公益財団法人 広島平和文化センター国際市民交流課

Baguhin ang laki ng font
language
  • ホーム
  • Paunawa mula sa Lungsod ng Hiroshima: Magiging malamig na malamig mula sa gabi ng Enero 24. Maaaring magyelo ang water pipes at metro ng tubig. Mag-ingat lamang dito.

Paunawa mula sa Lungsod ng Hiroshima: Magiging malamig na malamig mula sa gabi ng Enero 24. Maaaring magyelo ang water pipes at metro ng tubig. Mag-ingat lamang dito.

Magiging malamig na malamig sa Lungsod ng Hiroshima mula sa gabi ng Enero 24 (Martes).

Kapag naging mas mababa pa sa -4℃ ang temperatura sa labas (mula -1 hanggang -2℃ sa lugar kung saan malakas ang hangin), maaaring magyelo ang water pipes at metro ng tubig.

Kapag nagyelo ang water pipes at metro ng tubig, maaari itong pumutok o hindi dumaloy ang tubig. Mangyaring gawan ng paraan upang hindi magyelo, tulad ng pagbabalot ng tuwalya, pagtataklob ng karton, at iba pa, sa water pipes at metro ng tubig.

Kapag nagyelo ang water pipes at metro ng tubig, mangyaring gawin ang mga sumusunod na bagay:

(1) Takluban ng tuwalya o iba pa ang lugar na nagyelo.

(2) Mula sa itaas noon, dahan-dahang magbuhos ng mga 30 hanggang 40 degrees na maligamgam na tubig.

* Huwag magbuhos ng mainit na mainit na tubig. Maaaring masira ang water pipes at metro ng tubig.

Kapag pumutok ang water pipes at metro ng tubig, mangyaring gawin ang mga sumusunod na bagay:

(1)   Isara ang balbulang panghinto ng tubig (balbula para ihinto ang tubig). Malapit sa metro ng tubig ang balbulang panghinto ng tubig.

(2)   Kapag hindi kayang isara ang balbulang panghinto ng tubig, mangyaring balutan ng tuwalya o vinyl tape ang lugar na pumutok.

(3)   Kapag nais i-repair ang water pipes sa bahay, mangyaring tumawag sa kontratista ng pagtutuberong itinalaga ng Waterworks Bureau ng Lungsod ng Hiroshima (kumpanyang itinalaga ng Lungsod ng Hiroshima) (https://www.water.city.hiroshima.lg.jp/soshiki/12/392.html).

(4)   Kapag nais i-repair ang metro ng tubig, mangyaring tumawag sa Waterworks Bureau Management Office ng Lungsod ng Hiroshima (https://www.water.city.hiroshima.lg.jp/soshiki/11/16.html).

Top