Kahit sa mga festival, mangyaring mag-ingat sa bagong coronavirus
Kapag nagtipon ang maraming tao sa mga seasonal festival o party, tataas ang risk na mahawa sa bagong coronavirus. Para ligtas na ma-enjoy ang mga festival at iba pa, mangyaring mag-ingat sa mga sumusunod na bagay.
1 Mangyaring magsuot ng face mask, at magpanatili ng distansya mula sa ibang tao.
2 Mangyaring huwag pumunta hangga’t maaari sa mga lugar tulad ng mga sumusunod kung saan nagtitipon ang maraming tao.
– lugar na hindi gumagawa ng paraan upang hindi kumalat ang COVID-19
– lugar kung saan gumagamit ng malakas na boses
3 Mangyaring huwag gawin ang mga sumusunod sa labas ng bahay o sa kainan.
– pag-inom ng maraming alak
– pag-inom ng alak hanggang late sa gabi
– pagsali sa festival at iba pa pagkatapos uminom ng alak
4 Gawin natin ang bagong paraan ng pag-enjoy ng festival.
– Gugulin ang oras kasama ng pamilya sa sariling bahay
– Mag-enjoy ng festival sa bahay gamit ang internet