Hinihiling ang inyong kooperasyon para maiwasan ang novel coronavirus infection
Para maiwasan ang pagkalat ng novel coronavirus infection, isasagawa sa Hiroshima prefecture ang “Masinsinang Hakbang Laban sa Pagkalat ng Pagkahawa sa Novel Coronavirus” mula Disyembre 12, 2020 hanggang Enero 3, 2021.
Hinihiling ang kooperasyon ng bawat isa.
〇Kapag lalabas ng bahay, magsuot ng face mask.
Kapag mag-uusap, magsuot ng face mask.
Madalas na hugasan nang mabuti ang mga kamay.
〇Hangga’t maaari huwag pumunta sa pook na mataas ang peligro na mahawa. Halimbawa, Tokyo, Osaka,
Hokkaido at iba pa.
lugar kung saan maraming tao ang nagkasakit sa novel coronavirus
https://live-in-hiroshima.jp/kinkyu/540/
〇Sa katapusan at simula ng taon, hangga’t maaari huwag pumunta sa labas ng Hiroshima City mula sa
Hiroshima City, at sa
Hiroshima City mula sa ibang city o town sa loob ng prefecture.
〇Kapag masama ang pakiramdam, huwag pumasok sa trabaho at magkonsulta sa ospital.
Hangga’t maaari, gawin ang trabaho sa bahay.
[Hinihiling ang 4 na bagay sa mga nakatira sa Hiroshima City.]
1. Bawasan ang kadalasan ng paglalabas-labas.
2. Kapag kailangang lumabas tulad ng pamimili at iba pa, siguraduhing magsuot ng face mask. Iwasan hangga’t maaari ang contact sa ibang tao.
3. Sa pagkain sa restaurant atbp., hangga’t maaari ang magkasamang nakatirang pamilya lang ang kasama.
4. Kapag kakain sa restaurant atbp., piliin ang restaurant atbp. na nagsasagawa ng hakbang laban sa pagkahawa,
“Hiroshima Active Guard Shop” (Hiroshima Sekkyoku Ga-do ten)
“Shop na Nagpahayag ng Pagsisikap sa mga Hakbang laban sa COVID-19” (Shingata Corona Wirusu Kansensho Taisaku Torikumi Sengen ten)