COVID-19 Ang lugar ng Pagbabakuna at Paraan ng Pagkuha ng Appointment (Mula Hunyo 9 galing sa Hiroshima Home page.)
Ang pagbabakuna ng COVID-19, ay isinasagawa sa dalawang pamamaraan: pang sariling pagbabakuna ay nasa pamamahala ng institusyon ng mediko.Ang lugar para sa sabay sabay o grupohan ay inihahanda ng siyudad ng Hiroshima
Nararapat lamang kumuha ng maagang appointment upang matanggap ang Pagbabakuna.
Daloy ng Pagbabakuna
1 Darating ang kupon ng pagbabakuna
2 Para mabakunahan pumili ng pansarilihang mediko institusyon o dili kaya lugar na sabay sabay na pagbabakuna
A Pansariling bakuna
・ Kumuha ng appointment diretso sa mediko institusyon
・Kung kukuha po ng appointment sa pagbabakuna sa labas ng ward ninyo, isaliksik po ang COVID-19 pagbabakuna Navi at diretso kayo kumuha ng appointment
・Corona Vaccine Navi https://v-sys.mhlw.go.jp (Japanese)
B Sabay Sabay sa detalye ng Pagbabakuna Mga mamamayan nais tumanggap ng sabayan pagbabakuna
» Hiroshima City COVID-19 Vaccination Appointment Call Center Tel: 050-3644-7513
(Mula alas 9 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.Bukas din ng sabado at linggo)
» Online Appointment https://v-yoyaku.jp/341002-hiroshima (Japanese)
・Kinakailangan ang numero ng iyong kupon para makakuha ng appointment. Kayat nakikiusap na dalhin ang kupon kapag kukuha ng appointment.
・Makakatanggap ka ng dalawang beses na dose ng pagbabakuna.kayat humingi ka ng sabay na appointment, isa sa pang unang bakuna at sa para sa pangalawang pagbabakuna.
Kung ikaw ay kukuha ng appointment kinakailangan ang iyongkupon ng pagbabakuna.
Kapag malapit na ang oras ng iyong pagbabakuna ito ay ipadadala sa address ng tirahan mo mula sa listahan ng mga mamamayan. At para malaman mo kung kailan darating ang iyong kupon ng pagbabakuna tingnan mo ang Hiroshima City hall website
Japanese>https://www.city.hiroshima.lg.jp/site/korona/217641.html
English>https://www.city.hiroshima.lg.jp/site/english/226756.html
Kung Nawala mo po ang iyong kupon ng pagbabakuna,maaari kang mag apply ng panibagong kupon sa National government vaccination website COVID-19 Vaccine Navi
COVID-19 Vaccine Navi https://v-sys.mhlw.go.jp/application/reissue-coupon.html (Japanese)
♦ Mga Dapat dalhin sa lugar ng pagbabakuna
・Iyong kupon ng pagbabakuna※
・Ang papel ng pagtatanong bago bakunahan※
・Mga pagpapatunay sa iyo( health insurance card ,drivers license at iba)
※Ang kupon ng pagbabakuna at ang Questionaires ay ipadadala sa mga tahanan mula sa listahan ng mga mamamayan kapag malapit na ang oras ng pagbabakuna.
Ang mga tagapag alaga ay maaring samahan ang mga nangangailangan ng pag alalay sa lugar ng sabay sabay na pagbabakuna, mga assistance na aso, hearing dogs, service dogs, guide dogs ay maaari ring isama sa lugar ng bakunahan kung kinakailangan ng pag alalay.
Pang isahang Bakuna
Ang pang isahang bakuna ay isinasagawa sa Mediko institusyon tulad ng mga ospital at mga klinika.
1 Paraan ng Pagkuha ng Appointment
Tawagan ang mediko institusyon na nagbibigay ng bakuna para gawan ka ng appointment.
