Mula Marso 1, 2024, maaari nang humiling ng sertipiko ng family register kahit nakatira sa labas ng permanenteng address
Mula Marso 1, 2024 (Biyernes), maaari nang humiling ng sertipiko ng family register o sertipiko ng pagtanggal mula sa family register kahit sa mga tanggapan ng munisipalidad sa labas ng permanenteng address.
Kahit na ang indibidwal ay nakatira sa malayong lugar o nagtatrabaho sa lugar na naiiba sa kaniyang permanenteng address, maaari siyang humiling ng sertipiko ng family register o sertipiko ng pagtanggal mula sa family register sa mga tanggapan ng munisipalidad na pinakamalapit sa kaniyang tinitirhan o pinagtatrabahuhan. Gayundin, maaaring pagsamahin ang paghiling ng dalawa o higit pang mga family register sa iisang tanggapan lamang kahit na magkakaiba ang permanenteng address ng mga ito.
Mga dokumento ng sertipikong maaaring ma-isyu sa tanggapan ng munisipalidad sa labas ng permanenteng address
– Sertipiko ng kumpletong record ng family register
– Sertipiko ng kumpletong record ng pagtanggal mula sa family register (certified copy)
Mga sertipikong hindi maaaring ma-isyu sa tanggapan ng munisipalidad sa labas ng permanenteng addresss
– Certified copy ng family register o certified copy ng pagtanggal mula sa family register na hindi computerized
– Sertipiko ng partial record, sertipiko ng indibiwal na record, at iba pa
* Para sa mga sertipiko na hindi ma-isyu sa tanggapan ng munisipalidad sa labas ng permanenteng address, mangyaring humiling sa tanggapan ng munisipalidad ng iyong permanenteng address.
* Hindi maaaring humiling nito sa pamamagitan ng koreo o representative. Para sa mga kahilingan sa pamamagitan ng koreo o representative, mangyaring humiling sa munisipalidad ng iyong permanenteng address.
Taong maaaring humiling ng sertipiko sa tanggapan ng munisipalidad sa labas ng permanenteng address
Mismong indibidwal at mga direktang kamag-anak lamang tulad ng asawa, mga magulang, lolo at lola, anak, apo, at iba pa. Para sa mga detalye, mangyaring tingnan ang tsart sa ibaba.
Mga kailangang bagay para sa paghiling
Kailangan magpakita ng isang ID na may litrato na inisyu ng government office para sa pagkumpirma ng indibidwal.
– Individual Number Card
– Driver’s license
– Passport at iba pa
Tanggapan at oras na tumatanggap ng kahilingan
Tanggapan: Citizen’s Affiars Division, City Hall at Branch Office (maliban sa City Hall Service Corner at Liaison Office)
Oras ng pagtanggap: Lunes hanggang Biyernes (maliban sa national holidays) 8:30 am hanggang 5:15 pm
Mga mahalagang bagay na dapat tandaan
Kung dalawa o higit pa ang permanenteng address, kailangan ng mahabang oras hanggang sa ma-isyu ang mga sertipiko. Mangyaring maglaan ng sapat na oras sa paghiling.
Para sa mga katanungan
Citizen’s Affairs Division, City Hall at Branch Office
Ward | Tel | Ward | Tel |
Citizen’s Affairs Division, Naka Ward Office |
082-504-2551 | Citizen’s Affairs Division, Asakita Ward Office | 082-819-3907 |
Citizen’s Affairs Division, Higashi Ward Office |
082-568-7708 | Shiraki Branch Office | 082-828-1211 |
Nukushina Branch Office | 082-289-2000 | Koyo Branch Office | 082-842-1121 |
Citizen’s Affairs Division, Minami Ward Office |
082-250-8938 | Asa Branch Office | 082-835-1111 |
Ninoshima Branch Office | 082-259-2511 | Citizen’s Affairs Division, Aki Ward Office | 082-821-4908 |
Citizen’s Affairs Division, Nishi Ward Office |
082-532-0930 | Nakano Branch Office | 082-893-2121 |
Citizen’s Affairs Division, Asaminami Ward Office | 082-831-4928 | Ato Branch Office | 082-856-0211 |
Sato Branch Office | 082-877-1311 | Yano Branch Office | 082-888-1112 |
Gion Branch Office | 082-874-3311 | Citizen’s Affairs Division, Saeki Ward Office | 082-943-9709 |
Numata Branch Office | 082-848-1111 | Yuki Branch Office | 0829-83-0111 |