Schedule ng Pagbabakuna ng COVID-19 Vaccine
Ang sumusunod ang schedule ng pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa Lungsod ng Hiroshima. [as of July 5, mula sa website ng Lungsod ng Hiroshima]
Antas ng Prayoridad | Mga Taong Sakop | Panahon ng Pagpapadala ng Coupon para sa Pagpapabakuna | Araw ng Pagsisimula ng Pagtanggap ng Appointment | |
1 | Mga taong 65 anyos pataas (ipinanganak bago ngAbril 1, 1957) | Naipadala na | Kasalukuyang tumatanggap ng appointment | |
2 |
Mga taong 12 anyos (*1) hanggang 64 anyos |
Mga taong sakop sa prayoridad na pagbabakuna | Naipadala na[Nakatakdang makarating nang hindi lalampas sa Hulyo 14 (Miyerkules)]* Kahit sa parehong sambahayan, maaaring magkaiba ang araw ng pag-deliver. | Sa oras na dumating ang coupon [Hanggang Hulyo 30 (Biyernes) ang panahon ng prayoridad na appointment] |
3 | Mga taong hindi kasama sa nakasulat sa itaas | O agendamento pode ser feito a partir de 31/07 (sábado) (Nota 2) |
*1: Sa pagpapadala ng coupon para sa pagbabakuna sa panahong ito, sakop ang mga taong naging 12 anyos hanggang Hulyo 1. Ipapadala naman ang coupon para sa pagbabakuna sa mga taong magiging 12 anyos pagkatapos ng Hulyo 1 mula sa buwang kasunod ng buwan kung kailan sila naging 12 anyos.
*2: Batay sa kasalukuyang kalagayan ng appointment ng mga taong sakop sa prayoridad na pagbabakuna, may posibilidad na palawakin ang saklaw ng mga taong sakop sa prayoridad na pagbabakuna sa ibaba o paagahin ang schedule ng pagtanggap ng appointment.
Materyales tungkol sa Schedule ng Pagbabakuna (Ingles)
https://www.city.hiroshima.lg.jp/uploaded/attachment/151440.pdf
Mga Taong Sakop sa Prayoridad na Pagbabakuna
Ang mga sumusunod ang mga taong 12 anyos hanggang 64 anyos na sakop sa prayoridad na pagbabakuna.
Ayon sa schedule na nakasulat sa itaas, maaaring kumuha ng appointment ang mga taong sakop sa prayoridad na pagbabakuna sa panahon mula sa araw ng pagdating ng coupon para sa pagbabakuna hanggang Hulyo 30 (Biyernes).
Isasagawa ang pagkumpirma kung sumasailalim sa mga taong sakop sa prayoridad na pagbabakuna sa oras ng pagkuha ng appointment sa pagbabakuna. Hindi kailangan ang pagsumite ng sertipiko.
Kategorya | Sakop | Paliwanag |
Mga itinakda ng pambansang pamahalaan bilang taong sakop sa prayoridad na pagbabakuna | Mga taong may underlying conditions | Materyales na nakatala sa website ng Ministry of Health, Labour and Welfare (wikang Hapon) https://www.city.hiroshima.lg.jp/uploaded/attachment/151359.pdf |
Mga taong nagtatrabaho sa pasilidad para sa elderly at pasilidad para sa mga may kapansanan atbp. | Materyales na nakatala sa website ng Ministry of Health, Labour and Welfare (wikang Hapon) https://www.city.hiroshima.lg.jp/uploaded/attachment/151360.pdf |
|
Sariling takda ng lungsod na taong sakop sa prayoridad na pagbabakuna | Mga taong nakatira at mga taong nagtatrabaho sa welfare facility (liban sa pasilidad para sa elderly at pasilidad para sa mga may kapansanan atbp.) | Mga taong nakatira at mga taong nagtatrabaho sa daycares, certified childcare centers, children’s homes, infant homes, home ng tulong para sa kasarinlan, pasilidad ng suporta sa pamumuhay ng ina at anak, children’s counseling offices, children’s special needs centers, after-school children’s club at iba pang pasilidad na katulad ng mga ito |
Mga taong nagtatrabaho sa serbisyo ng nursing care atbp. | Mga taong nagtatrabaho sa establisimyento ng serbisyo ng nursing care, establisimyento ng serbisyo ng welfare para sa mga taong may kapansanan, establisimyento ng suporta sa pagpunta sa pasilidad para sa mga batang may kapansanan, establisimyento ng konsultasyon at suporta, establisimyento ng suporta sa pamumuhay sa pamayanan at iba pang pasilidad na katulad ng mga ito | |
Mga taong may kapansanan | Mga taong pinagkalooban ng libreto ng taong may pisikal na kapansanan, libreto ng rehabilitasyon (ryōiku techō), libreto para sa kalusugan at welfare ng taong may mental na kapansanan | |
Faculty at tauhan ng mga paaralan atbp. | Mga taong nagtatrabaho sa kindergarten, elementary school, junior high school, senior high school, secondary school, special needs school, university, technical college, vocational school at iba pang pasilidad na katulad ng mga ito | |
Mga taong nagtatrabaho sa mga kainang naghahandog ng alkohol sa sentro ng lungsod | Mga taong nagtatrabaho sa mga pasilidad na naghahandog ng alkohol (Kasama ang mga izakaya, bar, karaoke box atbp., hindi kasama ang serbisyo ng delivery at takeout.), sa mga tindahang mayroong business permit ng kainan ayon sa Food Sanitation Act, na nasa sumusunod na area sa Naka-ku sa Lungsod ng Hiroshima – Ebisu-chō 1-5 – Horikawa-chō 1-4 – Mikawa-chō 1, 8, 9 – Shintenchi 1, 6, 7 – lahat ng area ng Nagarekawa-chō, Yagenbori, Kanayama-chō, Yayoi-chō, Tanaka-machi, at Nishi-hiratsuka-chō |
Consultation Hotline (Call Center)
Para sa mga katanungan kaugnay sa COVID-19 vaccine
Call Center para sa Pagbabakuna ng COVID-19 Vaccine ng Hiroshima Prefecture
082-513-2847
Tumutugon 24 oras araw-araw
Call Center para sa COVID-19 Vaccine ng Ministry of Health, Labour and Welfare
00120-761-770
9:00 am – 9:00 pm araw-araw