公益財団法人 広島平和文化センター国際市民交流課

Baguhin ang laki ng font
language
  • ホーム
  • Impormasyon kaugnay sa COVID-19 vaccine

Impormasyon kaugnay sa COVID-19 vaccine

1. Tungkol sa Pagbabakuna ng COVID-19 Vaccine

     Sa kasalukuyan, ang COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer ang naaprubahan sa Japan.

     May bisa ang vaccine na ito na mapigilan ang pag-develop ng COVID-19.

     Dalawang beses ang pagbabakuna ng vaccine.

     Gagawin ang ika-2 pagbabakuna sa parehong araw ng linggo 3 linggo pagkatapos ng unang pagbabakuna.

     Subalit maaaring magpabakuna mula 2 araw bago nito.

      Magpabakuna ng ika-2 beses sa lalong madaling panahon kung lumipas ang parehong araw ng linggo 3 linggo pagkatapos ng unang pagbabakuna.

2.  Mga Taong Sakop

     Sakop dito ang mga taong 16 taong gulang pataas na may residence record (juminhyō) sa lungsod ng Hiroshima.

     Subalit kung may hindi maiiwasang kadahilanan tulad ng pregnant or nursing mother na umuwi sa hometown para manganak, taong nakatira sa ibang lugar dahil sa trabaho at iba pa, bilang exception, maaaring tumanggap ng vaccine sa ibang local government.

     Maaaring kailangan ang antimanong pag-apply.

     Ibabalita sa website at iba pa ang paraan ng pag-apply sa oras na maitakda ito.

3.  Schedule ng Pagbabakuna

     Mula sa gitnang bahagi ng Abril, sisimulan ang pagbabakuna mula sa mga matatandang 65 taong gulang pataas, ayon sa dami ng vaccine na ma-supply ng national government. Tungkol naman sa mga taong 64 na taong gulang pababa, ibabalita sa oras na maitakda ang policy ng national government.

     Mga Taong Sakop       

1.  65 taong gulang pataas (taong ipinanganak bago ng Abril 1, 1957)

     Panahon ng pagpapadala ng coupon para sa pagbabakuna: mula sa huling bahagi ng Marso

     Panahon ng pagbabakuna: mula sa gitnang bahagi ng Abril

2.  Taong may underlying condition   Hindi pa naitatakda ang panahon

3.  Taong nagtatrabaho sa mga pasilidad para sa mga matatanda atbp.   Hindi pa naitatakda ang panahon

4.  Taong 60-64 na taong gulang (taong ipinanganak mula Abril 2, 1957 hanggang Abril 1, 1962)  Hindi pa naitatakda ang panahon

5.  Taong liban sa nakasulat sa itaas   Hindi pa naitatakda ang panahon

4.  Lugar para sa Pagbabakuna at Pagrereserba   Hindi pa naitatakda ang panahon

     Isasagawa ang “group vaccination” kung saan magtatalaga ng venue para sa pagbabakuna tulad ng health center sa bawat ward, ilang mga community center (kōminkan), private commercial facility at iba pa, at “individual vaccination” sa medikal na institusyon.

     Kailangan ang antimanong pagrereserba para sa pagbabakuna. Ibabalita ang tungkol sa kongkretong lugar para sa pagbabakuna at paraan ng pagrereserba sa oras na maitakda ito.

5.  Bayad sa Pagbabakuna

     Walang bayad ang pagbabakuna ng COVID-19 vaccine.

     <Mag-ingat>

     May mga kaduda-dudang tawag sa telepono kung saan nagpapanggap na tauhan ng tanggapang pampamahalaan o public health center at nanghihingi ng pera. Hinding-hindi magkakaroon ng pagbabayad sa pagbabakuna ng COVID-19 vaccine o sa pagrereserba para rito, kaya’t kung nakatanggap ng ganitong tawag sa telepono, mangyaring ibaba kaagad ang telepono, at mag-report sa pulis.

6.  Side Effects

     Naiulat ang mga sumusunod pagkatapos ng pagbabakuna ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer: banayad hanggang katamtamang pananakit (84.3%) / pamamaga (10.6%) sa bahaging tinurukan, pagkahapo (62.9%), sakit ng ulo (55.1%), pananakit ng muscles (37.9%), chills (32.4%), pananakit ng joints (23.7%), diarrhea (15.5%) at lagnat (14.8%) atbp.

     Naiulat din ang bihirang kaso* ng pagkakaroon ng acute allergic reaction na anaphylaxis.

     *Mga 5 kaso sa bawat 1 milyong beses na pagbabakuna ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer sa Amerika

     Sa Japan, upang tumugon sa anaphylaxis atbp., hihilingin na manatili nang mga 15-30 minuto pagkatapos ng pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa venue para sa pagbabakuna o medikal na institusyon, para kung saka-sakaling magkaroon ng anaphylaxis, kaagad na maisasagawa doon din mismo ang paggamot at iba pa.

–    Tungkol sa COVID-19 vaccine ng Pfizer (website ng Ministry of Health, Labour and Welfare) <external link>

–    Tungkol sa efficacy at safety ng COVID-19 vaccine (website ng Ministry of Health, Labour and Welfare) (may link sa impormasyon ng ibang bansa) <external link>

–    Package insert (website ng Pharmaceuticals and Medical Devices Agency (Incorporated Administrative Agency)) <external link>

7.  Consultation Office (Call Center)

     Para sa mga Katanungan kaugnay sa COVID-19 Vaccine

     Call Center para sa Pagbabakuna ng COVID-19 Vaccine ng Hiroshima Prefecture

     082-513-2847

     Tumutugon 24 oras araw-araw

     Call Center para sa COVID-19 Vaccine ng Ministry of Health, Labour and Welfare

     0120-761-770

     9:00 am – 9:00 pm araw-araw

Top