公益財団法人 広島平和文化センター国際市民交流課

Baguhin ang laki ng font
language
  • ホーム
  • Covid-19: Mga Pagbabago sa Patakaran sa Mask (Simula 3/13/2023)

Covid-19: Mga Pagbabago sa Patakaran sa Mask (Simula 3/13/2023)

Simula Marso 13, 2023, ang pagsusuot ng maskara ay nakasalalay sa desisyon ng bawa’t isa. Hinihiling po namin ang inyong pagbibigay galang sa mga bawa’t isa sa pagpili upang matiyak na walang sinuman ang napipilitang magsuot o hindi magsuot ng maskara na labag sa kanilang sariling kagustuhan.

Gayunpaman, ang pagsusuot ng maskara ay ipinakikiusap sa mga sumusunod na sitwasyon upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon sa iba.

Kailan nararapat ang pagsusuot ng maskara?

🔹 Upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon sa mga nakapaligid sa iyoAng pagsusuot ng maskara ay hinihiling sa mga sumusunod na sitwasyon:

● Kapag bumibisita sa isang institusyong medikal para sa pangangalagang medikal.

● Kapag bumibisita sa mga institusyong medikal o pasilidad ng pangangalaga sa mga matatanda na kung saan maraming tao na may mataas na panganib na magkaroon ng malubhang COVID-19 (tulad ng mga matatanda, atbp.) namumuhay o dili kaya nasa ospital.

● Kapag sumasakay sa mga masikip na tren o bus, tulad ng oras ng rush hour.

🔹 Upang maprotektahan ang iyong sarili mula sa impeksyon
Ang pagsusuot ng maskara ay epektibo sa pag-iwas sa impeksyon sa mga sumusunod na sitwasyon

● Kapag ang mga nasa mataas na panganib na magkaroon ng malubhang COVID-19, tulad ng mga matatanda, mga may pinagbabatayan na kondisyon, mga buntis na kababaihan, atbp., ay pumunta sa mga mataong lugar kapag tumataas ang bilang ng impeksyon.

Mga hakbang sa maskara sa mga institusyong medikal, pasilidad ng pangangalaga sa matatanda, at mga katulad nito

Inirerekomenda na ang mga nagtatrabaho sa mga institusyong medikal o pasilidad ng pangangalaga sa matatanda (kung saan nakatira/naoospital ang maraming tao na may mataas na panganib na magkaroon ng malubhang COVID-19) ay magsuot ng maskara kapag nagtatrabaho.

Tandaan: Bagama’t ang pagpili na magsuot ng maskara ay nasa bawa’t isa, ang mga user o kawani ay maaaring hilingin na magsuot ng mga maskara para sa mga kadahilanan tulad ng patakaran sa pag-iwas sa impeksyon ng negosyo o iba pang mga dahilan sa pagpapatakbo. 

Mga Pagtatanong: Seksyon ng Pag-promote ng Kalusugan ng Hiroshima City Hall Numero ng telepono 082-504-2622

🙂 Kung mayroon kang anumang mga pangamba, tulad ng kakulangan na magsalita ng wikang Hapon, mangyaring makipag-ugnayan sa opisina sa ibaba.

Hiroshima City at Aki County International Resident Consultation Service
Telepono: 082-241-5010
E-mail: soudan@pcf.city,hiroshima.jp
Mga araw na maaaring magpakunsulta: Lunes hanggang Biyernes mula alas 9:00 umaga hanggang 4:00 hapon
※Sarado tuwing Sabado, Linggo, Pambansang Holiday ng Japan, Agosto 6, at Pista ng Bagong Taon (Disyembre 29 hanggang Enero 3).
Mga wika: Ingles, Intsik, Espanyol, Portuges, Vietnamese, at Filipino
※Ang mga konsultasyon sa Filipino ay sa Biyernes lamang, ngunit may mga pagkakataong maaari kang magpakunsulta sa ibang araw.

Top