Kapag may taong nahawa sa novel coronavirus sa inyong pamilya
1 Hangga’t maaari, ibukod ang kuwarto ng taong nahawa sa ibang kapamilya.
Gawing kuwartong may bintana, at maaaring magpadaloy ng sariwang hangin, ang kuwarto ng taong nahawa.
Hangga’t maaari, huwag lumabas mula sa kuwarto ang taong nahawa.
Hangga’t maaari, huwag gamitin ng taong nahawa ang lugar na ginagamit ng pamilya (toilet, paliguan at iba pa).
Pagkatapos gumamit ang taong nahawa ng toilet at iba pa, padaluyin ang sariwang hangin doon.
Kung hindi maaaring ibukod ang kuwarto, lumayo ang kapamilya ng 2 metro o higit pa sa taong nahawa.
Kahit sa pagkain at pagtulog, ibukod ang kuwarto ng taong nahawa sa mga kapamilya.
2 Gawin ang pag-aalaga sa taong nahawa ng nakatalagang 1 tao.
Madaling mahawa kung mag-aalaga sa taong nahawa.
Magtalaga ng 1 taong mag-aalaga sa taong nahawa.
3 Magsuot ng face mask ang lahat ng miyembro ng pamilya.
Magsuot din ng face mask ang taong hindi nahawa.
Huwag dalhin sa labas ng kuwarto kundi itapon kaagad ang ginamit na face mask.
4 Madalas na hugasan nang mabuti ang kamay. Magmumog.
Gumamit ang lahat ng miyembro ng pamilya ng sabon at madalas na hugasan nang mabuti ang kamay, at idisimpekta sa pamamagitan ng alkohol.
Magmumog.
5 Magpadaloy ng sariwang hangin.
Magpadaloy ng sariwang hangin sa itinalagang oras sa kuwarto ng taong nahawa.
Hangga’t maaari, magpadaloy din ng sariwang hangin sa kuwarto ng mga kapamilya.
6 Idisimpekta ang lugar na hinahawakan ng pamilya. Huwag gumamit ng parehong tuwalya at mga pinggan.
Idisimpekta ang mga lugar na madalas hawakan ng taong nahawa at ng mga kapamilya, tulad ng hawakan ng pinto at iba pa. Idisimpekta sa pamamagitan ng 0.1% ng sodium hypochlorite (Naglalaman ang pantahanang chlorine bleach nito. Mangyaring magtanong sa drug store atbp.).
Bawal gamitin ng taong nahawa at ng mga kapamilya ang parehong tuwalya, mga pinggan, kutsara atbp.
Labhan at hugasan ng detergent tulad ng kinagawian ang ginamit na tuwalya, mga pinggan atbp.
Linisin din ng kinagawiang detergent ang toilet at paliguan.
7 Labhan ang maruming damit nang bukod sa damit ng ibang kapamilya.
Kapag hahawakan ang damit na nadumihan dahil sa diarrhea atbp., magsuot ng guwantes at face mask.
Labhan ang maruming damit nang bukod sa damit ng ibang kapamilya.
Labhan ng kinagawiang sabong panlaba, at patuyuin nang husto.
8 Mahigpit na isara <isara ang bunganga ng supot upang hindi hindi lumabas ang basurang nasa loob nito> at itapon ang supot ng basura.
Nakakapit din ang virus sa mga tissue at iba pang nadikitan ng uhog mula sa ilong.
Ipaloob kaagad ang basura sa plastik na supot, mahigpit itong isara at itapon.
Pagkatapos magtapon ng basura, hugasan nang maigi ang kamay.
Maaaring nahawa na ang mga kapamilya at taong kasamang nakatira ng taong nahawa.
Mag-ingat din ang mga kapamilya sa kalagayan ng kalusugan sa loob ng 14 na araw mula nang gumaling ang sakit ng taong nahawa.
Kapag lalabas ng bahay tulad ng pagpasok sa trabaho, eskuwela o iba pa, magsuot ng face mask, at madalas na hugasan nang mabuti ang kamay.
Sinanggunian ang Mga Bagay na Dapat Pag-ingatan sa loob ng Tahanan kung May Taong Pinaghihinalaang Nahawa sa Novel Coronavirus (ipinagtipon ng Japanese Society for Infection Prevention and Control) sa paglikha ng materyales na ito.
https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/newpage_00009.html
Multicultural Society Promotion Section,
Human Rights Education Division,
Citizens Affairs Bureau ng Hiroshima City