Impormasyon sa Bakuna Covid 19
1. Impormasyon tungkol sa Covid 19 Bakuna Booster (3rd bakuna)
(1) Sino ang karapatdapat tumanggap ng bakuna?
Mga mamamayan, na may gulang na 18 o pataas, nakarehistro ang adres sa loob ng siyudad ng Hiroshima at nabakunahan na ng una at pangalawang bakuna. Sa panlahatang alituntunin ang pagbabakuna ay isinasagawa sa nasabing siyudad na kung saan nakarehistro ang inyong adres. Subalit ang mga mamamayan na nakarehistro sa loob ng Prepektura ng Hiroshima ay maaaring mag pabakuna sa ibang lugar na nasa loob ng Prepektura ng Hiroshima, kung napunan ang mga tamang kinakailangan.
a) Para sa mga mamamayan na nakarehistro sa siyudad ng Hiroshima na nagnanais magpabakuna sa ibang siyudad o bayan na nasa loob ng Prepektura ng Hiroshima, nararapat na mag hintay ng anim na buwan pagkatapos ng inyong pangalawang bakuna at maging karapat dapat na tumanggap ng bakuna sa siyudad o bayan na ninanais ninyong magpabakuna. Ang pagsasagawa po nito ay iba iba sa bawat siyudad, mangyari po lamang na bisitahin ang homepage ng Prepektura para sa iba pang detalye.
b) Para sa mga mamamayan na nakarehistro sa labas ng Hiroshima, at ninanais na magpabakuna sa loob ng siyudad, maaari po silang makatanggap ng pagbabakuna kung naangkop po sila sa mga kinakailangan sa nasa ibaba. Ang listahan ng mga klinika ay nakasulat sa website ng siyudad Mayroon pong biglaang lugar na nagbibigay ng bakuna,subalit ang mga oras ay hindi po desidido.
Mga kondisyon:
• Mga mamamayan o mamamayan na nakarehistro ang adres sa Prepektura ng Hiroshima.
• Mayroong Anim na buwan nakalipas o higit pagkatapos ng pangalawang bakuna.
• Mamamayang karapat dapat tumanggap ng bakuna sa siyudad o bayan na kung saan nakarehistro.
• Mga napiling klinika sa siyudad ng Hiroshima na nagsisimulang tumanngap ng appointment para sa bakuna.
(2) Uri ng ginagamit na Bakuna
Para po sa 3rd booster ang Pfizer at Moderna ay parehong angkop. Maaari po kayong tumanggap ng alin sa dalawa kung ikukumpara sa inyong una at pangalawang bakuna.
(3) Impormasyon tungkol sa pagpapadala ng kupon sa Bakuna
a) Para sa mga mamamayan na nakatanggap ng Pangunahing bakuna( una at pangalawa bakuna)
Ang target ay para sa mga mamamayan na may gulang na 12, para sa sabay sabay na pagbabakuna. At para sa mga hindi pa nag lalabing dalawa, ang kupon ay ipadadala sa buwan, na sila ay mag lalabing dalawa.
b) Para sa mga mamamayan na nakatanggap na ng booster, ang kupon ay ipadadala pagkatapos ng anim na buwan.
Hulyo 2021 | Mula Enero 24th, 2022 |
Sa Pagitan ng Agosto 1st – 15th, 2021 | Mula Pebrero7th (darating ng Pebrero. 15th) |
Sa Pagitan ng Agosto 16th – 31st, 2021 | Mula Pebrero18th (darating ng Pebrero. 28th) |
Sa pagitan ng Setyembre 1st – 15th, 2021 | Mula Marso 4th (darating ng Marso 11th) |
Sa Pagitan ng Setyembre 16th- 30th, 2021 | Mula Marso 11th (darating ng Marso. 18th) |
(4) Impormasyon magagamit sa ibang wika
a) Mga dokumento ng mga Pagtatanong at iba pang papeles.
Mga dokumento ng mga Pagtatanong at iba pang papeles na ipadadala sa mga tahanan ay mayroong mga nakahandang ibat ibang wika tulad ng Ingles, Intsik, koreyano, Portugis, Espanyol, Thai at Biyetnamis.
Ang mga sumusunod na impormasyon ay kasama sa mga papeles:
• Paano magpareserba para sa bakuna (tel. ng call center at website)
• Ang link para sa website tungkol sa dokumento ng pagtatanong na nagpapakilala ng iba’t ibang wika.
• Impormasyon sa Serbisyo ng pag konsulta ng Mga Banyagang mamamayan ng Hiroshima City and Aki County
b) Pagpapa reserba
Mga mamamayan na gumamit ng mga numero na nasa ibaba ay maaaring mag pareserba sa mga sumusunod ng wika: Ingles, Intsik, Koreyano, Portugis, Espanyol, Thai at Biyetnamis.
Siyudad ng Hiroshima COVID-19 Bakuna Appointment Call Center
TEL: 050-3644-7513
(Bukas: mula Lunes hanggang biyernes/Sabado at Linggo/holidays ( mula alas 9:00 umaga hanggang 5:00 ng hapon.)
C) Mga lugar ng sabay sabay na Pagbabakuna
Mayroon pong mga kawani na nag sasalita ng wikang Ingles at tagasalin ng wika na makina( pocket Talk) nakahanda po ito sa lugar ng sabay sabay na pagbabakuna. At para po sa ibang wika,para sa dokumento ng Pagtatanong, ito po ay nakahanda sa pag check in. ninyo.
2. Bakuna sa Mga Bata (edad 5-11)
(1) Sino ang nararapat tumanggap ng Bakuna?
Mga batang mayroon edad 5 at 11, nakarehistro at namumuhay sa loob ng Siyudad ng Hiroshima
(2) Anong uri ng bakuna ang gagamitin
Ang Pfizer bakuna ay angkop sa mga bata (edad5-11)
(3) Ang skedyul sa pagpapadala ng Kupon
Ang kupon ay ipadadala sa mga bata sang ayon sa kaarawan.
Kaarawan ng mga bata | Panahon ng Pagpapadala | |
Sa pagitan ng Marso 7th, 2010 – Marso 2nd, 2017 | Mula Marso 1st, 2022 (Matatanggap sa Marso 4th) | |
Marso 2017 | 3rd – 15th | Mula sa katapusan ng Marso,2022 (Matatanggap ng Marso,31st) |
16th – 31st | Mula sa maagang Abril,2022 (Matatanggap ng Abril,15th) |
※ Ang mga ipinanganak pagkatapos ng Abril, 2017, sa pagitan ng 1st at 15th ng nabanggit na buwan, matanggap ang kupon sa katapusan ng nabanggit na buwan. At para sa mga bago ipinanganak o ipinanganak pagkatapos ng 16th ng nasabing buwan, matatanggap nila ang kupon sa 15th sa pagdating ng kanilang araw ng kaarawan.
3. Mga lugar ng sabay sabay na Pagbabakuna
Paki klik po dito ⇒ Mga Lugar ng Sabay sabay na pagbabakuna ng COVID-19 (PDF)