Tandaan: Kung kukuha ng appointment sa pamamagitan ng telepono, mangyaring tumawag lamang sa oras ng Appointment Hours. Na nakatala sa mga mediko institusyon.
2 Ang mga mediko Institusyon na nagbibigay ng Pang isahang Bakuna
Makakakuha ka ng impormasyon ng mediko institusyon sa mga ward na nagbibigay ng bakuna sa Hiroshima City hall website.
Tandaan: Maaaring merong mga mediko institusyon na nagbibigay ng bakuna na wala sa listahan. Maaari ring hindi kayo makakuha ng appointment sa mga mediko institusyon na nakalista depende sa sitwasyon. At para po sa inyong kaalaman maaari pong tumawag kayo ng diretso sa mediko institusyon.
Japanese>https://www.city.hiroshima.lg.jp/site/korona/217375.html
English>https://www.city.hiroshima.lg.jp/site/english/226756.html
Maaari pong malaman ang mga bagong impormasyon tungkol sa mga mediko institusyon na nagbibigay ng bakuna at appointment skedyul sa national government vaccination website COVID-19 Vaccine Navi
Corona Vaccine Navi https://v-sys.mhlw.go.jp/search/(Japanese)
Sabay sabay na Bakuna
An lugar ng sabay sabay na Pagbabakuna ay nasa pangangasiwa ng Hiroshima City sa mga pribadong komersiyal na lugar.。
Paalaala sa mga nakatanggap ng kanilang pagbabakuna at sabaysabay na lugar para sapagbabakuna.
・Tungkol sa pag bisita sa lugar ng Bakunahan
Para maiwasan ang hawahan ng 3Cs, dumating sa lugar na saan ka babakunahan ng 5minuto bago dumating ang oras ng iyong appointment.
Ang mga magpapabakuna na dumating ng maaga sa kanyang appointment ay pagsasabihan na mag hintay sa labas kayat maging maingat.
※Upang hindi masayang ang gamot sa bakuna, kinakansel ang mga bakuna at appointment sa mga taong hindi nakarating sa oras ng appointment na may 30 minuto nakaraan at hindi nag pakita. Kayat humihingi ng pang unawa sa ganitong sitwasyon.
・Pag iingat upang maiwasan ang Heatstrokes
Upang maiwasan ang heatstrokes sa oras ng pag punta sa lugar ng bakunahan,siguraduhing nasa malusog na pangangatawan at hindi kulang sa tubig.
1 Paraan sa pagkuha ng appointment ng sabay sabay sa lugar ng bakunahan.
Appointment Call Center:
Telepono:050-3644-7513
(Mula alas 9 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon, bukas din ng sabado at lingo at kahit holiday season.)
Online Appointment System: https://v-yoyaku.jp/341002-hiroshima
Recommended browsers: Chrome・Safari・Edge・FireFox
(Hindi po nakakakuha ng appointment sa Internet Explorer.)
Bintana para sa pag kuha ng appointment kumunsulta sa Hiroshima homepage
Japanese>https://www.city.hiroshima.lg.jp/site/korona/217375.html
English>https://www.city.hiroshima.lg.jp/site/english/226756.html
2 Lugar ng sabay sabay na Bakunahan
Para sa bagong impormasyon sa sabay sabay na pagbabakuna, ikonsulta sa Hiroshima homepage
※Palaala Nakikiusap na huwag tumawag ng diretso sa mga lugar ng bakunahan.
Japanese>https://www.city.hiroshima.lg.jp/site/korona/217375.html
English>https://www.city.hiroshima.lg.jp/site/english/226756.html
Pakikipag ugnayan tungkol sa COVID-19 Bakuna
Hiroshima Prefecture COVID-19 Vaccine Call Center
Telephone: 082-513-2847
Bukas: 24/7
Ministry of Health, Labor and Welfare COVID-19 Call Center
Telephone: 0120-761-770
Bukas: Mula alas 9 ng umaga hanggang alas 9 ng gabi.