Balita sa Muling Pagbubukas ng Serbisyo ng Konsultasyon sa Tanggapan ng Konsultasyon sa Pamumuhay para sa mga Dayuhang Residente
Upang maiwasan ang pagkalat ng pagkahawa sa COVID-19, ihininto ang serbisyo ng konsultasyon sa tanggapan mula noong Abril 17 (Biyernes), ngunit muli itong magbubukas tulad ng sumusunod.
Lugar: Tanggapan ng Konsultasyon sa Pamumuhay para sa mga Dayuhang Residente sa loob ng International Exchange Lounge, 1F International Conference Center Hiroshima
Petsa: mula Mayo 22 (Biyernes), 2020 (Reiwa 2)
Oras: 9:00 am – 4:00 pm
[Mahalagang Pakiusap]
Bilang preventive measures sa COVID-19, hinihiling ang inyong kooperasyon sa mga sumusunod.
〇 Kung may sintomas tulad ng lagnat, ubo, sakit ng lalamunan at iba pa, kahit banayad lamang, mangyaring iwasan muna ang pagpunta rito.
〇 Kapag papasok/aalis sa tanggapan, hinihiling na siguraduhing i-disinfect ang mga daliri ng kamay.
〇 Hinihiling na magsuot ng mask.