公益財団法人 広島平和文化センター国際市民交流課

Baguhin ang laki ng font
language
  • ホーム
  • Kung makaramdam na “Sipon kaya ito?”, mangyaring tumawag muna.

Kung makaramdam na “Sipon kaya ito?”, mangyaring tumawag muna.

Sa mga taong may sumusunod na sintomas sa (1) – (3), mangyaring tumawag kaagad sa palaging pinupuntahang ospital (regular ninyong doktor).

(1) Mahirap na mahirap ang paghinga (pag-inhale at pag-exhale ng hangin). Matamlay na matamlay ang katawan. May mataas na lagnat.

(2)  Maaaring lumala ang sakit ng mga sumusunod na tao. Kapag may sintomas na tulad ng sipon (lagnat, ubo, pagbahing, plema, masakit ang dibdib, mahirap ang paghinga at iba pa), mangyaring tumawag kaagad sa palaging pinupuntahang ospital (regular ninyong doktor).

– Elderly (taong matanda)

– Nagdadalantao (taong may baby sa tiyan)

– Taong may diabetes, sakit sa puso, sakit sa respiratory organ (sakit sa baga, lalamunan o iba pa); Taong nagpapa-dialysis

– Taong gumagamit ng gamot na pumipigil sa immunity o gamot laban sa kanser

(3)  Bukod sa mga tao sa (1) at (2), kapag patuloy ang sintomas na tulad ng sipon (lagnat, ubo, pagbahing, plema, masakit ang dibdib, mahirap ang paghinga at iba pa). (Kung magpatuloy nang 4 na araw o higit pa, mangyaring siguraduhing tumawag sa palaging pinupuntahang ospital (regular ninyong doktor). Ang tao ring patuloy na umiinom ng gamot na pampababa ng lagnat.)

Kapag nababahala, mangyaring siguraduhing magkonsulta sa telepono.

 

*   Kapag hindi alam kung saang ospital magkokonsulta, mangyaring tumawag sa Call Center (Active Guard Dial) 082-241-4566 (tumutugon nang 24 oras).

 

Sasabihin ng Call Center kung saang ospital kayo maaaring magpatingin.

Kapag hindi bagong coronavirus ngunit masama ang pakiramdam sa ordinaryong sakit, mangyaring pumunta sa ospital. Huwag itong tiisin. Mapapataas ng hindi pagpunta sa ospital ang peligro sa kalusugan.

Para sa taong nakakapagsalita at nakakaintindi ng narinig na wikang Hapon, mangyaring direktang magtanong sa sumusunod na tanggapang pangkonsultasyon.

 

“Call Center (Active Guard Dial)”

Telepono: 082-241-4566 (tumutugon nang 24 oras)

 

Tanggapang Pangkonsultasyon sa Telepono ng Ministry of Health, Labour and Welfare

Telepono: 0120-565653 (Free Dial [libre ang bayad sa pagtawag])

Oras ng Konsultasyon:  9:00 am – 9:00 pm araw-araw

 

Para sa taong hindi nakakapagsalita at nakakaintindi ng narinig na wikang Hapon at kailangan ng pagsasalin sa ibang wika, mangyaring magtanong sa tanggapang pangkonsultasyon sa ibaba.

 

[Serbisyo ng Konsultasyon sa Pamumuhay para sa mga Dayuhang Residente ng Lungsod ng Hiroshima]

Telepono: 082-241-5010  Fax: 082-242-7452

Email:soudan@pcf.city.hiroshima.jp

Oras ng Konsultasyon: Lunes – Biyernes 9:00 am – 4:00 pm (liban sa holiday at Agosto 6)

Wika ng Pagtugon: Chinese, Spanish, Portuguese, Vietnamese, English

 

[Tanggapan ng Pangkalahatang Konsultasyon sa Iba’t Ibang Wika para sa mga Dayuhan ng Hiroshima] Hiroshima International Center (Public Interest Incorporated Foundation)

Telepono: 0120-783-806 (Free Dial [libre ang bayad sa pagtawag])

Oras ng Konsultasyon:    Lunes – Biyernes 8:30 am – 7:00 pm (liban sa holiday) 

      Sabado 9:30 am – 6:00 pm * Sarado mula 12:00 pm – 1:00 pm.

Wika ng Pagtugon:    English, Chinese, Vietnamese, Korean, Tagalog, Portuguese, Indonesian, Thai, Spanish, Nepali

Top