公益財団法人 広島平和文化センター国際市民交流課

Baguhin ang laki ng font
language
  • ホーム
  • Impormasyon kaugnay sa COVID-19 vaccine

Impormasyon kaugnay sa COVID-19 vaccine

Sa lungsod ng Hiroshima, inihahandog ang impormasyon kaugnay sa bisa at kalagayan ng mga kaso ng pagkakaroon ng mga side effect ng bakuna na ipinapahatid mula sa national government, at isinusulong ang paghahanda upang hindi makaramdam ng balisa tungkol sa pagbabakuna at panatag ang loob na makapagpabakuna ang karamihan ng mga residente.

Pangunahing Impormasyon sa COVID-19 vaccine (as of June 29 mula sa website ng Lungsod ng Hiroshima)

 Tungkol sa Pagbabakuna ng COVID-19 Vaccine

Upang matamo ang bisa, kailangan ang 2 beses na pagbabakuna.

Mula sa unang pagbabakuna, pagkatapos ng 3 linggo isasagawa ang pangalawang beses na pagbabakuna (Subalit maaaring magpabakuna mula 2 araw bago nito.).

Kung lumampas ng 3 linggo mula sa unang pagbabakuna, magpabakuna ng pangalawang beses sa lalong madaling panahon.

Mga Taong Sakop

Sakop ang mga taong 12 taong gulang pataas na mayroong sertipiko bilang residente (jūminhyō) sa lungsod ng Hiroshima.

Sa patakaran, magpapabakuna sa lokal na pamahalaan kung nasaan ang sertipiko bilang residente, ngunit kung may hindi maiiwasang kadahilanan tulad ng pregnant o nursing mother na umuwi sa hometown para manganak, taong nakatira sa ibang lugar dahil sa trabaho at iba pa, maaaring tumanggap ng vaccine sa ibang lokal na pamahalaan bilang exception.

Sa patakaran, kailangang magsagawa ng antimanong pagbibigay-alam sa lokal na pamahalaang magsasagawa ng pagbabakuna.

Bayad sa Pagbabakuna

Libre ang bayad sa pagbabakuna ng COVID-19 vaccine.

<Mag-ingat>
May mga kaduda-dudang tawag sa telepono kung saan nagpapanggap na tauhan ng tanggapang pampamahalaan o public health center at nanghihingi ng pera. Hinding-hindi magkakaroon ng pagbabayad sa pagbabakuna ng COVID-19 vaccine o sa pagrereserba para rito, kaya’t kung nagkaroon ng ganitong tawag sa telepono, mangyaring ibaba kaagad ang telepono, at mag-report sa pulis.

 Mga Side Effect

Naiulat ang mga sumusunod pagkatapos ng pagbabakuna ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer Inc.: banayad hanggang katamtamang pananakit (84.3%) / pamamaga (10.6%) sa bahaging tinurukan, pagkahapo (62.9%), sakit ng ulo (55.1%), pananakit ng muscles (37.9%), chills (32.4%), pananakit ng joints (23.7%), diarrhea (15.5%), lagnat (14.8%) atbp.

 

Naiulat din ang bihirang kaso* ng pagkakaroon ng acute allergic reaction na anaphylaxis.

*Mga 5 kaso sa bawat 1 milyong beses na pagbabakuna ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer Inc. sa Amerika

Sa Japan, upang tumugon sa anaphylaxis atbp., hihilingin na manatili nang mga 15-30 minuto pagkatapos ng pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa venue para sa pagbabakuna o medikal na institusyon, para kung saka-sakaling magkaroon ng anaphylaxis, kaagad na maisasagawa doon din mismo ang paggamot at iba pa.

Interim Report ng Pagsisiyasat ukol sa Kalusugan ng mga Taong Naunang Mabakunahan

Inuulat ang dalas atbp. ng sintomas na lumitaw pagkatapos ng pagbabakuna sa <External link>
https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/vaccine_kenkoujoukyoutyousa.html

Ang sumusunod ang mga finding na napag-alaman sa pagsisiyasat na ito.

