COVID-19: Impormasyon tungkol sa Omicron-angkop na mga bakuna
Mga Karapat dapat
Ang lahat ng mga taong 12 pataas na nakakumpleto ng kanilang una at pangalawang dosis ng bakuna sa Covid-19 at may rekord ng residente sa Hiroshima City ay karapat-dapat na makatanggap ng isang Micron-angkop na bakuna.
Kung higit sa 3 buwan na ang nakalipas mula noong huli kang tumanggap ng bakuna (ang orihinal na bakuna, hindi ang inangkop para sa variant ng micron), maaari kang tumanggap ng bakunang naaangkop sa Omicron.
Kailan ko po matatanggap ang aking kupon sa bakuna?
Ang mga kupon sa pagbabakuna para sa orihinal na bakuna na natanggap mo na ay maaari din pong gamitin para sa Micron-angkop na bakuna. Dahil dito, para sa mga nakatanggap na ng mga kupon ng pagbabakuna para sa kanilang ikatlo o ikaapat na dosis, ngunit hindi pa natatanggap ang kanilang pagbabakuna, mangyaring gamitin ang mga kupon na ito para sa iyong Micron-angkop na bakuna.
Para sa mga susunod na petsa: ang mga 12 taong gulang pataas na nakakumpleto ng parehong dosis ng orihinal na bakuna ay padadalhan ng mga kupon ng pagbabakuna pagkatapos ng humigit-kumulang 3 buwan mula noong huli nilang orihinal na pagbabakuna.
Ang iyong pagbabakuna ay darating sa isang mapusyaw na kulay rosas na sobre
Para sa mga lumipat sa Hiroshima City pagkatapos matanggap ang kanilang mga naunang pagbabakuna sa ibang munisipalidad ay dapat mag-aplay para sa kanilang mga kupon sa pagbabakuna. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan dito (wika: Hapon)
Saan mo matatanggap ang bakuna?
🔶 Mga pansariling Pagbabakuna
Ang mga pagbabakuna ay ginaganap sa mga medikal na pasilidad, tulad ng iyong palagiang pinupuntahang opisina ng doctor.
✫ Pakitingnan po itong mga listahan ng medikal pasilidad na nagsasagawa ng pagbabakuna (PDF: Hapon)
✫ Mangyaring makipag-ugnayan nang direkta sa pasilidad na medikal upang gumawa ng appointment.
Kung kukuha po kayo ng appointment sa pamamagitan ng telepono, mangyaring tiyaking tumawag po sa loob ng mga itinalagang oras.
🔶 Mga Lugar sa Sabay Sabay na Pagbabakuna
✫ Pakitingnan po itong mga listahan ng medikal pasilidad na nagsasagawa ng pagbabakuna (wika: Hapon)
✫ Pakitingnan dito para sa impormasyon sa pagkuha ng appointment Online (wika: Ingles)
Paalaala po na kung wala po kayong rekord ng residente sa Siyudad ng Hiroshima, hindi po kayo maaaring mabakunahan sa mga lugar ng sabay sabay na pagbabakuna na pinamamahalaan ng Siyudad ng Hiroshima.
Mga kailangan tungkol sa COVID-19 Bakuna
Magsaliksik sa HP ng Siyudad ng Hiroshima
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga bakuna kabilang ang kung sino ang karapat-dapat, kung saan matatanggap ang bakuna , kapag natanggap mo ang kupon ng bakuna at iba pa, mangyaring sumangguni sa website ng lungsod. (wika: ingles)
Hiroshima Prefecture COVID-19 Vaccine Call Center
(Hiroshima Ken Shingata Korona-uirusu Wakuchin Sesshu Koru Sentār)
Tel: 513-2847 Lines open 24/7
Mga Nakahandang Wika: Ingles ,Intsik, Koreyano, Potugis, Tagalog, at Biyetnamis