-6-34 Kokutaiji-machi, Naka-ku, Hiroshima-shi)
(Hiroshima Shiyakusho, Kodomo Mirai Kyoku, Kodomo Katei Shien Ka, Kodomo Katei Shien Kakari)
To: The City of Hiroshima, Kinabukasan ng bata, Suporta sa pamilya ng bata, Kawani ng Pagsuporta
Lugar: 1-6-34 Kokutaiji-machi, Naka-ku, Hiroshima City, 730-8586
▨ Dalhin ang aplikasyon sa Welfare Division ng ward office ng ward kung saan nakatira ang aplikante.
Naka-ku | 4-1-1 Ote-machi, Naka-ku |
Higashi-ku | 9-34 Higashi-kaniya-cho, Higashi-ku |
Minami-ku | 1-4-46 Minami-machi, Minami-ku |
Nishi-ku | 2-24-1 Fukushima-cho, Nishi-ku |
Asaminami-ku | 1-38-13 Nakasu, Asaminami-ku |
Asakita-ku | 3-19-22 Kabe, Asakita-ku |
Aki-ku | 3-2-16 Funakoshi-minami, Aki-ku |
Saeki-ku | 1-4-5 Kairoen, Saeki-ku |
Panahon kung kailan maaaring isumite ang mga aplikasyon
Isumite ang iyong aplikasyon bago ang Huwebes, Pebrero 29, 2024 ★ Kung nagpapadala sa pamamagitan ng koreo, ilagay ang aplikasyon sa isang mailbox sa petsang ito.
※Kung hindi makumpirma ng Hiroshima City Hall ang iyong aplikasyon sa petsang ito, halimbawa dahil hindi sapat ang mga dokumento, hindi mo matatanggap ang pera.
4. Lugar na maaari pong Kumunsulta
Para sa mga detalye tungkol sa aplikasyon, tulad ng mga kinakailangang dokumento, mangyaring tawagan kami.
Hiroshima City Hall Call Center para sa Benepisyo sa Suporta sa mga mayroong Mabababang Kita.
“Mga Espesyal na Benepisyo para sa Pag-aalaga ng Bata na Suporta sa Buhay ng Sambahayan”
(Wikang Hapon lamang po)
TEL: 0120-145-577 (Libre tawag)
FAX: 082-504-2727
Mga oras ng pagtanggap: 8:30 am hanggang 5:00 pm
Sarado: tuwing Sabado, Linggo, Fiesta opisyal, at Disyembre 29 hanggang Enero 3
Hiroshima City/Aki-gun Consultation Desk para sa mga Dayuhang Residente
TEL: 082-241-5010
Email:soudan@pcf.city.hiroshima.jp
Mga araw ng konsultasyon: Lunes hanggang Biyernes
Mga oras ng konsultasyon: 9:00 umaga hanggang 4:00 hapon
Sarado: Tuwing Sabado, Linggo, pambansang pista opisyal, ika-6 ng Agosto, ika-29 ng Disyembre hanggang ika-3 ng Enero
Mga wika: Espanyol, Intsik, Biyetnamis, Portugis, Ingles, Filipino ※Ang Filipino ay tuwing Biyernes at ika-1 at ika-3 Huwebes