Mahalagang Paalaala: Pagsangguni tungkol sa mga Pasaporte sa Konsulado ng Pilipinas sa Osaka (Nobyembre 9 at Nobyembre 10, 2024)
Magkakaroon po ng Consular Appointment Serbisyo sa Hiroshima ang Konsulado ng Pilipinas sa Osaka. Mangyaring samantalahin ang pagkakataon po na ito. Kinakailangan rin po ng reserbasyon dito.
Para sa pagreserbasyon at karagdagang detalye, maaari po ninyong bisitahin ang website ng Konsulado ng Pilipinas sa Osaka sa link na ito: https://osakapcg.dfa.gov.ph/newsroom/advisories/632-consular-outreach-2024-schedule
Kaganapan tungkol sa Pagpapaayos ng Pasaporte sa Lungsod ng Hiroshima
Petsa at Oras:
Unang Araw – Nobyembre 9, 2024 (Sabado) mula 10:00 am hanggang 5:00 pm ng hapon
Ikalawang Araw – Nobyembre 10, 2024 (Linggo) mula 10:00 am hanggang 12 pm ng tanghali
Lugar:
Hiroshima City International House (1-1 Nishikōjin-machi, Minami Ward, Hiroshima City)
Pakikipag-Ugnayan :
Para sa mga katanungan tungkol sa Consular Appointment Service, mangyaring makipag-ugnayan sa Konsulado ng Pilipinas sa Osaka.
Konsulado ng Pilipinas sa Osaka
Address: 〒540-6124 Osaka Prefecture, Osaka City, Chūō-ku, Shiromi 2-1-61, Twin 21 MID Tower 24F
Tel. 06-6910-7881 / Fax 06-6910-8734
E-mail: queries.osakapcg@gmail.com
Oras ng Pagbubukas: 9:00 am – 5:00 pm
(Lunes hanggang Biyernes, hindi kasama ang mga Pista Opisyal ng Pilipinas at Hapon)
Website: https://osakapcg.dfa.gov.ph
2024.10.25
Tanggapan : Hiroshima City & Aki County Konsultasyon Serbisyo Para sa Mga Dayuhan