  • Inuulat na mas madalas pagkatapos ng pangalawang beses na pagbabakuna kaysa sa pagkatapos ng unang beses na pagbabakuna ang mga sintomas ng lagnat, sakit ng ulo at fatigue na lumitaw pagkatapos ng pagbabakuna ng COVID-19 vaccine.
  • Madalas na nangyayari ang lagnat pagkatapos ng pagbabakuna ng COVID-19 vaccine nang hindi lumalampas sa sumunod na araw pagkatapos ng pagbabakuna, at bumababa ang lagnat sa loob ng 2 araw sa karamihan.
  • Halos hindi nauulat bilang sintomas pagkatapos ng pagbabakuna ng COVID-19 vaccine ang ubo, kapos sa paghinga o iba pang sintomas ng respiratory system, at diperensya sa panlasa o pang-amoy na inuulat bilang mga sintomas ng COVID-19.

Pinapatawan naman ng obligasyon ang mga doktor na mag-ulat sa Minister of Health, Labour and Welfare kapag nalamang nagpapakita ng sintomas na itinakda ng Minister of Health, Labour and Welfare ang taong binakunahan ng COVID-19 vaccine.

(Website ng lungsod na ito: Tungkol sa Pag-uulat ng Hinihinalang Side Effect dulot ng Regular na Pagbabakuna atbp.  
https://www.city.hiroshima.lg.jp/soshiki/72/2963.html)

>> Tungkol sa Pag-uulat ng Hinihinalang Side Effect ng COVID-19 Vaccine (Website ng Ministry of Health, Labour and Welfare) <External link>
https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/vaccine_hukuhannou-utagai-houkoku.html

>> Tungkol sa COVID-19 Vaccine na Gawa ng Pfizer Inc. (Website ng Ministry of Health, Labour and Welfare) <External link>
https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/vaccine_pfizer.html

>>Tungkol sa Pagka-epektibo at Pagkaligtas ng COVID-19 Vaccine ((Website ng Ministry of Health, Labour and Welfare) (May link sa impormasyon ng ibang bansa) <External link> (Ingles lamang)
https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/vaccine_yuukousei_anzensei.html

5 Sistema ng Tulong para sa Pinsala sa Kalusugan batay sa Immunization Act

Sistema ito kung saan makakatanggap ng tulong para sa medikal na gastusin, disability pension atbp. tungkol sa medikal na gastusin atbp. dahil sa pinsala sa kalusugang kaakibat ng bakuna, kapag pinagtibayan ng pambansang pamahalaan.

Mangyaring tumingin dito para sa mga detalye ng sistema.

>> Sistema ng Tulong para sa Pinsala sa Kalusugan kaugnay sa Pagbabakuna ng COVID-19 Vaccine
https://www.city.hiroshima.lg.jp/site/korona/221491.html

6 Consultation Hotline (Call Center)

Para sa mga katanungan kaugnay sa COVID-19 vaccine
Call Center para sa Pagbabakuna ng COVID-19 Vaccine ng Hiroshima Prefecture
082-513-2847 
Tumutugon 24 oras araw-araw

Call Center para sa COVID-19 Vaccine ng Ministry of Health, Labour and Welfare
0120-761-770
9:00 am – 9:00 pm araw-araw

 Mga Tanong at Sagot

Mangyaring tumingin dito para sa mga katanungan tungkol sa COVID-19 vaccine.

>> Mga Tanong at Sagot tungkol sa COVID-19 Vaccine (Website ng Ministry of Health, Labour and Welfare) <External link>
https://www.cov19-vaccine.mhlw.go.jp/qa/

>> Sa mga Taong Magpapabakuna ng COVID-19 Vaccine Comirnaty at Kanilang Pamilya (materyales na ginawa ng Pfizer Inc.) (materyales na nakalathala sa website ng (Incorporated Administrative Agency) Pharmaceuticals and Medical Devices Agency) [PDF file / 831 KB]
https://www.city.hiroshima.lg.jp/uploaded/attachment/138583.pdf

Top