公益財団法人 広島平和文化センター国際交流・協力課

  • ホーム
  • Kahit sa mga festival, mangyaring mag-ingat sa bagong coronavirus

Kahit sa mga festival, mangyaring mag-ingat sa bagong coronavirus

Kapag nagtipon ang maraming tao sa mga seasonal festival o party, tataas ang risk na mahawa sa bagong coronavirus. Para ligtas na ma-enjoy ang mga festival at iba pa, mangyaring mag-ingat sa mga sumusunod na bagay.

1   Mangyaring magsuot ng face mask, at magpanatili ng distansya mula sa ibang tao.

2   Mangyaring huwag pumunta hangga’t maaari sa mga lugar tulad ng mga sumusunod kung saan nagtitipon ang maraming tao.

     – lugar na hindi gumagawa ng paraan upang hindi kumalat ang COVID-19

     – lugar kung saan gumagamit ng malakas na boses

3   Mangyaring huwag gawin ang mga sumusunod sa labas ng bahay o sa kainan.

     – pag-inom ng maraming alak

     – pag-inom ng alak hanggang late sa gabi

     – pagsali sa festival at iba pa pagkatapos uminom ng alak

4   Gawin natin ang bagong paraan ng pag-enjoy ng festival.

     – Gugulin ang oras kasama ng pamilya sa sariling bahay

     – Mag-enjoy ng festival sa bahay gamit ang internet